THIRTY-THREE

290 15 2
                                    

"Chacha! Gumising ka! Cha!"

Tinapik tapik ko ang kaniyang pisnge upang gisingin siya, pero takte! Ayaw bumuka ng kaniyang mga mata. Hinawakan ko ang kutsilyong nakabaon sa kaniyang tiyan. Natataranta na ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natatakot akong hugutin iyon dahil baka mas lalo lang bumulwak ang dugo niya kaya hindi ko na iyon pinakaelaman.

"Cha gising! Y-yung gamot mo... Dala ko na, gusto mo bigyan kita ng tubig, kukunin ko para sa'yo, gumising ka na please."

Bakit ito nangyayari sa akin?! Diyos ko, kung totoo ka man please, huwag mo namang kunin si chacha oh, ako nalang, kahit ako nalang.

"Cha! Gumising ka! Anu ba!" umiiyak nanaman ko. Bakit ganito? Anu nanaman ito?

Wala akong magawa, hindi ko siya nailigtas, kasalanan ko ito, kasalanan kong lahat ito. Kung hindi ko lang sana siya iniwan, kung sana hindi nalang ako umalis. Kasalanan ko ito, ako ang pumatay sa kaniya...

"Cha! Gising! Ibibigay ko pa sa'yo ang cellphone ko tsaka iPod ko, di'ba gusto mo iyon, ibibigay ko na sa'yo gumising ka lang please." niyakap ko siya ng mahigpit, wala na akong pakialam kung pareho kaming dalawa na naliligo sa sarili niyang dugo.

"Cha! Sige nanaman oh, gumising ka na, huwag mong iwan si ate, sige na gising na." humagulhul ako ng wala paring nangyari.

Para akong tatakasan ng bait. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Bakit ayaw niyang gumising?! Ano ng gagawin ko?! Ano? Mabubuhay pa ba siya? Mabubuhay pa siya di'ba?

"Cha! Cha." tinapik tapik ko ang kaniyang pisnge. "Cha, gising tara punta tayo sa bayan bibili kita ng mga damit, gusto mo iyon di'ba, libre ka ni ate. Tara bangon ka na diyan please, bili tayo ice cream chaaaa..."

Nawawala na ako sa sarili ko. Niyakap ko nalang siya ulit ng mahigpit. Mahigpit ng mahigpit, yung tipong ayoko siyang pakawalan.

"Huwag... Huwag muna please..." bulong ko sa kaniya. "Huwag mo munang iwan si ate cha..."

"A-ate..."

"Cha." natauhan ako ng bumulong siya, parang hangin lang iyon pero sapat na upang maintindihan ko.

"Cha, nandito lang ako. Nandito lang si ate, kumapit ka dadalhin kita sa hospital, may hospital ba dito?" mahigpit kong hinawakan ang kamay niya, nanlalamig na iyon, pinipisil pisil ko iyon upang bumalik ang init.

"M-malayo..." yun lang ang naisagot niya.

"Malayo? Okay lang, sabihin mo kay ate kung saan, pupuntahan ko kahit malayo. Teka, maghahanap lang ako ng s-sasakyan natin, huwag kang pipikit." tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ako.

"D-dito ka.. L-lang..."

"Pero kailangan kitang dalhin sa hospital cha. Dadalhin kita sa hospital-"

Biglang may pumasok. Si Ulysses. Nagulat rin siya sa nasaksihan niya. Katulad ko ay nanlulumo siyang lumapit sa amin.

"Uly, tulungan mo ako, si chacha, Uly dalhin natin siya sa Hospital please!" palahaw ko rito.

Mabilis itong kumilos, may kinuha itong isang puting tela, maingat niyang inangat ang nakabaong kutsilyo. Saka tinakpan niya ang malaking sugat ng tela upang kahit papano ay mapahina ang pagdaloy ng dugo. Kinuha niya ang kamay ko saka inilagay sa tela upang isecure iyon.

'Tatawag ako ng tulong dito ka lang.' bilin niya sa akin, tumango ako sa kaniya.

Mahigpit ko paring hinahawakan si chacha. Palagi kong sinasabi sa kaniya na huwag na huwag siyang pipikit.

"Cha, huwag kang pipikit ah. Sinasabi ko sa'yo, kukuritin talaga kita."

"A-ate..." hirap na hirap niyang sabi.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon