EPILOGUE

570 19 13
                                    

Ulysses Valentino Montejo

"Uly! Aalis ka na?"

Nilingon ko si mang Canor bago ko inangat ang isang basket na punong puno ng isda na nahuli namin kaninang madaling araw. Mamaya, pagkatapos nito ay pupunta nanaman ako sa Teretorio Montealegre para tumulong sa pag harvest ng mga mangga. Marami pa pala akong gagawin sa araw na ito.

Tumango ako sa kaniya. Saka sinenyasan siya na tatapusin ko muna ang trabaho dito bago ako umalis. Nag thumbs up lang ito sa akin.

I'm mute. Yes, hindi lahat ay nakakaintindi sa mga senyas ko but I still try my best to make them understand me. Mahirap ang maging ganito, yung may gustong gusto kang sabihin sa kanila pero hindi mo maisabi ng maayos. Good thing, I can still hear, kaya hindi na ako masyadong nahihirapan sa pakikipag usap sa kanila.

Buti nalang at mababait ang mga tao rito sa Castilleja, tinutulungan nila akong makipag komunikasyon sa kanila ng hindi nahihirapan. Pero meron ding iba na nangungutya sa kapansanan ko. Hindi ko nalang sila pinapansin. They use their words to destroy others not to create something good. Words are so powerful, so it is important that we must use it responsibly.

"Uly!"

It's Flor, kinawayan niya ako. I wave at her back. Nakangiti itong lumapit sa akin. She's my childhood friend and now my best friend. Bata palang ay magkakilala na kaming dalawa kaya palagay na ang loob ko sa kaniya. Siya nag unang tao na nakaintindi sa akin.

"Kamusta? Pagod ka na?" She signed a language.

Sinenyasan ko lang siya ng 'Hindi naman'

She smiled to me sweetly like she always do. Tinapos ko muna ang mga gagawin dito bago ko napagpasyahan na umalis na muna. Lumapit ako kay Mang Canor upang magpaalam.

"Sige Ulysses, ingat, balik ka nalang dito mamayang hapon."

Tumango ako saka pinuntahan si Bagtas. Ang kaisa isa kong kabayo. Iniregalo ito sa akin nung bata pa ako. Kasa kasama ko ito sa lahat ng trabaho ko. Hinaplos ko muna ang buhok ni Bagtas saka kinalas ang pagkakatali nito sa puno.

Good girl.

Sumakay na ako upang puntahan ang pakay kong lugar, ang Teretorio Montealegre. Nag pa-part time rin ako dun, sayang rin ang kita na magagamit ko sa pag-aaral ko. Tiningala ko ang kalangitan, kumulimlim na, nagbabadya ang buhos ng malakas na ulan.

Kailangan kong magmadali.

As I trailed the way, may nakasalubong akong isang na trap na tricycle. Binagalan ko ang pagtakbo kay Bagtas. Mukhang kailangan nila ng tulong. Lalo na don sa babaeng nasubsub ang mukha sa putikan. Napangisi ako. Nakakailang kasi ang itsura niya ng maabutan ko ito, nakatuwad ito habang ang mukha ay nasa putikan na.

Mas lalo pang lumakas ang ulan kaya mas mahihirapan lang sila na makaalis sa putikan. So I decided to help them out.

Inuna ko munang tulungan ang kawawang babae na makatayo. Gamit ang mga bisig ko ay inangat ko siya. Dahil sa medyo may kapayatan ang katawan niya ay madali ko siyang naiangat. Nakaalis na ang tricycle mula sa pagka trap nito sa putik pero isang mapanaksak na tingin lang ang ipinukol ng babae sa akin.

And that's how we've met.

"Dont touch me!" mataray niyang singhal sa akin.

Siya pa itong tinulungan siya pa ang galit.

Hindi ko makita ang buo nitong mukha dahil nakabalot lahat ng putik ang mukha niya. Biglang lumapit sa amin si kuya Isko. Yung driver pala nung sinasakyan niyang tricycle.

"Ulysses! Ikaw pala!" si kuya Isko. Pinayungan nito yung babae. Kitang kita ko ang pagpipigil ng tawa ni kuya Isko sa itsura no'ng babae na ngayon ay sobrang talim ng tingin sa akin. Tsk tsk.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon