THREE

425 22 0
                                    


“Lolang, sino po siya?”

Nasa isang maliit ako na bangko na gawa sa kawayan ako nakaupo. Lahat ng mga materyales ng buong bahay ay gawa sa kawayan. Napaka presko ngunit malinis tignan. Kakarating lang namin ni tanda at sobrang sakit na ng mga paa ko dahil naghiking pa kami paakyat ng bundok.

Seriously? Nasa taas lang naman ng bundok ang bahay ni tanda. Daig ko pa ang nag adventure sa dami ng pinagdaanan ko makarating lang dito sa bahay niya.

“Bakit po siya madungis lolang? Isa po ba siyang taong grasa na kinupkop niyo dito sa atin?”

Isa pa sa kinaiinisan ko ang batang ito na panay ang tanong kung sino at saan ako galing. At abat-pinagkamalan pa akong taong grasa!

Tumingin sa akin ang batang babae na tansya ko ay mga nasa dose or onse ang edad. Halata sa itsura nito na isa itong kikay. Halos mapuno na kasi ng mga makukulay na hair pins ang ulo niya. Nagmukha tuloy topings ng ice-cream ang ulo niya.

Pulang pula ang pisnge nito, tsk nasobrahan sa liptint. Kakulay naman ng rainbow ang suot niyang damit, nagtatalo ang mga kulay. She's the total opposite of me.

I hate seeing colors, I want all my things black. Kaya nga binansagan akong black lady dahil bitter daw ako sa kulay. It's not that I hate colors, I'm just cannot appreciate it like others do. Hindi ako ganung tao, I want black because it's dark and fierce, it's the perfect color that perfectly represents me. In short, allergic ako sa kulay na sumisimbolo sa masaya.

Mas gusto ko kasi yung mga bagay na masyadong fierce at delikado. Hindi tulad sa batang kaharap ko ngayon na parang walking crayons. Arrgghhhh... Sakit sa mata siya.

“Ate, taga san ka po?” tanong niya.

Hindi ko siya sinagot, nakahalukipkip lang ako habang nakaupo sa hindi komportable nilang upuan.

“Bakit po puro kayo putik? Kumakain po ba kayo n'on dahil wala na kayong makain sa inyo? Kawawa naman pala kayo.”

To my surprise she taps my hair like she's tapping a dog's head.

What the heck?!

Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa ulo ko. Putragis kang bata ka, dumagdag ka pa sa sakit ng ulo ko!

“Huwag mo nga akong hawakan!” I hissed at her.

Nagulat siya sa ginawa ko, akala ko ay lalayo na siya sa akin matapos kong malditahan ito ngunit mas lalo lang niya akong kinulit.

“Ate baka may lagnat ka?! Ang sungit sungit mo kasi. Hala ate, baka nababaliw ka na po, di'ba ang mga taong grasa madalas baliw, hala ate! Kailangan mong dalhin sa espesyalista! Lolang! Lolang!”

Napanganga lang ako ng tumatakbo na siya patungong kusina upang puntahan ang matanda.

“What the heck?”

Iniisip ba ng batang iyon na isa akong taong grasa at nababaliw na?! Kitisin ko singit no'n eh. Ka badtrip!

Tumayo nalang ako mula sa pagkakaupo. Mas lalong lumalakas ang ulan. May nakita akong parang balkonahe ng bahay nila kaya pinuntahan ko iyon upang makita ang buong tanawin.

Napanganga ako sa ganda ng lugar mula dito sa taas ng bundok. Halos tanaw ko ang buong Castilleja. Ang paligid namin ay parang ng sa Batanes lang pero mas malago at berdeng berde ang mga damo dito. Ang mga puno ay perpektong nakatayo sa kani kanilang pwesto. Mas lalong pinaganda ng ulan ang tanawin. Pati karagatan at ulap lahat ay perpekto, para akong nakapasok sa isang painting na gawa ng isang magaling na pintor. Ganun ang pakiramdam ko nagyon.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon