DUMAAN pa ang mga araw na ganoon pa rin si Bianca at Tristan. Kapag nagkikita ang dalawa sa tambayan ay hindi nagpapansinan ang mga ito. Tahimik lang, ibang-iba sa dating parang aso't pusa.
Sinusubukan kong kausapin ang dalawa pero parati lang akong ngingitian ni Tristan at iibahin naman ni Bianca ang usapan. Hinihintay kong kumilos ang iba para pag-ayusin ang dalawa. Alam ko namang lihim din nilang kinakausap ang mga 'to pero hindi pa rin ako matahimik hangga't hindi sila nakikitang nag-uusap nang muli.
Sa totoo lang, nawala ang sigla ng tambayan dahil sa pag-aaway nila. Silang dalawa kasi ang numero unong maingay roon palagi. Kaya nga kapag wala sila roon ay tahimik lang naman kami roon. Kumbaga sila ang bumubuhay sa lugar na 'yon. Ngayong ganoon sila, dinaig pa niyon ang katahimikan kapag wala sila roon.
"Wala ba tayong gagawin doon sa dalawa?"
Bumuntong-hininga si Xander. Uminom muna ito ng tubig bago ako sinagot, "Sinusubukang kausapin ni Erika. Nagmamatigas si Bianca."
Bumagsak ang balikat ko. "Iyon nga rin ang sabi niya sa'kin."
Tinitigan niya ako. "Don't worry too much about them, babe. Magkakaayos din ang mga 'yon."
"Pero kailan?"
Muli siyang napabuntong-hininga. Problemado rin naman siya tungkol sa dalawang iyon. Alam ko iyon kahit hindi niya sabihin sa'kin.
"Kung mas magtatagal pa na ganito sila ay baka lalo lang lumaki ang lamat sa pagitan nila. Baka mamaya pa kahit magkaayos na ay hindi na maibalik sa dati ang pagsasamahan nila. Natatakot lang ako, Xander."
"Hindi mangyayari 'yon. Matagal na silang magkaibigan."
"Iyon na nga, eh. Iyon nga ang ikinakatakot ko. Ayokong masira ang pagkakaibigan na matagal nilang iningatan."
"Hindi mangyayari 'yon, babe." Ulit niya. Umiiling pa na parang sigurado roon.
"Pero paano nga kapag nangyari? Nagkasakitan sila ng damdamin, Xander."
"Babe," malumanay na tawag niya. Basta gano'n ay pinapahinahon niya na ako. Napahilamos ako at bumuga ng hangin. "Oh, sige. Kakausapin ko ang dalawa."
Mabilis na umangat ang ulo ko. "Talaga?"
Tumango siya. "Ayokong nakikita kang ganito, Sam," malungkot na aniya.
Tipid akong ngumiti. "Pasensya na. Date natin 'to pero hindi ko maiwasang hindi sila isipin."
"It's okay. Bukas na bukas din ay kakausapin ko sila. Now..." Kinuha niya ang mga kubyertos na nakalapag sa magkabilang gilid ng pinggan ko at inilagay iyon sa mga kamay ko. "Eat your food, Samantha."
Napanatag ang loob ko nang gabing iyon. Pero nang sumunod na araw ay hindi ako mapakaling muli. Buong araw kong kasama si Bianca dahil maghapon ang klase namin kapag Huwebes. Walang nabanggit si Xander kung saan niya kakausapin ang dalawa at kung anong oras. Baka pa hindi mangyari ngayong araw ang balak niyang pagkausap sa mga ito dahil hanggang alas siyete dumuduty si Tristan sa ospital.
"Pinapapunta ako ni Xander sa tambayan. Bakit kaya?"
Mula sa professor naming nagdidiscuss sa unahan ay nalipat ang tingin ko sa katabi ko. Salubong ang kilay nito.
"Alam mo?" tanong niya nang lingunin ako.
"Hindi," naisagot ko. Ang tanga! Bakit ba ako nagsinungaling?
"Ang lakas ng trip ng jowa mo." Tanging nasabi nito bago ibinaba ang cellphone sa lamesa. Nakapangalumbaba itong humarap muli sa unahan.
BINABASA MO ANG
Shattered Hearts (Hearts Series #1)
General Fiction❀ Wattys 2021 Shortlist ❀ Featured in Wattpad RomancePH's Teen Feels reading list Hearts Series #1 Sa loob ng walong taon ay namuhay si Samantha Alison Cruz na puno ng lungkot at sakit dahil sa malaking responsibilidad na nakapatong sa kanyang mga...