"KILALA mo po si Samantha, Tito?"
Sabay kaming napalingon sa aming gilid nang marinig ang tanong na iyon ni Tristan. Bakas ang pagkalito sa kanyang mukha habang nakaturo sa akin at nakatingin sa kanyang Tito. Kahit si Erika at Bianca ay naroon na rin. Hindi ko napansin ang naging paglapit nila.
"Yeah. Pamilya siya ng naging pasyente ko sa Manila."
Bumilog ang nguso ni Tristan habang nanlalaki ang mga matang lumingon sa akin. "What a small world."
Tama siya. Hindi ko akalain na pamangkin siya ng nahing doktor ni daddy.
"Sige na po, Doc. Hinihintay ka na nila."
Nilingon ni Doc ang unahan. Nakatingin na ang ibang bisita niya sa kanya. Nakangiti 'tong lumingon muli sa akin at sa mga kaibigan ko. "Pupuntahan ko kayo riyan mamaya."
"Hihintayin ka namin, Tito Trev," ani Erika.
Tinapik ni Doc ang balikat ko bago kami nilampasan. Nakangiti ko siyang pinanood hanggang sa makalapit siya sa kanyang pamilya. Nanatili pa akong nakatayo roon habang pinapanood si Doc na yakap na ng kanyang pamilya.
Labis-labis ang paghanga ko kay Doc kaya naman ganito na lang ang saya ko na makita siya ngayon. Sa lahat ng naging doktor ni Daddy, siya lang ang nagturing sa akin bilang kaibigan. Halos lahat ng doktor ay tanging pamilya ng pasyente ang turing sa akin. Alam ko namang ginagawa lang nila ang trabaho nila pero iba si Doc. Naging malaking tulong siya sa amin. At bawat babanggitin niya ang tungkol kay Daddy na nagbibigay ng labis na sakit sa puso ko, pinapalitan niya lagi iyon ng pag-asa. Kaya nga hindi ko nagawang sumuko sa loob ng mahabang panahon. Dahil naroon siya, si Gerald at sila Tita Agnes.
"Let's go, Sam."
Hinawakan ako ni Erika sa braso at hinila palapit muli sa aming lamesa. Prenteng nakaupo roon ang dalawang lalaki.
"What happened?" tanong ni Troy.
Umupo kaming tatlo. Agad akong hinarap ng dalawa. Kahit ang dalawang lalaki na nasa kabilang gilid ng lamesa ay nasa akin din ang paningin. Nagtataka ko namang tiningnan ang sila Erika.
"Tito Trev is Tito Samuel's doctor, Sam?"
Hanggang ngayon ay bakas pa rin ang gulat sa mukha ni Erika dahil sa nalaman. Kahit ako tuloy ay nagtataka na rin nang tumango ako rito.
"She didn't even bother to tell me that?" hindi makapaniwalang aniya.
"Baka hindi alam ni Tita," ani Bianca.
Nagsalubong ang kilay ko. Kung taga Santa Clara si Doc, ibig sabihin may posibilidad na kilala niya si Tita Agnes lalo pa't magkaibigan si Erika at Tristan. Ilang beses na silang nagkita at nagkausap tungkol kay Daddy tuwing pupunta roon sa Manila si Tita. All this time kilala ni Tita si Doc? Bakit hindi niya iyon nababanggit sa akin? O baka naman hindi sila close?
"Where is your dad now, Sam?"
Napakurap ako nang ilang ulit sa naging tanong ni Bianca. Napatingin ako kay Erika at saglit kaming nagkatitigan. Tumikhim ito.
Ngumiti ako nang muling tiningnan si Bianca. "Wala na siya, Bi. He died three months ago."Dahan-dahan itong napanganga habang nanalalaki ang mga mata. Naitakip niya ang mga kamay sa kanyang bibig. Tiningnan pa nito si Erika na tipid na tumango sa kanya. "I-I'm sorry, Sam!"
Nagbigay ako ng sinserong ngiti sa kanya. "It's okay, Bi. But, let's not talk about it here. It's Doc's birthday party."
Pilit ang ngiti niyang tumango. Tinapik naman ito ni Erika sa balikat. Hindi ko siya masisisi kung ganito ang naging reaksyon niya. Hindi ko rin naman agad nagawang banggitin ang tungkol kay Daddy, dahil sa totoo lang ang akala ko'y nasabi na ni Erika sa kanila ang tungkol doon kaya hindi na sila nagtatanong sa akin kung bakit narito rin ako sa Santa Clara.
BINABASA MO ANG
Shattered Hearts (Hearts Series #1)
General Fiction❀ Wattys 2021 Shortlist ❀ Featured in Wattpad RomancePH's Teen Feels reading list Hearts Series #1 Sa loob ng walong taon ay namuhay si Samantha Alison Cruz na puno ng lungkot at sakit dahil sa malaking responsibilidad na nakapatong sa kanyang mga...