Kabanata 13

224 41 29
                                    

"SAM, malapit na ang birthday mo, 'di ba?"

Naudlot ang pagsubo ko sana ng tuna pasta at napaangat ang tingin ko kay Bianca. Ngiting ngiti ito. Kahit ang iba ay nakatutok ang paningin sa akin.

"Oo nga, Sam. Next next week na 'yon. Ano'ng balak mo?" si Erika.

"Uh..." Kunwari'y nag-isip pa ako. "Hindi ko pa alam, eh." Sa totoo lang ay wala.

"Bakit naman? First birthday mo 'yon na kasama kami. Dapat maging memorable 'yon," ani muli ni Bianca. "Dapat nagbabalak na tayo. Mag party kaya tayo? Ano bang gusto mo? Swimming? Beach party kaya?" masayang suhestiyon niya.

As usual, si Bianca ang unang nagbabalak. Ito rin ang palaging nagpa-plano ng mga lakad pagkatapos nilang magkasundo kung saan nila gustong magpunta. Hilig niya lang talaga iyon.

"Oo, beach party na lang. Namimiss ko na ang mag beach," ani Troy.

"Parang kagagaling lang natin sa Tali Beach two weeks ago?" mataray na ani Erika sa boyfriend niya.

"Oh! I miss that place!" ani pa ni Troy na hindi pinansin ang pagtataray ng girlfriend niya.

"Bar na lang tayo, Sam. Doon sa bagong bar sa bayan. Balita ko maganda roon," suhestyon ni Tristan.

"Huwag ang bar. Swimming na lang or road trip? Or out of town kaya?" sabi muli ni Erika.

"Bakit hindi kaya si Sam ang tanungin ninyo," ani Troy. "Ano ba usually ang ginagawa mo kapag birthday mo, Sam?"

Napangiwi ako nang marinig ang tanong na 'yon. Napabuntong-hininga pa nang makita ang masayang mukha nila habang nakatingin sa akin. "S-Sa totoo lang, h-hindi kasi ako sanay na mag celebrate ng birthday ko," pag-amin ko. "Normal na araw lang ang birthday para sa akin at hindi na kailangan pang magsaya pa para roon. Lilipas din naman iyon. Ang mahalaga ay dumaan." Ang gusto ko lang noon ay magising si Daddy. Iyon lang ang tangi kong hiling.

"Eh, ano lang ginagawa mo tuwing birthday mo?" malungkot na tanong ni Bianca.

"Uh, trabaho? Nagbabantay rin kay Daddy." Napangiti ako nang may maalaala. "Madalas din kaming kumain ni Gerald ng streetfoods. The best iyon!"

"Sino si Gerald?" tanong ni Bianca.

"Kaibigan niya na taga Manila," sagot dito ni Erika, hindi na nag-abalang lingunin 'to at nanatili ang tingin sa akin.

Sabay na buntong-hininga ang narinig ko. Hindi ko na nga sigurado kung kanino iyon. Mabilis na nabura ang ngiti ko nang makita ang seryoso na nilang mukha.

"Kailan ka huling nakapag-celebrate ng birthday mo?"

Napalingon ako kay Xander. Seryoso itong nakatingin sa akin. "A-ah... Noong ten ako?" Tama. Ten years old ako. Magarbo ang naging pagdiriwang ko niyon. Pero hindi ko inaasahan na huli na iyon. Dahil ilang araw lang matapos niyon ay naaksidente si daddy.

Pumungay ang mga mata niya. Matagal siyang tumitig sa akin. Lumingon ako sa iba at pare-parehong lungkot ang nakarehistro sa kanilang mukha habang nakatingin sa akin.

"Ano ba kayo! Celebration lang naman 'yon!Hindi naman porke walang handa or party ay hindi na birthday 'yon. Tingnan ninyo nga at tumanda pa rin ako," natatawa kong ani.

Shattered Hearts (Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon