YRRAH'S POV
I'm torn between Xian and my friends. Parehas ko silang ayaw na masaktan sa desisyon ko.
Xian did not leave me. He stayed in our house dahil na rin sa kagustuhan ni kuya Yohan. Dahil kahit na hindi ganoon kalala ang pinsala ni Xian ay kailangan pa din nito ng kasama dahil sa sugat nito sa ulo na kailangang bendahan.
Sa isang guest room namin pinatuloy si Xian na katapat lang ng kwarto ko.
Kahit hindi sabihin ni Xian ay alam kong masama ang loob niya sa ginawa kong pagtatakip kina Jared at Kyrie. Dahil kahit na kinakausap niya ako ay randam kong malamig ang pakikitungo niya. Naiintindihan ko naman ang nararandaman niya, kahit ako ay hindi matutuwa kung ako ang nasa sitwasyon niya. Ano na lang ba ang sasabihin ng parents niya sa akin? Kilala na nila ako at alam kong hindi din matutuwa ang mga ito sa balita.
"Xian, kumain na tayo" tawag ko kay Xian kinagabihan. Pinuntahan ko pa ito sa kwarto at nadatnan ko itong nakahiga habang ang isang braso nito ay nakatakip sa mukha nito.
Inalis ni Xian ang braso nito sa mukha at tinignan ako, "Susunod na lang ako"
Tumango ako at nauna na akong bumaba, wala si kuya dahil may emergency sa kumpanya nito at kailangan siya doon.
Nakaayos na ang mga pagkain sa mesa ng bumaba si Xian at umupo sa tabi ko. Tahimik lang kaming kumain at tanging tunog lang ng kutsara at tinidor sa plato ang naririnig sa buong oras na kumakain kami. I want to talk to him, but I can't construct any good words to say. Bakit kasi ngayon pa umalis si kuya.
Matapos kaming kumain ay kaagad ng bumalik si Xian sa kwarto nito at naiwan akong mag-isa sa kusina. Nakagat ko na lang ang pang ibabang labi ko habang pinipigilan ang sarili na hindi maiyak. Ayoko ng ganito, parang hindi ko ata kaya na maging ganito ang trato sa akin ni Xian sa matagal na panahon.
Pagkatapos kong malinis ang mga pinagkainan namin ay tumuloy na ako sa kwarto ko at nagbihis para matulog na. Nakahiga na ako sa kama habang nag-iisip, naalala ko si Kyrie na panay ang sorry kahapon bago ako umalis sa hotel. Hindi pa kami nakakapag-usap nito pagkatapos ng nangyari maging si Jared ay hindi ko pa din nakausap.
Nakapikit na ang mata ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto, akala ko si kuya Yohan pero si Xian ang nakita kong pumasok.
"Xian.." Tawag ko sa pangalan nito, hindi ito sumagot bagkus ay naglakad ito palapit sa akin at nahiga din sa tabi ko. He spread his arms around me and hug me tight.
Nagtatakang tinignan ko siya dahil sa ginagawa nito, hindi ba at galit siya sa akin? Bakit ito nandito at nakayakap sa akin ngayon?
"Xian," muli kong tawag sa pangalan niya sa mahinang boses. He look down on me with his delicate eyes.
"I'm not mad, nagtatampo lang ako. Sorry for ignoring you. Akala ko kaya kong hindi ka pansinin pero hindi, sarili ko lang ang sinasaktan ko kapag pinipilit kong mag galit-galitan sayo" pag-amin ni Xian na nagpaiyak naman sa akin.
"A-Akala ko galit ka. A-Akala ko ayaw mo na sa akin" umiiyak kong wika dito at isiniksik ko ang mukha ko sa matipino nitong dibdib.
"Never kitang aayawan Yrrah. I will never abandon my Princess. Sabay nating aayusin ang problema mo. As a your King it is my responsibility to protect my future Queen" he proclaimed. Tipid akong napangiti sa tinuran nito. Oo nga pala, Xian Laxamana is my King and I am his Princess.
**
"I'm so embarrassed for the trouble I made. I'm sorry Yrrah, I promise that I will fix this problem" text na galing kay Kyrie ang bumungad sa akin kinabukasan. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakahiga at sinubukang tawagan si Kyrie maging si Jared pero hindi ko sila matawagan parehas.
BINABASA MO ANG
School Royalties (✔️)
Teen FictionYrrah Anderson, a lovely girl who reigned as the first Princess in a famous school in the Philippines. While Xian Laxamana is the King, a King full of superiority and arrogance. But what will happen if the King fell in love with the first Princess a...