Minsan nang nakaranas ng taghirap ang mga bansa sa buong mundo dahil sa tinaguriang "The Great Depression". Isang napakalagim na bangungot para sa ekonomiya ng bawat bansang dumanas nito. Sa taong 2040, isang propesiya ang nagbabadyang maganap. Maaaring maulit ang mga pangyayari noon ngunit ang paparating ay mas malala at mas malawak. Kakailanganin ng mundo ang tulong nila. Wala nang mas nakakaunawa sa takbo ng ekonomiya kundi ang mga Economist. Mga indibidwal na may kakaibang kakayahan at kaalaman na kayang pigilin ang paparating na Great Depression. Isa sa mga itinadhana upang pigilan ang nagbabadyang propesiya ay si Elinor, isang descendant ng yumaong economist sa parehas na pangalang Elinor Claire Ostrom. Katulad ng kanyang tanyag na lola, taglay niya ang pambihirang galing at talino sa larangan ng economics. Kaya walang duda kung bakit isa siya sa mga napili ng propesiya. Kasama ang mga muling nabuhay na si John Maynard Keynes at Adam Smith, pati na rin ang iba pang mga tanyag na economist mula sa nakaraan. Magawa kaya nilang wakasan ang banta ng isang panibagong "Great Depression."