SEVENTEEN

270 13 0
                                    


Under the glazing sun, we walk the mountain. Nakakapagod actually at dahil wala kaming masakyan na kabayo ay tinitiis namin ang medyo masukal na daan patungo sa tinatawag nilang Barbara.

Kung alam ko lang na ganito kahirap mag cutting class dito, ito na ang huling mag ca-cutting ako kasama sila litse, nagkanda dulas dulas kami kanina dahil sa dulas ng daan, idagdag pang pataas ang lugar kaya doble dapat ang kapit namin upang hindi matumba at gumulong, kung sana ay may kabayo kami eh di sana madali lang ang pag hiking dito, yun nga lang, ang mukhang kabayo lang ang kasama ko, hindi literal na kabayo, kaya hindi ko siya pwedeng masakyan.

"Sigurado ka bang dito ang daan Arya? Baka nawawala na tayo ah." I heard Vicky from my back.

"Yes, at alam ko ang ginagawa ko kaya manahimik ka muna diyan at nag co-concentrate ako."

"Tsk, duda ako diyan." sabi niya ng pabulong.

Is this the right way? Wait, I forgot! Kaliwa ba o kanan? Okay, final kaliwa. I hope my memory is right.

"Sure kang sa kaliwa ang daan? Feel ko sa kanan." Sabat ni Vicky.

"Shhh, shut up, I know where it is okay, wala ka bang tiwala sa akin?"

"Gusto mo sagutin ko iyang tanong mo?" hamon niya sa'kin.

"Bakit hindi? Para malampaso kita dito saka kita iwan, at pwede ba?! Stop using your mouth, naiirita ako sa kakakuda mo diyan, basta sumunod ka lang sa akin dahil nakarating na ako dun." sabi ko sa iritang boses.

"Talaga? Nakapunta ka na don? Anong itsura? Sabi nila maganda daw iyon, kitang kita mo iyong buong view ng Castilleja sayang hindi ako nakapag charge ng cellphone para makapag selfie ako-" I glared at him.

"Ayaw mo talagang tumahimik noh?" nakataas na kilay na banta ko. Ang ingay eh.

"Anu ba..." napakamot ito ng batok. "Bakit mo ba kasi ako pinapatahimik?"

"Because I can't concentrate." irita kong sagot sa kaniya.

"So hindi ka talaga sure sa dinadaanan na'tin?!" tila nagpapanic na siya. "Oh my gosh Arya, ayoko pang mamatay dito noh, paano tayo makakauwi nito? Oh my gosh oh my gosh!" he's acting OA.

I rolled my eyes because of irritation and frustration. Naku kunti nalang malilibing ko ito ng buhay sa inis. Nagsisi ako kung bakit ko pa siya dinala dito.

"Can you...." Napapikit ako, Hmmm...nanggigigil ako ako sa kaniya. "Manahimik ka nalang okay? Kasi kapag hindi ka tumigil sa kaka bunganga mo diyan eh baka mapatay kita ng wala sa oras mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" bagamat seryoso ay nandoon parin ang pagbabanta ko.

Mukhang effective naman ang ginawa ko dahil nag zipper sign ito sa akin na palagi niyang ginagawa sa tuwing naiinis ako sa kaniya at pinapatahimik siya. Good, so I can go back to my concentration, now saan na ba kami.

"Dito yung daan." I am sure, dahil naalala kong dumaan kami ni Ulysses sa isang malaking puno na napapalibutan ng mga moss.

Naalala ko ring dumaan kami sa may ilog at hanggang sa pataas na na kung saan saka unahan ay may mga puno ng pine trees. Habang papaakyat kami ay unti unti ko ng naririnig ang mga sigawan ng isang grupo ng mga tao. I know, it's Celeste's stupid cousins. Halos mga isang oras rin kaming nag hiking, mas mapapabilis sana kapag may sinakyan kami.

"Oh my! Wait Arya!" bago pa kami makarating sa pinaka tuktok ay pinigilan ako ni Vicky sa pamamagitan ng paghawak nito sa aking braso. I give him my 'what the fuck' look.

"Ano nanaman?"

"Eiihhh... Di'ba ang sabi nila kapag daw may dinala kang tao run ay siya na ang makakatuluyan mo habang buhay?"

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon