THIRTEEN

285 12 0
                                    

Gulat na napabaling sa akin si Vicky ng makita akong nakasandal sa pinto. Ang dalawang kamay niya ay nasa kaniyang dibdib na para bang nabunutan ito ng tinik.

"Putragis kang babae ka, kumatok ka naman, ginulat mo ako!" Bumuga pa ito ng hangin.

Buti nalang at siya palang ang tao dito sa room. Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya.

"Oh bakla! Ba't para ka yatang hinabol ng sampung diablo sa itsura mo?"

Pasalampak akong umupo sa tabi ni Vicky, kami palang dalawa ang nasa room ngayon dahil siguro sa masyado kaming maaga para sa first class namin.

"Oh ikaw? Bakit para kang nakakita ng isang daang diablo ng makita mo ako?" balik kong tanong sa kaniya.

Ngumuso siya saka pinaypayan ang sarili. "Hindi naman kasi ikaw ang diablo no- I mean, alam ko ng matagal ka ng asal diablo no offense." sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

Sinamaan ko siya ng tingin, pati ba naman dito wala akong ligtas?

"Hindi ikaw ang tinutukoy kong diablo, actually mas masahol pa siya diablo baklaaa...." parang nag hi-hestirikal niyang sambit.

Binatukan ko na, ang OA eh. "Aray bakla ah, ang sakit ahh..."

Inirapan ko siya. "Huy bakla, bakit nga pala ang aga mo ngayon? May himala ba?" pang-iiba ko ng usapan.

"Ikaw, himala rin ah, ang aga mo rin, pumapasok ka ng fifty minutes late anong meron today? Pang tatlong araw mo na itong most punctual ah."

Humalukipkip ako. Ayaw ko ng maalala kung bakit. "Ayaw mo non mas maaga na kitang bibwesitin."

He shrugged. "Kung sa bagay."

"So... Bakit ka nga pala parang balisa kanina? May pinagtataguan ka ba?" tanong ko ulit. Para kasing kiti kiti ito, hindi mapakali sa inuupuan niya, tatayo na parang uupo.

"Huy! Umayos ka nga!" umayos naman ito ng upo.

"Shhhhhhh! Baka may makarinig sa'yo." pinatahimik niya ako gamit ang kaniyang hintuturo.

"Bakit ba? Siguro umutang ka noh? Pinagtataguan mo."

"Duhhh... Wala akong utang noh." sabi niya. Pero balisa parin, panay silip sa may bintana saka sa pinto ulit.

"Bahala ka." I said before putting my head on the table. Tutal maaga pa naman ay ipapahinga ko nalang ito. Nakakapagod palang mang-iwas ng tao.

"Huy bruha! Tutulugan mo ba ako?" marahan niyang niyugyug ang balikat ko

Umungol ako saka winaksi ang kamay niya sa balikat ko. "Shut up."

"Bruhaaa, anong gagawin ko..."

"Tsk, pagkamatay ka na." mahina kong sabi.

"Kasalanan mo ito eh..." pasimple siyang nagdabog. Hindi ko nalang siya pinansin, bahala siya diyan, kung may problema siya may problema rin ako, we have our own shits, people do have shits in their lives and of course I'm not exempted.

Paano ko ba naging problema ang Ulysses na iyon? Well, because of that stupid kiss. And I'm also stupid, pwede ko siyang itulak noon o di kaya bayagan o bugbugin pero hindi ko ginawa. Instead,  I responded to his kiss! Kaya paniguradong iniisip niya na nagustuhan ko rin iyong halik na iyon di'ba?

Did I like the kiss?

Aaarrggghhh!!! Sino ba kasi ang nag-imbento ng halik?!

"Kasalanan mo talaga ito bakla! Kung hindi mo sana ako sinama sa party ng mga itim na kulto na iyon eh di sana...." para siyang batang nagpapadyak na inagawan ng lollipop.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon