Chapter 37

328 11 0
                                    

XIAN

"Hi!" Masayang bati ni Briana pagpasok niya sa office ko. Nandito rin sina Evans, Scott at Lance na ipinagtataka ko. Anong ganap ng mga ito sa office ko?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Briana. Sa pagkaka alam ko ay wala akong appointment sa kanya.

"Meeting" simpleng sabi ni Briana at umupo sa tapat nina Evans na mukhang interasado sa sasabihin ni Briana.

"Kumusta na? Ano ng nangyari?" Tanong ni Lance.

"Success" ani Briana at may ipinakitang picture sa tatlo, dahil curious na rin ako ay tumayo ako at tinignan ang mga pictures na hawak nila. And to my surprise ay si Faye ang nasa picture kasama ang dalawang lalaki na hindi ko naman kilala.

"The fvck" ani Evans sa mga picture.

"Don't worry, i already talked to Faye. And I'm sure na ikacancel na niya ang engagement nila ni Xian." Confident na sabi ni Briana.

"Wait, anong meron? Bakit may picture si Faye sayo?" Tanong ko kay Briana.

"Hindi ka informed sa plano ng tatlong to?" Balik na tanong sa akin ni Briana sabay turo sa kina Evans.

"Anong plano?"

"We actually asked Briana for help" si Lance ang unang nagsalita sa kanila.

"Gusto namin na magkabalikan na kayo ni Yrrah. Kaya humantong kami sa ganitong sitwasyon na pati ang bagay na hindi dapat malaman ay nalaman natin. Bro, muntik ka ng ikasal sa babaeng mahilig makipag threesome!" Ani Evans habang pinapakita sa akin ang mga pictures ni Faye.

"Don't worry Xian, success naman ang plano. Ang announcement na lang ni Faye ang hihintayin natin ngayon, para naman maging maasyos na kayo ni Yrrah. By the way hindi ako bitter sayo, never kitang nagustuhan dati nung Campus Queen pa ako" maarteng sabi ni Briana.

Hindi ako makapaniwala. So si Briana pala ang sinasabi nilang tatlo na maaaring makatulong sa akin sa problema ko?

Hindi man ganun kaganda ang naisip nilang paraan dahil pambablack mail ang ginawa ni Briana ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi matuwa dahil malapit ng mawalan kami ng koneksyon ni Faye at malapit ko ng tuluyang makuha si Yrrah.

Kaya napangiti na lang ako sa kanila habang nakikinig sa usapan nilang apat.

"How about our deal? I need Kyrie Alonzo" ani Briana sa tatlo.

Kyrie Alonzo? Pinsan ni Eva?

"Deal is a deal. Kakausapin ko na si Kyrie mamaya, huwag kang mag alala" ani Evans kay Briana.

What deal are they talking about.

"Okay. Kung ganun ay sa sunod na lang tayo ulit mag-usap. Call me kung kailan available si Kyrie" Briana said before she leaves my office.

"You made a deal with Briana?" I asked the three of them.

"She wants to take Kyrie as her model. And that's our deal, kapag natulungan niya kami na magkabalikan kayo ni Yrrah ay kakausapin ko si Kyrie para sa kanya" Evans said.

"Hindi niyo man lang sinabi sakin"

"Hindi mo rin naman sinabi sa amin ang tungkol sa usapan niyo ni Yohan Anderson, kaya it's a tie" ani Scott sa akin.

Nailing na lang ako sa tatlong to habang nakangiti. That's why they remain as my friends through these years, because they're always in my side whenever i need them. Silang tatlo ang talagang sinamahan ako sa lahat ng kabaliwan ko kay Yrrah.

**

YRRAH

"Nakakapagod!" I blurted out as i sit in the car. Kakatapos lang ng photoshoot ko ngayong araw.

"Yrrah, kailan ka ba mag hihired ng driver mo ha?" Tanong ni Jared na naka kunot na naman ang noo.

Heto na naman kasi ako at magpapahatid kay Jared pauwi sa bahay. Dadaanan lang naman niya ang bahay na tinutuluyan namin ni Kuya Yohan kaya naman nakikisakay na lang ako. And I'm too tired to drive my car.

"Jared. Just drive. Hindi ka pa ba sanay sa akin?" Nakapikit kong sabi.

Hindi na sumagot pa si Jared at nagsimula ng mag drive.

Habang nasa biyahe ay naisipan kong tawagan si Xian, pero kaagad ko din pinigilan ang sarili ko dahil baka maka istorbo lang ako, baka busy si Xian.

Pagdating sa bahay ay kaagad kong ibinabad ang sarili ko sa bathtub. Kasalukuyan akong nakapikit ng mag ring ang cell phone ko at ang pangalan ni Xian ang lumabas.

"Xian!" Excited kong tawag sa pangalan niya.

"Yrrah" pakirandam ko ay nawala lahat ng pagod ko dahil sa boses pa lang ni Xian.

"I want to see you Xian" madramang sabi ko sa kanya. I miss him.

"Video call tayo?" Tanong nito na kaagad ko naman sinangayonan. I want to see his face so bad.

Ilang sandali lang ay ka video call ko na si Xian. Dahil nasa bathtub ako ay tanging mukha ko lang ang pinapakita ko sa kanya, although wala naman siyang makikita sa akin dahil sa maraming bula.

"What are you doing?" Tanong ko kaagad ng makita ko itong naka office attire pa at nakaupo sa isang sofa.

"Resting. Kakauwi ko lang"

"Nasa condo ka?"

"Yes. And I miss you Yrrah. I want to hug you right now, and to kiss you" ani Xian na may naniningkit na mga mata. Aww, my man is so sweet.

"I miss you too. Cant wait to see you again"

"What are you doing?" Tanong ni Xian, mukhang napansin niya na masyadong tutok ang buong mukha ko sa screen.

"Hulaan mo" I said while grinning.

"Im not good in guessing Yrrah. Just show me what are you doing" ani Xian at naka kunot ang noo. Akala siguro niya ay pinagloloko ko siya. Kaya naman para mawala na ang pagkakunot noo niya ay marahan kong itinaas ang hawak kong cellphone at tumambad sa mata ni Xian kung nasaan ako.

"I'm taking a bath" sabi ko sa kanya.

At ang kaninang naniningkit na mata ni Xian ay biglang nanlaki dahil sa nakita niya, although cleavage ko lang naman ang maaari niyang makita dahil nakalubog ang katawan ko sa tabig na madaming bula.

"D*mn!" Bulalas ni Xian at mabilis nitong pinatay ang tawag. Dahil doon ay natawa na lang ako ng malakas.

Noong nakaraan na magkasama kami ay ilang beses ko ng sinubukan na akitin si Xian, alam ko naman na naaakit ko siya pero masyadong gentleman si Xian kaya nakukuha niyang pigilan ang sarili.

"Let's talk later. I need to take a cold bath. You are tempting me Yrrah" ani Xian sa text na pinadala niya.

Ngumisi lang ako habang nakatingin sa text. Hindi na ako makapaghintay na tuluyan na akong angkinin ni Xian. At habang iniisip ko ang bagay na maaring mangyari ay napatili na lang ako dahil excitement na narandaman ko.

**

Hazlyn Styles

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon