SERYOSONG seryoso ang mukha ng daddy ni Xander kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko mabasa kung galit ba siya o ganoon lang talaga ang kanyang mukha. Mag-ama nga sila ni Xander. Ganitong ganito rin kasi ang isang ito noon, kaya nga sobrang ilag ako sa kanya.
Nialalamon man ng kaba pero pinilit ko pa ring magbigay ng magandang ngiti at makapagsalita nang maayos, "Good evening po, Sir. Ikinagagalak ko po kayong makilala."
"Just call me Tito James," baritono ang boses na anito. Nilingon niya si Xander bago ako muling tiningnan. "Have a sit," aniya pa at nauna nang umupo.
Nagsimulang kumain si Tito kaya kumain na rin kaming lahat. Lumapit naman ang isang katulong at nilagyan ng wine ang mga wine glass.
"How old are you, Samantha?"
Natigilan ako sa paghihiwa ng steak dahil sa gulat. Napalingon ako kay Xander, na nakangiting lumingon sa akin, bago ako tumingin sa daddy niya. Maski ito ay nakatingin na sa akin habang ngumunguya.
"I- I'm twenty years old now, T-tito."
Parang kahit banggitin ang Tito ay nakakatakot gawin. Ganito ba talaga ang makipagkita sa magulang ng nobyo? Palihim akong bumuntong-hininga.
Nilingon niya ang cake sa lamesa. Marahil ay napansin na iyon kanina. "It's your birthday?"
"Yes, Tito."
Tumango-tango siya. "Are you still studying?"
"Yes, Tito. B.S. Architecture," tuloy kong sagot. Pakiramdam ko ay hindi ako matutunawan sa sobrang kaba.
Tumango muli siya. "How did you two meet?" tanong muli nito pero kay Xander na nakatutok ang paningin. Maging si Xander ay seryosong nakatingin sa ama niya.
Pasimple akong bumuga ng hangin nang mawala sa akin ang tingin niya.
"She's Erika's cousin."
"Erika? Erika Javier?" kunot-noong tanong niya na nasa akin na muli ang paningin.
"Yes po. Kapatid po ni Tita Agnes ang Mommy ko."
Ang bumagal na pagnguya ni Tito ay unti-unting natigil. Mataman itong tumitig sa akin. Tumikhim siya bago uminom ng wine.
"What's your parents do for a living? Do they have a business?"
"Dad!" mariing saway ni Xander.
"What? I'm just asking her so I can get to know her better," natatawa nitong giit.
"Is that even necessary?" yamot na tanong ni Xander. Agad ko 'tong hinawakan sa braso.
"Okay lang, babe," bulong ko rito. Salubong ang kilay niya nang lingunin ako. "Ano ka ba, wala namang masama roon."
Napahilamos 'to sa mukha at sumandal sa kinauupuan. Bumaling akong muli sa daddy niya.
"A-ah, w-wala na po akong mga magulang, Tito. Uhm, my mom died when I was four and my father died l-last year."
Nangunot ang noo niya. "And you're living with your Tita Agnes?"
Hindi agad ako nakasagot. Pakiramdam ko, kapag um-oo ako ay hindi niya magugustuhan ang ideyang iyon.
"Yes. She's living with them," si Xander na ang sumagot.
Tumango-tango si Tito. Wala na itong naging tanong pagkatapos niyon. Hindi ko malaman kung makakahinga ba ako nang maluwag o mas palalalain niyon ang kaba ko dahil sa huling napag-usapan.
Hindi niya naman ako aayawan para sa anak niya dahil lang wala na akong magulang at nakikitira lang sa mga Tita ko, hindi ba?
'Hindi naman siguro, Sam. Mabait naman ito base sa mga sinasabi ng mga kaibigan ninyo,' pampalubag-loob ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
Shattered Hearts (Hearts Series #1)
General Fiction❀ Wattys 2021 Shortlist ❀ Featured in Wattpad RomancePH's Teen Feels reading list Hearts Series #1 Sa loob ng walong taon ay namuhay si Samantha Alison Cruz na puno ng lungkot at sakit dahil sa malaking responsibilidad na nakapatong sa kanyang mga...