Book 2 of She's Red. Disclaimer! before reading this book, it would be better if you read She's Red first to avoid confusions :) Ang laki ng mundo, ang dami din ng tao. Ang dami kong nakakasalamuha, yung iba masaya, yung iba malungkot. Ako si Tanya Marquez, simpleng babae pero tambak ang responsibilidad. Ang dami na ng iniisip ko tapos dumagdag pa yung lalaking nakasalubong ko nung isang araw. Flashback... "Masaya ako" ani ng lalaki. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at nagtataka kung ako ba ang kausap nya. Itinuro ko ang aking sarili. Napakunot sya, saka umiling. Teka, e sinong kausap nya? Bigla nya akong nilampasan, hmp, suplado. tinignan ko ang paglalakad nya at doon napagtantong naka airpods pala sya at may kausap. Nasapo ko ang ulo ko, Tanyatanga. Pero may isang bagay na nakapagbagabag sa akin ng husto, he said he's happy pero napakalungkot ng mga mata nito. Bakit? Anong nangyari? Teka, ano bang pake ko? Gdysggsusgswyuwidbdfxg hindi sya mawala sa isip ko!!