NINETEEN

276 11 0
                                    

"Ate! Yuhoo!"

Walang pasabi ay biglang pumasok si chacha sa kwarto. Nakangisi ito sa akin saka umupo sa ito sa gilid ng kamang gawa sa kawayan.

"What are you doing here? Get out!" pagtataboy ko sa kaniya. Binelatan niya lang ako.

"Bleehhh... Ayoko nga, ikwento mo muna sa akin kung anong nangyari kahapon."

Inirapan ko siya. "Umalis ka diyan, matutulog ako."

"Eh? Alas otso palang ng umaga ah matutulog ka ulit?"

Tinakpan ko ang ulo ko ng unan. "Arrghhh.. Ang ingay mo." reklamo ko.

"Siya nga pala ate."

"Ano?!" inis kong tanong dito.

"Pinapatawag ka ni Lolang, almusal daw."

"Tsk, sabihin mo sa kaniyang tapos na akong kumain ng breakfast. Kayo nalang."

"Tapos narin ako eh." puna niya.

Arrgghhhh... Kapag hindi pa ito tumigil sa kakakulit sa akin naku makikita niya....

"Ate." niyugyug niya naman niya ang likod ko. Tinapik ko ang kamay niya.

"Argh! Anu ba? Lumayo ka nga!" I said with a 'Grrrrr' sound.

"Tutal kasi sabado ngayon, walang pasok, naisip kong pwede tayong mamasyal sa bayan ate." she offered me.

"No thanks I'm tired, ikaw nalang." I said

I heard her moaned in irritation. "Alam mo nakakairita ka ate, Hindi mo ba alam iyon?"

Tsk, ako pa ngayon ang nakakairita? Mas lalo kong nilublob ang mukha ko sa unan.

"Huy! Sige na, punta tayo bayan shopping tayo." niyugyug niyang muli ang likod ko.

Haist! Ang kulit naman nito! Sabi ng ayoko eh. Hindi ko siya pinansin, bahala siya, nagkunwari akong tulog na, I even fake my snore to drive her away. Pero litse, ang kapal rin ng batang ito, ang tatag ayaw talagang umalis.

"Huy! Alam kong hindi ka pa tulog! Sige na pasyal na tayo don sa bayan gusto kong magshopping ngayon eh."

She got no response from me. Bigla siyang tumahimik. Good, mukhang sumuko na yata siya at umalis na yata.

"Siya nga pala, kinwento na sa akin ni kuya Ulysses ang nangyari kahapon."

Biglang nagpantig ang dalawa kong tenga sa narinig mula sa sinabi niya. Ano raw?! Did he told her about that 'thing'? Yung nakakahiyang pangyayaring iyon na gustong gusto ko ng ibaon sa pinakamalalim na hukay.

Napabalikwas ako ng bangon saka hinarap siya. Nakita kong nagulat siya sa inakto ko.

"Anong sinabi niya sa'yo? May sinabi ba siya? Ano? Come on tell me." sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Nung una ay tila naguguluhan pa siya, ngunit kalaunan ay unti unting gumuguhit ang ngiti niya sa kaniyang labi hanggang sa naging ngisi na ito.

Oh shit! Did he tell Chacha?!

"What?! Bakit ka ngumingisi diyan?" hindi ko na maiwasang magpanic sa harapan niya, kung maaari ay ayokong may makaalam na iba ang tungkol sa pagkabaliktad ko sa kabayo kanina at yung... Hindi sinasadyang pagkabukaka ko sa harapan ni- oh come on! Ayokong maalala iyon!

"Ano ba kasing sinabi niya? Sabihin mo sa akin." dahil kapag alam niya, shit! Siguradong ipagkakalat niya ito, ayokong pagtawanan noh! Arrghhh basta ayoko parin.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon