Kabanata 18

246 47 58
                                    

NAKANGITI kong pinagmamasdan si Xander nang dalhin niya ang tasa na naglalaman ng kape sa kanyang bibig at humigop doon. Nakatutok ang paningin nito sa kanyang cellphone, nagtitipa.

Kinuha ko ang aking white mocha at itinuon din ang tingin sa hawak kong novel book. Matunog akong napangiti nang may mapagtanto.

"Care to share what's on your mind, Miss?"

Nag-angat akong muli ng tingin sa kanya. Mula sa hawak ay tumingin ito sa akin. Ibinaba niya naman ang cellphone sa lamesa.

"Kanina ko pa nararamdaman ang malalagkit mong titig."

Natawa ako sa pinili niyang salita.

"Natutuwa lang ako... kasi pinapangarap ko lang ito noon. Nangyari na ngayon."

"Ang alin? Ang magkaroon ng gwapong boyfriend?" Naningkit ang mga mata niya.

"Hindi! Puro ka kalokohan!"

"Hindi iyon? Akala ko iyon," natatawang aniya. "Pero ano ba 'yon, babe?" Seryoso na ito.

Inilibot ko ang paningin sa Coffeeholic. "Ito... Nasa isang coffee shop, nagbabasa ng libro habang humihigop ng kahit anong magustuhan ko." Natawa ako. "Ewan! Ang babaw, pero ang saya ko roon."

"Ibig sabihin lang niyon ay unti-unti nang nangyayari ang mga pinapangarap mo lang noon. Nagsisimula na sa simple tulad nito."

Tumitig ako sa kanya. "Sana... kasama rin kita sa mga susunod pang matutupad."

Mas lumapit ito sa lamesa. Nanunukso ang ngiti. "At sino pa sa palagay mo, hm?"

Sabay kaming matunog na napangiti. Ipinatong ko ang kamay ko sa lamesa, inabot niya naman iyon at hinawakan. Ganoon kaming nag-usap habang humihigop sa order namin.

Parehong katatapos lang ng klase namin ngayong araw at naisipang dumaan muna rito since maaga pa.

Nang magpunta rito si Gerald noong birthday ko ay kami na ang naghatid sa kanya pabalik sa Manila. Napagkatuwaan ng mga kaibigan ko at para rin mas makatipid si Gerald. Nakilala pa ng mga 'to ang dalawa niyang kapatid na dalaga. Nga lang ay wala roon si Nanay Beth dahil naglalaba ito. Hindi na namin nagawang hintayin, kahit gaano ko kagusto, dahil aabutin na kami ng dilim.

Mahinahon ang mga araw at linggo na nagdaan. Minsan ay uuwing pagod ang isip at katawan galing sa University pero naiiraos naman. Dumadalang ang pagpunta sa tambayan at linggo na lang kami nabubuo roon.

Tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya 'yong dinampot at binasa ang text.

"Out na si Elion."

Tumango ako. Inisang lagok ko na ang inumin, ganoon din naman siya, tsaka kami tumayo at lumabas ng Coffeeholic.
Sumakay kami sa kanyang kotse at bumalik sa University. Eksaktong pagtigil niya sa tapat ay siyang paglabas naman ng kapatid nito sa gate.

Kumaway ako sa papalapit na matangkad na binata sa kotse. Tulad ni Xander ay kulot ang buhok nito. "Hi, Elion!"

Mabilis itong sumakay sa passenger seat. Pagkasara ng pinto roon ay agad ding pinatakbo ni Xander ang kotse.

"Hi, Ate Sam! Lalo kang gumaganda, ah?"

Mahina akong natawa. Nilingon ko ito. Nag-aalis na ito ng white polo shirt. "Palagi na lang akong maganda sa paningin ninyong mag-kuya."

Shattered Hearts (Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon