Kabanata 8

356 78 66
                                    

"I WILL be late. Nasiraan ako. This is Xander, by the way."

Naniningkit ang mga mata ko habang nakatitig sa text message ni Xander kahapon. Kagabi ko pa iniisip kung ano ba ang nagbago. At ngayon ay napagtanto ko na kung ano iyon. Nagbago siya at ang mga kilos niya. In a good way, I guess?

Sa tatlong linggo ko rito sa Santa Clara, nakasundo ko ang tatlo at napakitunguhan na para bang ilang taon na kaming magkakakilala. Pero si Xander, ni minsan hindi kami nag-usap, hindi kami nagkwentuhan, o kahit nagkatabi man lang ng upuan. Dumadaan man ang tingin niya sa akin pero aksidente lang iyon. Hindi siya tumitingin sa akin nang ganoong katagal katulad ng ginawa niya kahapon.

Kaya bakit bigla siyang magsasabi ng ganoon? I'm always avoiding his gaze? Hah! Oo, nga't umiiwas ako ng tingin, iyon ay dahil... dahil masyado akong naiintimidate sa kanya. Siya kasi 'yung tipo ng tao na tingnan mo pa lang kusa nang titiklop ang mga tuhod mo. Pero bakit niya sasabihin 'yon? Tuloy ay wala akong nasabi kagabi. Mukha akong tangang nag-iwas lang ng tingin at nanahimik na lang hanggang sa makauwi.

Naibaba ko sa magkabilang gilid ko ang mga kamay ko at napatitig sa kisame. Parang napapanood ko roon ang mga nangyari kahapon sa pagitan namin ni Xander. Lahat bago sa akin. Lahat hindi ko inaasahan.

"Ano'ng nangyayari sa 'yo riyan?"

Bumaling ang paningin ko kay Erika na nakatayo na sa gilid ng kama at nakatunghay sa akin. Malalim akong napabuntong hininga at mabilis na umupo. Dumapa naman ito sa dulo ng kama. May nanunuksong tingin.

"Iniisip mo 'yong kahapon?" Hindi ako sumagot. "Anong nangyari sa inyo kahapon?"

Umirap ako at muling humiga pero kiniliti niya ang paa ko kaya mabilis muli akong napabangon. "Ano na ba!" singhal ko.

"Tinatanong kita!" ganting singhal niya.

Bumangon siya at nag-indian seat sa harapan ko. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at pinaningkitan ako. Napabuga ako ng hangin at umiwas ng tingin. Kunot-noo ko siyang nilingon muli nang bungguin niya ng paa ang paa ko.

"Ano?" Nanghahaba ang nguso ko.

"Ano rin? Ano ngang nangyari sa inyo kahapon?"

"Ano bang nangyari kahapon? Wala naman, ah!" Pinipilit kong maging buo ang boses ko. Ayokong makita niyang apektado ako.

Umiwas muli ako ng tingin. Baka mabasa niya sa mga mata ko na ginugulo ng kaibigan niya ang isip ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang hawakan niya ang pisngi ko at iharap ang mukha ko sa kanya. Wala na talaga akong takas sa isang 'to. Siguradong hindi ako titigilan nito hangga't hindi nakakakuha ng sagot mula sa akin.

"Bakit gano'n ang eksena ninyo kahapon? Bakit may bukasan pa ng pinto ng kotse? Higit sampung taon ko ng kaibigan ang kumag na 'yon pero kailanman hindi ako ipinagbukas ng pinto no'n."

Habang patuloy si Erika sa pagsasalita ay nakapikit akong napabuga ng hangin nang paulit-ulit na bumalik sa isip ko ang isa pang nangyari kahapon na pilit kong itinataboy sa isip ko.

"Thank you so much for coming, guys."

Isa-isang niyakap ni Aria sila Erika. Nang nasa harapan ko na ito ay hindi ko inaasahang ganoon din ang gagawin niya. Kaya naman nakakalas na siya ay nanlalaki pa ang mga mata ko. Mahina siyang natawa habang nakahawak sa magkabilang braso ko.

Shattered Hearts (Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon