Ch: 61

916 36 3
                                    

Chapter 61

Heaven Raven Pov

Wala na kong nagawa nung hinila ako ni loki, ramdam ko ang mainit nyang mga kamay sa braso ko habang hatak hatak nya ko kung saan kami pupunta ay yun ang hindi ko alam.

Nakalabas kami ng NAIA ng hindi ko halos napapansin. "Sumakay ka sa kotse." Utos nya saken habang nasa harapan ko ang kotse nya.

"Ayaw ko." Inis kong sabi.

"Get in the fucking car Raven wag mong antayin na ikaladkad pa kita para lang pumasok." Madiin nyang sabi.

Pumasok ako sa kotse at nakita ko kung paano sya ngumiti napairap ako. Ng sumakay sya ay hindi ko sya pinansin hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Pag gising ko ay nasa higaan na ko hindi pamilyar ang lugar tumayo ako at nahagip ng mata ko ang isang sticky note.

I went outside don't you dare to escape from me raven hindi mo magugustuhan ang parusang ibibigay ko sayo.

Wait for me..

Loki.

Tinapon ko sa basurahan ang letter nya saka ako nag pasyang maligo, pag labas ko ay agad akong nag bihis bumaba ako at hindi talaga pamilyar ang lugar isang makalumang bahay ang kinalalagyan ko puro wooden brown ang kulay ng sahig at dingding masarap sa mata dahil masyadong makaluma.

Bumaba ako at nakita ko ang pag kain sa mesa. At may sticky note nanaman ang hilig na nya sa notes at sulat sipag masyado.

Eat.. And meet me at the garden after you eat.

Loki

Wala akong nagawa kundi ang kumain lang pag katapos ko ay dumiretcho ako sa hugasan at hinugasan ang pinag kainan ko medyo tinagalan ko pa para mas masaya.

Saka ako pumunta ng garden maaliwalas ang lugar kahit na gabi na may mga ilaw sa paligid at nakikita ko ang mga roses at gumamela na nakatanim.

May table din dun nakita ko si loki na naka upo dun umiinom at naninigarilyo agad akong lumapit sa kanya saka hinila ang yosi nya saka tinapon at inapakan.

"Tss." Inis nyang sabi.

"Wag mo kong ma tss tss! Kailan ka pa natutong manigarilyo?! Alam mo bang sakit lang ang abot nyan?!" Inis kong sabi.

"Bakit? Ang pag iinom ba hindi?" Balik tanong nya.

"Masama din naman pero hindi naman inaaraw araw." Rason ko

"Asan ba ko? Kidnapping to ah!"

"Your not a kid anymore." Bored nyang sabi.

"Gago ang pilosopo mo!"

"This is one of my house we are in tagaytay no one knows this place well except on you and me dahil andito ka na." Bored nyang sabi.

"Alam mo? Nakakawalang kwenta ka kausap!" Sabi ko sabay irap.

"Kasi nawalan ng kwenta ang buhay ko nung nawala ka."

Napabalik sa kanya ang tingin sa kanya, nasa malayo ang tingin nya at bakas sa mga mata nya ang labis na pangungulila at pag sisi.

"Hindi ko naman talaga gustong alisin ka sa buhay ko pero kailangan ko lalo na't nalaman ko na pinasusundan nila ako at hinahanapan nila ako ng kahinaan para gamitin nila at mapa bagsak ako."

"Ano? Teka nga! Sino ba yang tinutukoy mo? Ang gulo e! Super gulo! Mula nung pina alis mo ko magulo hanggang ngayon magulo pa din." Naguguluhan kong sabi sa kanya.

"Kaya nga kita hinanap para ipaliwanag sayo ang lahat. Alam ko naman na alam mo na ang mga nangyari saken nung mga panahong wala ka lahat yun totoo." Malungkot nyang sabi saka tumingin saken sandali tapos tumingin na ulit sa malayo.

"Pagkatapos kitang iwanan nun ay agad akong umalis nun at pina sundo kita kay lucifer its so fucking hard to seeing you crying and begging at paulit ulit mong sinasabi na mahal mo ko. Ang totoo ay wala naman akong iba nun, sinabi ko lang yun dahil gusto ko lang na pangalagaan ka at protektahan ka kasi sobrang mahal kita at kahit ako na lang ang masaktan wag lang ikaw dahil kakayanin ko ang lahat pero ang mawala ka ng pang habang buhay, yun ang hindi ko kayang tanggapin."

"Kaya ba mas pinili mong palayuin ako?"

He nod saka tumingin saken. "Seeing you while achieving your dreams a big goal for me kahit na nasa malayo ka ay masaya akong nakikita kang humihinga at tumatawa, nakangiti."

"Bakit loki? Para saan ba ang lahat ng ginawa mo? At ano bang sinasabi mo!"

"Im a mafia boss Raven." Loki said its a big boom for me napatingin ako sa kanya at pakiramdam ko ay mahuhulog ako sa kinauupuan ko.

"Ano? Isa kang mafia boss?! Ibig sabihin pumapatay ka ng mga tao?! Na gumagawa ka ng mga ilegal na gawain na kriminal ka!?"

"Yea i am a mafia boss pero hindi ako kriminal tulad ng iniisip mo, o gumagawa ng mga ilegal na gawain yes i kill people pero sila ang mga taong hindi na dapat nabubuhay sa mundo, sila ang mga hayop na tao na hindi kinakaya na kunin ng batas oo sinabi mo dati na dapat batas na ang bahala sa mga taong yun pero papaano ang mga taong kagaya ko na kahit ipakulong sila ay nakakalaya pa din sila!? They don't have any piece of chance to live. Dapat lang sa kanila ang mawala sa mundo." Cold nyang sabi nangilabot ako sa sinabi ni loki pero nanatili akong nakaupo at nakikinig.

"Bakit mo ba to ginagawa.." Mahinang boses na tanong ko.

"To have my revenge raven, not for anyone but just for myself only."

"Everything has a reason please don't judge me." Dagdag pa nya.

"Ipaliwanag mo ang lahat please. So i can understand you."

"I will i think this is the right time tutal wala na din naman sila free na kong sabihin sayo ang lahat ng walang takot na baka may bumaril saken dito ngayon na maging cause ng pag kamatay ko." Plain nyang sabi.

"Bakit? Anong nangyari sa kanila?" Natatakot kong tanong.

"They are all dead." Loki said halatang galit na galit sya bakas ang matinding galit sa mga mata nya at nakakuyom ang mga kamay nya.

Hinawakan ko ang mga kamay nya at marahan na hinimas yun alam kong yun ang pang pakalma nya at gumana naman yun, hinawakan nya ang mga kamay ko at hinalikan yun.

"I will tell you everything about my pass and the four years of my life without you in my life just promise me one thing." Pag susumamong sabi nya.

"Ano yun?"

"Please wag mo na kong iiwan." Pagod nyang sabi kasabay ng pag tulo ng luha sa mga mata nya.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata nya saka ko sya nginitian.

"Four years is enough im ready to listen to you loki, i won't leave you again kahit ipagtulakan mo ulit ako." Nakangiti kong sabi.

Hinagip nya ang konting distansya namin at agad nya kong hinalikan sa labi.

---
Eto na po! Ang uunahin ko ay ang kay loki muna ahh! :)

I'm married to a mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon