TWENTY-ONE

260 14 5
                                    

Maaga pa ng makarating kami ni Cormac sa simbahan kaya napagdesisyunan naming bumaba sa isang maliit na sari-sari store katapat lang din ng simbahan. Dito na muna kami tatambay habang wala pa ang dalawa.

I look at my phone to see if kung anong oras na. It's past seven, thirty minutes bago magsimula ang misa. May nakikita na akong mga dumadating na tao sa simbahan.

"Tsk, hintayin na muna natin sila, mabo-bored lang tayo don kung umuna tayo." Cormac said and I agree to him. Parang kinakabahan ako dito ah.

Tinext ko si bakla kung nasaan na siya, pero ang gaga ang sabi'y maliligo pa daw siya. Tsk.

Ibinalik ko ang cellphone ko sa maliit kong sling bag. I look at Cormac and I can see him chewing a gum.

"Tsk, parang boring naman diyan sa loob." he said, tinutukoy niya ang simbahan. Demonyo talaga.

"Bakit? Hindi ka pa nakakasimba?"

Ngumisi siya. "Alam kong demonyo ako pero kung sa maniwala ka man o sa hindi, pala simba akong tao."

Tumawa ako. Seriously? Ang gagong ito? Pala simba? That would be the funniest joke I've ever heard.

"Why are you laughing? Hindi ka ba naniniwala?"

I look at him in a disbelief expression. "Ano sa tingin mo?" tinuro ko pa sa kaniya ang natatawa kong mukha.

Nag tsk lang ito sa akin. "Bahala ka, kung ayaw mong maniwala edi huwag."

"Ang hirap naman talagang paniwalaan yun." sambit ko, saka tumingala sa langit.

Umiling iling nalang ito sa akin. I heard him buying something in the store.

"Bata pabili nga ng yosi."

"Ilan po kuya?"

"Dalawa."

Pinagmasdan ko ang kalangitan. The sky is so perfectly colored by blue and white. Walang bakas ng sama ng panahon. Ahh I wish na sana umulan ng malakas ngayon.

"Oh!"

Nang tignan ko si Cormac sa aking tabi ay may iniabot ito sa aking isang piraso ng yosi. May yosi narin ito sa kaniyang bibig. Tinignan ko lang ito.

"Come on, nag yo-yosi ka di'ba? Kunin mo na nangangalay na ang kamay ko dito." he said.

Kinuha ko ito mula sa kamay niya. Pinaglaruan ko muna ito bago ko inilagay sa aking bibig. Kinuha ko ang inabot niya sa aking lighter.

"Anong oras na?" tanong niya.

"Twenty-five minutes before eight." I answered.

Sinindihan ko na sana ang yosi ko ng may biglang humablot nito mula sa aking bibig. Pagbaling ko ay nasa tapat ko na pala si Ulysses.

Ni hindi ko man lang siya napansing dumating o dumaan. What is he doing here- I mean paano siya nakarating dito? Dapat kasama niya si Flor, mag-isa lang ba siya?

"Uy, si boss President, kasama mo asan?" si Cormac.

Lumingon ito sa kaniyang likuran. At doon nakita ko si Flor, kakababa lang nito sa sinasakyan nitong tricycle. Isang hanggang paang floral dress ang suot nito, bagay na bagay sa morena niyang kutis, magsisinungaling ako kung  ko sasabihing kong hindi siya maganda.

I wonder kung ano kaya ang nagustuhan sa kaniya ni Ulysses. Arrgghh, I don't want to think about it anymore.

"Hi Cormac, hi Arya." napakatamis itong ngumiti sa amin habang papalapit ito sa aming tatlo. Isa pa sa nakadagdag ng ganda nito ay ang kaniyang ngiti. Shit, kung pagdating sa pagandahan ay masasabi kong tabla lang kaming dalawa.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon