KAPAG pala lihim mong minamahal ang isang tao nang napakatagal at dumating ang oras na nagtapat siya, ang hirap palang paniwalaan. Dahil ni minsan hindi ko nakitang makakaharap ko siya at ganito ang maririnig ko sa kanya.
Ang bagay na hiniling ko ng ilang taon narinig ko na mismo sa kanya pero tanging pagtitig lang sa kanya ang nagawa ko habang dinadama ang malakas na pagpintig ng puso ko.
Nang sabihin niya sa akin noon na gusto niya ang pinsan ko, walang naging kaso iyon. Hiling ko pa na sana ay mahanap niya ang taong masusuklian ang pagmamahal niya. Pero noong maramdaman ko na ang paglukso ng puso ko para sa kanya, doon na ako humiling na sana ay ako naman. Kasabay ng paghiling kong iyon ay ang pagkastigo ko sa sarili dahil kahit may nararamdaman sa kanya ay naiisip ko pa rin si Xander. I needed a closure from my past. At ngayong nakuha ko na iyon, handa na akong mahalin siya nang walang ibang iniisip. Pero hindi ko akalain na kasabay ng paglaya sa nakaraan ay malalaman ko ito. Ang nararamdaman niya para sa akin.
Burado na ang galit na nakikita ko sa kanyang mga mata kanina. Malamlam na ang tingin niyang ipinupukol sa akin.
"Mahal kita, Samantha," ulit niya. Lumatay ang kaba sa kanyang mukha nang hindi ako sumagot. "Dalawang bagay ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Sapat na ang pagkakaibigan. Pwede mo ring kalimutan na lang ang sinabi ko huwag mo lang akong iwasan... I want to tell you that pero ayokong tapusin na lang 'to sa pagtatapat. I wanna court you, Sam."
Ramdam ko ang nalalapit na pagpatak ng mga luha ko dahil sa labis na saya. Mabilis akong lumapit sa kanya at tumingkayad. Niyakap ko siya nang mahigpit. Natigilan siya pero ginantihan din ang yakap ko.
Tiningala ko siya habang nakapulupot pa rin ang mga braso sa kanyang leeg "You love me. Buong akala ko kasi si Erika ang gusto mo noon pa."
"No. Nasabi ko lang 'yon dahil hindi ko magawang banggitin ang pangalan mo. May relasyon kayo ni Xander noong mga panahong iyon at ayokong mahirapan ka kapag nalaman mong may nararamdaman ako sa'yo. Natatakot akong mawala ka sa 'kin"
"Ako ang babaeng iyon? A-Ang babaeng g-gusto mo noon pa?"
"Ikaw, Samantha. Ikaw lang ang minahal ko."
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pagpatak ng mga luha ko. Ayaw niya ng nakikita akong umiiyak at nasasaktan, iyon ang sabi niya noon.
"S-Sam-"
"Sobrang saya ko, Ge. Sobrang saya ko dahil mahal mo rin ako." Nakanganga siya at nanlaki muli ang mga mata.
"W-What-"
"Mahal din kita, Ge."
Ilang ulit siyang napakurap. "S-Sam..." Nakangiti akong tumango. Tumatak sa isip ko ang sayang bumalatay sa kanyang mukha. Halos umangat ako sa ere nang yakapin niya ako.
"You love me," paos na aniya habang nakasubsob ang mukha sa aking balikat. Hinarap niya ako at sinapo ang aking mukha. "You love me, Samantha," ulit niya. Parang hindi pa makapaniwala roon.
Tumango ako nang paulit-ulit. "I love you, Ge. I love you!"
Mahina siyang natawa. Napahilamos siya sa kanyang mukha at tumigil ang kanyang palad sa kanyang bibig. Nanatili ang titig niya sa akin. Para itong nakatingin sa isang regalong hindi inaakalang matatanggap niya.
"Ano? Tititigan mo lang ako?" natatawa kong ani kahit pa nanlalabo pa rin ang mga mata.
"Hindi ako makapaniwala, Samantha." Humaplos siya sa kanyang mukha. "Ang... Ang tagal kong hinintay na masabi ang nararamdaman ko sa'yo. Ang tagal kong nanalangin na sana masuklian mo ang nararamdaman ko. Ang tagal kong nagtiis. At hindi ako makapaniwalang narito na lahat."
Mabilis na nangilid muli ang luha ko. Lumapit kami sa isa't isa at pinagsaluhan ang isang mahigpit na yakap. Pumatak ang luha ko at pasimple 'yong pinunasan. Umupo siya habang yakap pa rin ako. Iniupo niya naman ako sa kanyang kandungan.
Hanggang ngayon, para pa rin akong lumulutang sa ere katulad ng ginawa niya kanina matapos marinig ang pagtatapat ko.
Hinarap ko siya at hinaplos ang kanyang mukha. Malalim akong bumuntong-hininga bago binitawan ang tanong ko, "Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit hindi eight years ago?"
Para bang napakabigat ng hangin na pinakawalan niya nang bumuntong-hininga ito.
"Ayokong sabihin ang nararamdaman ko habang nasa ganoong sitwasyon ang daddy mo, Sam. At bukod doon, nag-aaral ako habang nagtatrabaho. Gusto kong magfocus sa pag-aaral at bigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Sabi ko hindi ito ang tamang panahon. Hindi pa ito ang tamang panahon. Pero kahit gano'n ang itinatak ko sa isip ko, nagbigay 'yon ng lakas sa 'kin at nakapagpadagdag ng kagustuhang abutin lahat ng pangarap ko. Gusto kong kapag nagtapat ako sa'yo ay may maipagmamalaki na 'ko."
Sinubukan niyang ngumiti pero naging mapait na ngiti lamang iyon at kitang kita sa kanyang mga mata ang sakit na nararamdaman.
"Hanggang sa nalaman kong... kayo ni Xander. Sinubukan kong takpan ang nararamdamang sakit. Totoo ang sayang nararamdaman ko dahil sa wakas ay nakikita na kitang masaya kasama siya at ng mga kaibigan mo." Humigpit ang kapit niya sa'kin. "Pero hindi ko itatangging minsan kong hiniling na sana ako na lang si Xander."
"Noong naghiwalay kami, h-hindi mo n-naisip na magtapat no'n?"
Tipid ang ngiti niya nang umiling.
"Your heart's shattered, Samantha. Hindi lang sa inyo ni Xander. Hindi mo sinasabi pero alam kong sobra kang nasaktan sa nalaman mong relasyon noon ng mga magulang ninyo. Ramdam ko 'yon kahit hindi mo sabihin sa akin. I want to help you pick every pieces of your heart, Samantha. Pero hindi sa paraang pipilitin mo ang sarili mong mahalin ako. Alam ko sa sarili ko na kung magtatapat ako noong mga panahong 'yon ay mas masasaktan at mas mahihirapan ka lang dahil hindi mo matatanggap ang nararamdamn ko. Alam kong magiging mabigat iyon sa'yo at ayokong makadagdag sa paghihirap mo. So, I waited for His time. 'Yung tamang oras na ibibigay Niya sa akin."
Namasa ang mga mata ko dahil sa naririnig kong lumalabas sa bibig niya. Hindi ko inakala na sa loob ng mahabang panahon ay ganito ang nararamdaman ni Gerald para sa akin. Hindi ko lubos maisip kung gaanong kasakit lahat ng nararamdaman at pinagdaanan niya dahil sa pagmamahal niya sa akin. It's stupid to say pero... nagsisisi akong nakikita niya kami noon ni Xander na magkasama.
Hinaplos niya ang pisngi ko at kalaunan ay magaan 'yong hinawakan. Mas lumalakas ang kabog ng puso ko sa tuwing tititigan niya tulad ngayon.
"Ngayon, alam kong buong buo na muli ang puso mo. Nagbabaka sakali akong baka ito na ang pagkakataon ko. Pero hindi kita pipilitin, Sam. Maghihintay ako kung kailan ka magiging handa na tanggapin ako. Kahit pa panibagong walong taon, okay lang. Maghihintay ako... Dahil alam kong worth it ang paghihintay ko kung ikaw rin ang magiging wakas ko."
Kinabig niya ako papalapit sa kanya at mahigpit na niyakap.
Matapos marinig ang lahat ng sinabi niya mas bumabaon lang sa puso ko at mas lumalago lang ang nararamdaman ko para sa kanya. At nadagdagan ang dahilan kung bakit ganoon ang nararamdaman ko sa kanya.
Ikinalugod ng puso ko ang kaalamang kahit pa may nararamdaman, hindi siya naging makasarili. Inisip niya pa rin ang pangarap at pamilya niya, iyon ang labis na nakapagbibigay ng saya sa akin. At maski noong kami ni Xander hanggang sa maghiwalay kami, nirespeto niya ang oras ko para maghilom.
"I love you, Gerald."
"I love you, too, Sam!"
Hinarap ko siya. Pinakatitigan ko siya sa mga mata at inilapit ang mukha ko sa kanya. Magaan kong idinampi ang labi sa kanyang labi. Nang lumayo ako ay bakas ang gulat sa kanyang mukha na ikintawa ko.
"Mahal kita, Gerald, at mamahalin kita sa mga susunod pang bukas."
"Oh, God, Samantha!" Muli niya akong kinabig at mahigpit na niyakap. "Ikaw ang bukas ko, Samantha."
BINABASA MO ANG
Shattered Hearts (Hearts Series #1)
Algemene fictie❀ Wattys 2021 Shortlist ❀ Featured in Wattpad RomancePH's Teen Feels reading list Hearts Series #1 Sa loob ng walong taon ay namuhay si Samantha Alison Cruz na puno ng lungkot at sakit dahil sa malaking responsibilidad na nakapatong sa kanyang mga...