Kabanata 5

465 81 84
                                    

"EXCUSE me, please!"

Mabilis akong napalingon sa aking likuran nang marinig ang baritonong boses na iyon. Napaatras ako nang makita roon ang isang matangkad na lalaki. Hanggang dibdib lang ako nito kaya halos tingalain ko na 'to. Seryosong seryoso ang mukha na akala mo'y hindi alam ang salitang ngiti.

Natitigan ko ang kanyang itim na mga mata. Matapang ang bawat titig niya. Tingin niya pa lang ay kusa ka nang uurong at hindi na gugustuhing mapalapit sa kanya. May hikaw ito sa gilid ng ibabang labi at maski sa isang tenga. Bad boy type. Ganoon ang awrang nakikita ko sa kanya. Nagsalubong ang makakapal niyang kilay na siyang lalong nakapagpatapang sa itsura niya.

"I said excuse me, Miss!" muling aniya. May diin na ngayon na labis kong ikinabahala.

Para akong natauhan at mabilis na napalingon sa kaliwa't kanang gilid ko. Doon ko napagtanto na hindi pa talaga ako nakakaalis sa daraanan niya. Nakaramdam ako ng pagkapahiya kaya naman mabilis akong gumilid. Agad niya akong nilampasan at dumiretso sa sala. Umupo ito sa single sofa, nagdekwatro na pangbabae at pumikit.

Napabuga ako at nakahinga nang maluwag. Inalis ko ang tingin sa lalaking iyon. Nakita ko ang papalapit na si Erika galing sa kusina. Napalingon ako sa likod nang makarinig na parang nagtatalo. Pumasok ang isang maganda at petite na babae at isang gwapo ring lalaki na may bitbit na dalawang box ng pizza.

"Hi, beb!" bati ng babae kay Erika at nakipagbeso rito. Lumingon ito sa akin. Nakangiti itong kumaway. "Hi!"

Tanging ngiti ang naiganti ko sa kanya. Masyadong mataas ang energy niya at hindi ko pa 'yon kayang pantayan. Ang totoo... nahihiya lang ako.

"May maganda tayong bisita," nakangiting ani ng lalaki. Kumpara kay Troy at sa isang lalaki ay makulit itong tingnan. Lalo pa't palangiti ito. "Pakilala mo naman siya sa amin, Ava." Nakangising baling niya sa pinsan ko.

Umirap muna ang pinsan ko rito. "Guys, this is my cousin, Samantha. Kararating niya lang from Manila yesterday." Umakbay sa akin si Erika. "Sam, they're my friends. This is Bianca and Tristan," banggit niya habang itinuturo ang dalawa.

Itinuro ni Bianca ang lalaki sa sofa na hanggang ngayon ay nakapikit. Hindi na ako magtataka kung natutulog na 'yon. "And that guy right there is Alexander Shaun."

"Just call him Mr. X. X for Xander," seryosong ani Tristan at ginawa pang X ang mga braso.

Hindi ko napigilan ang matawa roon lalo pa't napakaseryoso ng mukha niya habang ginagawa 'yon. Kahit sila Erika ay mahinang natawa rito.

"Marinig ka niyan, ewan ko na lang sa'yo."

"Alis nga! Puro ka kalokohan." Mahinang itinulak ni Bianca si Tristan. Nakangiti itong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Welcome here in Santa Clara, Sam."

"At dito sa tambayan," ani Tristan na mabilis na nakalapit sa tabi ni Bianca na ikinagulat ng huli. Napangiwi ako nang hampasin niya ito. "Aray naman!" nakangusong daing niya. Mahina muli akong natawa roon. Makulit nga.

"Basta welcome na welcome ka rito, Sam," nakangiting muling baling ni Bianca sa akin.

Tikom ang bibig akong ngumiti. "Salamat!"

"Bakit ba nandiyan kayo?"

Nilingon namin si Troy na naglalakad palapit sa sala. May bitbit itong tray na may lamang isang pitchel ng juice at mga baso.

Shattered Hearts (Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon