SIX

328 20 0
                                    

It's been a week since I got her in Castilleja. So far so bad ang mga naging experience ko dito. Hindi ko sineryoso ang sinabi sa akin nung principal. Well, everytime na nakakasira ako ng mga bagay sa school o di kaya'y may binubwesit na mga professor pinapatawag niya parin ako at binabalaan, pero syempre hindi ako magtatanda. Akala niya ginagawa ko ang mga pa mission niya sa akin kasama yung pepeng iyon well, speaking of Ulysses. Sa tuwing magkikita kami dapat ay hindi ko siya sinisipot. Mag-aral siyang mag-isa niya, huwag niya akong madamay damay.

At isa pa, hindi naman kami magkakasundo non tsaka hindi rin kami nagkakaintindihan kaya wala rin akong maiintindihan sa kaniya.

Lumipas ang isang linggo na ganun ganun lang. Papasok ako para may attendance sa mga tagabantay ni dad sa akin tapos dating gawi, manggugulo, at hindi seseryusuhin ang klase. Para san pa't papasa parin naman ako.

And Ulysses? Yun, isang linggo ko narin itong iniiwasan. Sa tuwing lalapit naman siya para sa session namin ay palagi ko itong iniiwasan o di kaya minamalditahan. Buti nalang at hindi ito makulit, hinahayaan narin niya ako.

I really don't like his presence. Hindi kasi ako mapapakali pag andiyan siya kaya naiinis ako sa kaniya.

Kaya ngayon, kasalukuyan ko nanamang tinataksan ito. May session kami ngayon at mentor ko siya. Mabilis akong nagtago sa likod ng poste. Nakita ko kasi siyang kasama ang mga kaibigan or classmates niya ata.

Ang problema, hindi ako makalabas ng gate dahil nakatambay sila sa mismong tapat non. Shit! Plano ko kasing umuwi ngayon dahil bored ako.

Narinig kong nagtatawanan sila at mukhang matagal pa bago sila magpasyang umalis. Shit, baka maabutan pa yata ako nito ng hapon. No choice, plan B.

Maingat akong umalis mula sa pinagtataguan ko at mabilis na pumunta sa likod ng isang building kung saan naroroon ang pader, kapag aakyatin ko ito ay diritso ako sa may ilog.

Inihagis ko ang bag ko sa kabilang side ng pader at inihanda ang sarili sa matinding akyatan. Buti nalang sa tulong ng mga ugat ng balete ay madali kong naakyat ang pader. Nang nasa dulo na ay tinalon ko nalang ito.

Phew! Easy pessy!

"Haha!" tatawa tawa kong kinuha ang bag ko sa lupa.

Lalakad na sana ako ng pag-angat ko ng tingin ay nasa harap ko na ngayon ang kanina ko lang tinatakasan. Matiim ang tingin niya sa akin, tila hindi gusto ang ginawa ko. Nakita ko ring ang pagtiim ng bagang nito. Nakapamulsa habang nakatayo sa harapan ko.

Shit! Paano siya nakarating dito? Paano niya ako nakita? Paaano niya nalamang dito ako dumadaan?

"Ah, hi President." ngumiti ako ng matamis sa kaniya kahit na pinagpapawisan na ako.

Nakatayo lang siya sa harapan ko at tiim bagang parin habang nakatingin sa akin. Tila may gustong sabihin o ipahiwatig sa akin pero pinipigilan ang sarili nito.

Hindi ko mabasa kung bakit siya galit. Hindi siya madaling basahin kaya hindi ko alam kung galit ba siya dahil umakyat ako sa pader at nag cutting class o di kaya'y galit siya dahil tinakasan ko siya. Or both.

Mula sa bulsa niya ay kinuha nito ang isang maliit na pocket notebook at isang maliit na ballpen saka may isinulat doon.

"Where do you think your going?" yun ang nakasulat.

"Ah-eh mamasyal lang, babalik lang naman ako agad." Wala siyang reaksiyon sa sinabi ko. Hindi siya naniniwala sa akin. Damn.

"Hindi ka ba naniniwala ha? Tsk, hindi naman ako mag cu-cutting eh, wala na akong pasok ngayon kaya mamasyal muna ako tapos aatend ako sa session na'tin."

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon