❇❇❇
Sa ilang taon ay namuhay si Samantha Alison Cruz na puno ng lungkot at sakit dahil sa malaking responsibilidad na nakapatong sa kanyang mga balikat. Responsibilidad na naputol ngunit naging mitsa ng labis na pighati sa kanyang puso. Sa kabila ng lahat ng nangyari ay nagnanais pa rin siyang maranasan kung paano ang maging masaya.
Sa paglipat niya sa panibagong lugar ay makikilala niya ang mga taong magiging dahilan kung bakit niya mararanasan ang kasiyahang pinapangarap. Ngunit hindi yata napapagod ang mundong pasakitan siya. Dahil kung kailan akala niyang okay na ang lahat ay saka siya muling susubukin ng tadhana.
Muli ba siyang mamumuhay sa lungkot at sakit? May puwang pa ba ang kaligayahan sa pusong winasak na ng pagsubok? At may pag-asa pa ba ang pagmamahal kung ang taong minamahal mo ay sumuko na rin?
❇❇❇
BINABASA MO ANG
Shattered Hearts (Hearts Series #1)
General Fiction❀ Wattys 2021 Shortlist ❀ Featured in Wattpad RomancePH's Teen Feels reading list Hearts Series #1 Sa loob ng walong taon ay namuhay si Samantha Alison Cruz na puno ng lungkot at sakit dahil sa malaking responsibilidad na nakapatong sa kanyang mga...