Tanggap na ni Quin ang mga nangyare sa kaniya sa nakaraan. Patuloy siyang namumuhay sa puder ng kaniyang tiyahin, kasama ang bibong anak na si Zaqui. Ang batang naging bunga ng inakala niyang isang pagkakamali noon. Dahil nahihiya na si Quin sa maraming naitulong sa kaniya ng tiyahin, at sa kagustuhan na ring sanayin ang sarili sa pagpapalaki sa anak ng mag isa, bumukod siya sa tiyahin. Doon niya kinailangan ng trabaho. Hindi naman siya nahirapan dahil agad siyang nakahanap ng isa, bilang isang sekretarya sa kompanya ng mga Flogencio. Ang buong akala niya ay magiging normal na ang buhay niya, hanggang malaman niya na ang lalaking pagtratrabahuhan niya ang ang lalaking kasama niya sa nagawang kasalanan noon. Ang nag iisang lalaking ama ng anak niya. Magiging normal pa rin kaya ang buhay ni Quin sa kabila ng presensiya ng lalaki? O muli na naman nitong babaguhin ang buhay niya tulad ng ginawa nito sa nakaraan?