NAGISING ako na may tumatapik sa pisngi ko. Ayaw ko pa sanang magmulat pero nagpatuloy iyon kasabay ng pagtawag sa pangalan ko. Nakita ko si Erika na nakaupo sa tabi ko. Nangunot ang noo ko nang makitang nakaligo na siya. Nakasuot ito ng white T-shirt na tucked-in sa kanyang orange skirt.
"Saan ang punta mo?" mahina kong tanong habang nanatiling nakahiga.
"Hindi ka sasama?"
"Saan?"
"Sa tambayan."
"Ang aga pa, E!" inis kong sabi at nagtakip ng unan sa mukha.
"Anong maaga pa? Mag aalas-dyis na, hoy!"
Mabilis kong inalis ang unan sa mukha ko at tiningnan ang orasan sa side table. Labing dalawang minuto na lang ay alas dyis na nga.
"Ang sarap ng tulog, ah?" nakangising aniya.
Pinagkunutan ko lang siya ng noo bago nanlalambot na bumangon at naglakad patungo sa banyo.
"Mauna ka na," tamad kong sabi.
"Hindi ka sasabay sa 'kin?"
"Susunod na lang ako roon."
Pumasok ako sa banyo. Nanlalambot ako at pakiramdam ko ay napakabigat ng katawan ko. Babaeng babae na naman ako ngayon at sa mga susunod na araw.
"Okay! Sumunod ka, ha?! Hihintayin ka namin!" Rinig kong sigaw niya pa mula sa labas.
Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis na. Kwarenta minuto ang lumipas ay nasa labas na ako ng tambayan. Mukhang nanonood ang mga tao roon dahil sa mga gunshot sound effect na naririnig ko. Pumasok ako at nakita ko ang apat na tutok sa telebisyon. Tamad akong naupo sa tabi ni Erika sa mahabang sofa. Ang tatlo ay nagtitiis sa malamig na sahig.
"Oh, nandito ka na pala." gulat na ani Erika nang makaupo ako sa tabi niya. Sumandal ako sa balikat niya. Napalingon sa amin 'yong tatlo pero ibinalik din agad sa pinapanood ang atensyon.
"Nasa kwarto si Xander. Nagkulong nang biruin kong hindi ka makakarating," bulong niya pa at mahinang natawa. Hindi ako sumagot. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya nang mapansin ang pananahimik ko. Umiling ako. "Bakit?"
"May dalaw ako," bulong ko sa kanya. "Feeling ko lalagnatin ako."
"Gusto mo ng gamot? Mayroon pa yata sa medicine cabinet."
"Pagkain ang kailangan ko. May pagkain ba? Hindi ako kumain sa bahay, eh." Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya. "Gutom na 'ko."
"Ay, teka, titingnan ko kung ano'ng dala nila Bi." Tatayo na sana ito pero agad ko siyang pinigilan.
"'Wag na, E. Ako na." Tumayo ako at pumunta sa kusina. Nagtingin ako sa refrigerator. Napangiwi ako nang makakita ng maraming beer in can at soft drinks doon. May mga prutas din at mga gulay. Dinampot ko ang egg pie na natoon. Tiningnan ko rin ang cabinet. Agad akong natakam nang makita ang cup noodles doon. Kumukuha ako niyon. Umupo ako sa lamesa nang malagyan iyon ng mainit na tubig. Nakapangalumbaba ako habang nakatingin roon at naghihintay na maging okay iyon.
Nanlalambot talaga ako. Ganito ako kapag buwan ng dalaw. Kaya noong nagta-trabaho ako ay hirap na hirap ako kapag dumadating ang araw na ganito. Para kasi akong lalagnatin parati at tamad na tamad kumilos dahil madalas ay nananakit ang balakang ko. Kasumpa-sumpa talaga ang ilang araw na ganito.
After fifteen minutes ay inumpisahan ko nang kainin ang noodles. "Guys, kain!"
"Sige, Sam. Mabusog ka lang masaya na kami," ani Tristan na hindi inaalis ang tingin sa telebisyon.
"Pakabusog!" ani Bianca na nilingon ako saglit.
Nagpatuloy ako sa pagkain. Nanatili namang abala ang mga ito sa panonood. Napalingon ako sa isang kwarto nang bumukas iyon at seryoso ang mukha nang lumabas roon si Xander habang nagsusuot ng T-shirt. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa telebisyon.
BINABASA MO ANG
Shattered Hearts (Hearts Series #1)
Ficción General❀ Wattys 2021 Shortlist ❀ Featured in Wattpad RomancePH's Teen Feels reading list Hearts Series #1 Sa loob ng walong taon ay namuhay si Samantha Alison Cruz na puno ng lungkot at sakit dahil sa malaking responsibilidad na nakapatong sa kanyang mga...