TWENTY-TWO

257 15 2
                                    

"Oh shit!" I cursed ng makitang mas lalo lang kumalat ang lugaw sa bistida ko.

"Ito Arya, gamitin mo nalang itong panyo ko." tinignan ko ang payong iniabot sa akin ni Flor.

Kinuha ko ito mula sa kaniya. "Thanks." I said to her.

"Iyan, ang takaw mo kasi." sabat naman ni Cormac sa tabi ko.

Pinunasan ko ng maiigi ang namantsahang bistida. And thanks goodness, nawala rin naman ito ng ilang punas ko lang but still may mga mantsa parin, pero pwede na, I think mawawala rin naman iyon kapag nilabhan ko.

"Pasensiya na." mahina kong sabi saka bumalik ako sa pagkakaupo. "Shall we go back to eat, gutom na kasi ako."

"Okay, kumain na tayo." sang-ayon naman ni Flor sa akin. Yumuko ako upang bigyang pansin ang kinakain ko.

Lumipas ang ilang minuto ng walang sino man sa amin ang nagsasalita. I don't know why, maybe dahil mukhang may kaniya kaniya kaming iniisip sa sandaling ito. May nararamdaman rin akong kakaibang tensiyon sa aming apat. I can't actually tell what is it but I'm sure there is.

Uminom ako ng tubig. Si Flor ay busy sa kinakain nitong lugaw at ga'non din si Ulysses, parang naka lock ang mga mata nila sa lugaw na kinakain nila. Parang ang lalalim ng mga iniisip nito. Nang ilipat ko ang mga mata ko sa katabi ko ay nakatingin lang sa akin si Cormac habang ang pisnge nito ay ipinatong nito sa kaniyang kamay.

Ngumuso ito sa akin. "Hi."

Tsk. Inirapan ko siya. Nakita kong hindi nito ginagalaw ang lugaw nito. Kumunot ang noo ko. "Hey, hindi mo kinakain ang lugaw mo."

The taste is good actually, masarap naman ang lugaw katulad ng sinabi sa amin ni Flor lalo na't kung nilagyan ito ng paminta. May toppings rin itong chicharon at hindi rin tinipid sa manok, kaya siguradong walang costumer ang hindi matatakam sa itsura palang nito.

Tinapunan niya lang ng tingin ang kaniyang lugaw. "Nah, mas masarap kang tignan." he said.

Nanliit ang dalawa kong mga mata sa kaniya. Puro talaga siya kagaguhan. "Seryoso ako, bakit hindi mo kinakain iyang lugaw mo?"

Nag kibit balikat lang ito. "Wala akong gana eh, ipapa take out ko nalang, para sa bahay ko nalang kainin, pwede ba iyon miss secretary?" bumaling ito kay Flor.

"H-huh? Uhm... Yeah, pwede naman, wait sasabihan ko lang iyong-"

"No pero ako na ang tatawag." pigil ni Cormac sa kaniya. Itinaas nito ang kaliwang kamay upang tawagin ang pansin ng nagbabantay. "Boss, pa take out nalang nito."

Agad namang lumapit ang tagabantay ng lugawan upang aasikasuhin siya. Minutes pass, hindi na kami nagtagal pa sa lugawan. Napagdesisyunan naming umuwi na.

"Hay bakla, ang sarap ng lugaw nila in fairness." nag burp pa si Vicky habang hawak hawak ang tiyan. "Insan salamat ah. Nabusog talaga ako."

Ngumiti naman si Flor sa pinsan niya. "Okay lang, by the way, ano? Sa susunod ulit?"

Nah, wala ng susunod pagkatapos nito. Sabi ko sa utak ko.

"Uhm, sorry kung hindi na kami makakasabay sa inyo ni Ulysses sa pag-uwi, may aasikasuhin pa kasi kami sa CCC eh."

Tumango nalang ako para matapos na ito. Uwing uwi narin kasi ako eh. Damn,  feel like my feet are swelling now.

"Arya, salamat at pinaunlakan mo ang imbita ko sa'yo." wika sa akin ni Flor.

"Yeah yeah, nag-enjoy din naman ako." kahit papano. "And the porridge is good too, I think kakain pa ulit ako nito, next time."

Matamis akong ningitian ni Flor. "Sige, mauna na kami, Arya, Cormac at insan, salamat at sinamahan niyo kami ni Ulysses." bumaling ito kay Uly.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon