ONE

812 24 6
                                    

Arya

Words are powerful.

Makapangyarihan daw ang mga salita. Ang bawat salita na lumalabas sa bibig na'tin ay importante. It's something that is said and it symbolizes our feelings. It may sounds good to the ears but it can also scratch the receiver of your words, not physically but emotionally. So you have to choose carefully the words you use before releasing it.

Huh!

Ka OAhan. Itinapon ko sa kung saan ang article ng isang studyante sa school namin. Dahil do'n nanalo na iyon? Tsk. Ang panget ng isinulat niya. Kinuha ko ang isang pakete ng sigarilyo mula sa bulsa ko.

Words are powerful? Paano naging powerful iyon? For me,  words are words- I mean. Sabihin mo lang ang gusto mong sabihin sa isang tao, magpakatotoo ka lang huwag magpaka plastic, nasa tao na iyon kung paano nila tatanggapin ang mga salita. It's just it. Words aren't that powerful, it is used to communicate, talkshitting others and etc.

That's it.

Ang hirap sa mga tao ngayon pati pananalita ginagawan na nila ng issue. Mga walang magawa sa buhay!

Tumawa ako saka i-shinoot ang huling pakete ng sigarilyo sa trash bin. Naglikha iyon ng tunog kahit na hindi ko nakita ay alam kong sakto ang landing ng pakete sa bin. I smirk.

“Perfect shot!” Narinig kong lumapit sa akin ang pinsan kong si Spencer. Umupo ito sa sofa na hinihigaan ko ngayon. I decided to got up so that I can lit up my last cigarette.

“Pang ilan mo na iyan ha Arya?” Inabutan ako ni Spencer ng isang can ng beer. Inabot ko iyon ngunit inilagay ko lang sa sahig.

Pukengina! Ayaw mag sindi nitong lighter ko.

“Huy Spencer! Lighter.”  Sinuntok ko ang tiyan nito.

“Aray! Dapat ba nanununtok kapag humihiram?” I just rolled my eyes on him.

“Ang sabi ko pahiram ng lighter.”

“Tsk.” He handed me his lighter.

Desenyong baril iyon na kulay ginto na ang desinyo naman ng hawakan ay dragon. Sa tingin ko ay ninakaw nanaman niya ito sa papa niya.

“Ibalik mo iyan ah, gawa iyan sa purong ginto, mas mahal pa iyan sa buhay mo-huyy shit!”

Hindi ko na siya pinatapos at isinama ko sa trash bin ang mamahalin niyang lighter. Narinig kong tumawa ang mga kasama namin sa club. Pinanood kong maghalungkat ng basurahan na parang aso ang pinsan ko.  I laugh a bit. Dito ako naglalagi sa Boy's Club kapag binoboring ako sa klase. Masaya kasi dito, kahit na puro lalaki ang kasama, at least they're true, di tulad sa mga babaeng puro kaplastikan at paganda lang ang alam.

“Kakasabi ko nga lang- ayy shizz. Isusumbong na talaga kita kay Tito na hindi ka nanaman pumasok,” pagbabanta niya.

I just look at him playfully with a smirk. Hinayaan kong malaglag sa sahig ang mga upos ng sigarilyo.

“Gusto mo samahan pa kitang magsumbong eh, as if my dad cares,” I said. Humithit uli ako ng sigarilyo sabay buga.

“Parang hindi ka na nasanay diyan Spencer. Wala ng kinatatakutan ngayon si Arya, di'ba Arya?” Tinignan ko si Leo.

Papaupo palang siya at may kasama nanamang dalawang babae sa magkabilang side nito. If I'm not mistaken. It's Naomi and Hannah from Bullzing squads. Mga miyembro ng cheer squad.

Ngumiti ang dalawa sa amin ni Spencer well- kay Spencer lang pala. Tsk. Wala ako sa mood na makipag away ngayon dahil kagagaling ko lang din sa away. Ni hindi pa nga nawawala ang sakit ng balakang ko galing sa pakikipag suntukan don  sa mga mukhang uligpa na taga kabilang school at heto ngayon, nadagdagan pa ang sakit ko sa likod kanina dahil rumesbak ang kapatid nung pinalo ko ng baseball bat sa tagiliran kahapon.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon