FOUR

381 18 0
                                    


It was a blissful morning for them, but not for mine. Ibang iba ang kalagayan ko ngayon dito. Una, hindi uso sa lugar nila ang kutson kaya nagtatiyaga nalang ako sa katre na gawa sa kawayan na may banig. Pangalawa, walang aircon o electric fan man lang kaya pinuputakte ako ng mga lamok! Pangatlo, hindi ako makatulog dahil nga sa mga litseng palaka na hindi nagsasawa sa kaka kokak.

Kaya ang resulta, puyat ako!

“Ate! Ate! Gising na, mahuhuli na ako sa klase dahil sa'yo eh!” Pilit niyang kinukuha ang kumot ko sa katawan.

Nang magtagumpay naman siya ay ang unan naman ang pinangtabon ko sa ulo.

“Go away! I'm still sleepy!”

“Hayst, yan nanaman siya sa English niya. Gising na ate may araw na oh.”

Yung unan nanaman niya ang pinuntirya ko. Kaya marahas akong umupo mula sa aking pagkakahiga. Stupid child!

“So, what do you want me to do? Go out and photosynthesis?” Tinarayan ko siya. At ang litse, nagtaray rin.

“Bakit? Halaman ka ba?”

What the-!!

“Why just can't you go to school on your own?! Bakit dapat kasama ako? Aabsent ako ngayon dahil pagod ako period!” sabi ko sabay higa at tabon sa mukha ng unan.

“Ate naman ehh, sabi ni lola dapat kasama ka, hindi ako ihahatid ni mang Canor kung hindi kita kasama, alam mo minsan pabigat ka talaga.”

“At ako pa talaga ang pabigat?” Umupo ulit ako mula sa pagkakahiga. This girl is testing my patience. Baka hindi niya alam na nag mi mix martial arts ako pag nagagalit.

“Bakit ba kasi ayaw mong pumasok? Ikaw pa yung ate, ikaw pa tong ayaw pumasok.” Ngumuso siya.

Tsk.

“Cause I don't want to, anu ba? Ayaw ko ngang pumasok kasi masakit ang katawan ko sa kakaakyat ng bundok makarating lang dito sa bahay niyo, and I still have jetlag sa biyahe at ngayon? Papasok pa ako? Don't I deserve a rest? Kahit one day rest?!” Natahimik naman siya sa sinabi ko.

“At isa pa, wala pa akong school supplies so I'm not going.” Bumalik ako sa pagkakahiga.

“Ouh, ineng, bat nakahiga ka pa? Hindi ba sinabi sa'yo ni chacha na papasok kayo ngayon?” Si tanda pala, may hawak itong sandok.

“Sinabi ko po sa kaniya pero ayaw niya Lolang, sabi niya one day rest daw,” pagsusumbong ni Chacha.

I just rolled my eyes on them. Psh, bahala sila basta I will enjoy and rest my day this whole day.

“Ah ganun ba. Sige ibibigay ko nalang kay Mang Canor yung longanisa na para sa'yo at yung adobo nalang ang kainin mo ineng, nakakahiya kay mang Canor eh,” sabi ni Tanda.

“Okay,” I simply replied, pinikit ko na ang mga mata ko para matulog ulit.

“Wow! Favorite ko ang adobo! Lolang yung may mushroom po ba iyon?!” rinig kong excited na sabi ni Chacha sa tabi ko.

“Oo naman, bagay na bagay ang kabute sa adobong palaka na-”

Doon lang biglang kusang bumuka ang mga mata ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. What the heck?! Tinutoo nga ng matanda ang sinabi niya kagabi?!

No way to the hell I'm going to eat those stupid frogs!!!

Bigla bigla akong tumayo. “I feel energized today, parang gusto kong tumakbo papuntang skwelahan ngayon.” Nag-unat unat ako ng katawan.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon