TWENTY-FOUR

287 14 0
                                    

Mabilis akong naglakad paalis ng building. Bawat hakbang ko ay may dala dalang mabibigat na tunog. Hindi ko siya nilingon, naglakad ako ng diritso walang lingon lingon. Kung gaano kabilis ang mga hakbang ko ay ganoon rin kabilis ang tibok ng puso ko.

Dapat ay masanay na ako na ganoon ang magiging reaksiyon ng puso ko sa tuwing nandiyan siya, pero ewan ko ba, sa tuwing nagpapanic ang puso ko ay parang naninibago parin ako, sa kaniya, at sa nararamdaman ko.

I did warned myself, not to... Yeah that what they call 'that thing', pero sabi nga nila hindi matuturuan ang puso, na kung gaano ka kasama ay tatablan ka parin ng pana ng litseng kupido na iyan! I was denying it, but now, hinahampas na sa akin ang nararamdaman ko para sa kaniya ang katotohanan. Actually matagal ko ng alam but I keep on denying it, dahil hindi ko kaya. Noon hindi ako naniniwala sa ganiyan ganiyan dahil lumaki akong mag-isa, well may mga yaya ako but still I'm still alone. Akala ko nasa mga libro lang iyan.

I'm inlove with that mute! Putangina lang di'ba?! Inaamin ko na.

Pero isa lang ang tanong ko. Bakit siya pa?! Marami namang iba diyan, bakit siya pa?

Mabibigat na hakbang ang sanhi kung bakit maingay akong naglakad pababa sa hagdan ng building. Lahat ng mga estudyanteng nakakasalubong ko ay tumatabi sa tuwing napapadaan ako.

Siguro naman di'ba pwede pang mag back out ang feelings? Hindi kasi pwedeng siya, bakit hindi pwedeng diktahan ang puso? Maybe, kapag lumayo ako sa kaniya siguro unti unti ring mawawala ito, di'ba? Para lang itong simpleng crush na kalaunay mawawala rin kapag hindi kami nagpapansinan. Ga'non ba iyon?

Napahilamos ako ng mukha. Siguro kailangan ko lang itong palipasin. Yes, kailangan ko lang sigurong palipasin itong nararamdaman ko saka mawawala rin ito.

I can't love, I don't love and I will not love.

There's no way in hell I'm gonna  love! Shit!

Hindi ko na napansin na sa kakagulo ko ng buhok ay nakarating na pala ako sa labas ng gate ng CCC, when someone texted me.

Kinuha ko ang nag beeped kong cellphone. Iisang message lang ang nandoon and it's none other than Ulysses.

Napalunok ako, matagal bago inopen ko ang text message niya.

From: Ulysses

Meet me at five, tomorrow afternoon.

Yun lang ang nakalagay sa text niya. Mas lalo kong ginulo ang buhok ko ng maalala na ito pala ang magtuturo sa akin- and that is all because of that hairless Principal! Paano ko siya maiiwasan niyan kung may session kaming dalawa?

Oh shit!

Nasapo ko nalang ang noo ko sa frustration. Arrgghhhh! Ah basta! Bahala na!

"Huy ate, nandito ka na pala, tara uwi na tayo." hindi ko pinansin si chacha na lumapit sa akin dahil nanatili lang ang mga mata ko sa screen ng cellphone ko.

"Huy! Ate, ano tara na?" siniko ako nito.

"Ah basta bahala na!" padabog kong ibinalik ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong hoodie.

"Ano nanaman kayang nangyari don?" rinig kong tanong nito sa sarili.

Kinabukasan, nakatanggap nanaman ulit ako ng isang text message. I silently prayed na sana hindi iyon si Ulysses and half of me is praying na sana galing iyon kay Ulysses. Ang gulo ko!

Hindi pa ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip ng mga estratehiya kung paano ko kaya siya maiiwasan. I decided na iwasan siya, for my safety, for my heart's safety.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon