SEVEN

321 15 0
                                    

"Hello! I'm Victoria, Vicky for short."

Umupo ito sa tabi ko. I'm with the bench dahil pinagpahinga ang utak ko sa sandamakmak na klase kanina. Hindi ako makapag cut kasi bantay sarado ako ng mga classmates. Pinapabantayan ako ng pepeng Ulysses na iyon, pabidang pepe.

"You are Arya right? I mean Macaria Loria Holmes Teves."

Matulis kong tinignan ang baklang nagpapakilala sa akin ngayon. Katulad ko ay Transferre din siya dito sa CCC. Dating Law student at nag shift dito sa tourism, at sa kamalas malasan nga naman ay naging partner ko siya sa gagawing report namin.

"Ayy ang attitude ni bruha, by the way may naisip na akong strategy sa report natin."

Hindi ko siya pinansin, inabala ko nalang ang sarili sa pagtipa ng cellphone kahit wala naman akong matipa, mema gawa lang.

"Ang plano, mag-iinterview tayo ng mga tao sa isang barangay At- hello hello hello? Are you listening to me ba?"

I looked at him or her whatever! And smiled at him or her or whatsoever. Ano bang dapat itawag sa kaniya?

"Alam mo, sinasabi ko sa'yo, wala akong pakialam kung anong strategies chuchu ang gagawin mo sa report na iyan, and wala akong balak makisali diyan sa pisteng report na iyan kaya kung pwede ayaw ko ng istorbo atsaka maingay." sinabi ko iyon habang nakangiti sa kaniya.

I saw his or her face wince.

"Duhh, girl by partner to noh, may by partner ba na mag-isa lang akong gagawa?"

"Kaya mo naman sigurong mag-isa iyan di'ba?"

Ngumiti siya ng nakakainis sa akin. "Girl, Hindi. Kaya sa ayaw't sa gusto mo dapat tayong dalawa."

Inirapan ko nalang siya. Kaya ayaw ko sa mga bakla eh, atribida.  Tsk.

Inaliw ko nalang ulit ang sarili sa pagtipa ng cellphone, inopen ko ang aking fb lite. Matagal tagal narin akong hindi nakapag open ng account ko, puno ng mga notifications at messages ang fb ko. 500 plus notifications and 152 messages. Tsk, ang dami na pala ngayong nag-aalala sa akin. Sarcasm.

Pinindot ko ang message ni Argon.

"Uy insan, musta na?"

"Kamusta ang buhay bukid haha."

"Huyy mag reply ka animal!"

"Huy ano na?"

Marami pa siyang minessage sa akin pero lumipat ako sa gc naming magbabarkada.

*Abnoy Team* Napangiwi ako sa pinalit nilang group name.

From last month:

"Hoy kamusta na kaya si Arya?"

"Oo nga buhay pa ba iyon?"

"Si Bagtas, hinahanap na siya, hindi pa naka move on nung hindi siya sinipot ng gaga sa laban nila."

"Balita ko pinatapon daw ni congressman sa isla."

"Oo, ipapakasal daw siya don kay Tarzan."

"Hahaha."

"Hahaha."

Mga baliw! Nakakainis na talaga ang mga abnoy na'to. Binasa ko pa ulit ang mga messages nila.

"Hindi na nagpaparamdam si Macaria."

"Oo eh, ipagdasal nalang na'tin kaluluwa niya."

"Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Arya."

"Amen."

Hindi  ko na matiis ng hindi magreply  mga gagong unggoy! Buhay pa ako ginawa na nila akong patay!

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon