EIGHT

283 10 0
                                    

Maaga akong nagising dahil maaga rin akong ginising ni chacha, may naghahanap daw kasi sa akin. Kaya uungod ungod akong naglakad papuntang pinto kung saan naghihintay kung sino man ang istorbong naghahanap sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?!"

Nagulat ako ng pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Vicky, ang baklang epokreta. Punong puno ng putik ang katawan niya pati narin ang mukha niya. Sa itsura nito ay parang nadulas ito sa putikan at nauna ang mukha.

Anong ginagawa nang baklang iyan dito? Walang pasok ngayon ah.

Narinig kong humagikgik si chacha sa likod ko.

"Nakalimutan mo na bang bruha ka? May report tayong dalawa." Nakapameywang niyang sabi sa akin. Bakas sa mukha nito ang inis.

"Oh? Di'ba sabi ko na sa'yong hindi ako-"

Pinatitigil niya ako sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagtaas ng isang palad nito sa harapan ko.

"Alam mo, makinig ka! Nag effort pa akong puntahan ka sa bundok na ito at halos isang oras pa akong naglakad makarating lang ditong bruha ka, sa saan saang barangay pa ako napadpad dahil naligaw pa ako ng very light, tapos nadulas pa ako sa palayan kanina at nauna pa ang feslak ko kaya nagmukha akong umba umba sa harap mo ngayon, pinagtawanan pa nila ako tapos sasabihin mong hindi ka makikipag kooperate sa akin? Gusto mo ingudngud ko rin yang feslak mo sa nakakadiring putik sa palayan, hindi mo alam ang mga kahihiyang inabot ko mapuntahan lang kitang bruhita ka!" matapos niyang sabihin iyon ay hiningal siya, pati yata ako ay hiningal sa haba ng mga sinabi niya.

Bumuntong hininga ako saka napakamot nalang ng ulo. "It's my free day, dapat wala akong gagawin ngayon dahil walang pasok."

"Hoy excuse me, college na po tayo, hindi na po tayo high school at hindi uso sa college ang free day free day mo kaya kailangan nating mag work for us to graduate." sabi nang atribidang ito.

Inirapan ko lang siya. "Pwede naman sigurong bukas nalang di'ba?"

"Dzai, hindi tayo hihintayin ng grades, tsaka kailangan maaga tayong matapos dahil marami rami pa ang gagawin natin, kaya bihis bihis ka na diyan at pupunta tayo sa bahay ng pinsan ko."

"Bakit sa bahay pa ng pinsan mo?"

"Duhh, alam ko naman kasing kung tayo lang ang gagawa palpak mas mabuti na yung may tutulong sa atin, atsaka no more questions please, magbihis ka na go."

Tsk, napatawa ako ng bahagya. "Sa ating dalawa mas mukhang ikaw ang dapat na magbihis gaga."

Napaisip isip naman siya sa sinabi ko. "Ewwww, can I use your cr please?"

"Sure po, pero wala po kaming cr eh sa poso po." Si chacha na ang sumagot.

"Arya, chacha, Sino ba iyang bisita niyo at bakit hindi niyo papasukin ah?" I heard the old lady, nasa kusina ito at abala sa mga ginagawa niya roon.

Maya maya ay narinig ko ang pagpunta ni tanda papunta sa kinaroroonan namin ngayon.

"Ayy Jusmiyo! Maryusep! Anong nangyari sa'yo iho?" gulat din ang matanda ng makita si Vicky.

I saw Vicky smiled at granny while waving his or her whatever hands. "Hi lola good morning po."

"Lolang nadulas daw po siya sa palayan kanina, pinuntahan niya si Ate para sa report daw nila sa school." si chacha naman ang sumagot.

"Ah ganun ba, iho siya sige linisin mo yang pagmumukha mo, gamitin mo iyong poso at pahihiramin nalang kita ng damit."

"Talaga lola? Yiee, thank you po, buti pa po kayo mabait, di tulad ng isa diyan." pinaparinggan pa ako ng gaga.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon