Her Shattered Heart
TW: 𝚍𝚎𝚊𝚝𝚑KATATAPOS lang ng klase para sa araw na ito. Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko sa aking backpack habang abala rin ang aking tenga sa pakikinig sa halos nasa sampung blockmates ko. Nasa unahan ko lang ang mga ito at nag-uusap kung saan ba sila maaaring pumunta mamaya. Biyernes at walang pasok bukas. Saktong araw para gumimik.
"Ikaw, Sam? Tara?"
Napalingon ako sa isa kong blockmates na si Mirra. Ito ang madalas na magyakag sa akin tuwing may pupuntahan silang pasyalan o gimikan. Tipid na ngiti at iling lang ang tanging naging sagot ko sa kanya.
Pabiro siyang umirap. "Pass na naman? Bawi ka sa susunod, ha?"
"Susubukan ko," sabi ko na lang. Isinukbit ko na ang bag ko sa 'king balikat. "Mauuna na ako sa inyo," nakangiti kong paalam.
"Ingat, Sam!" sabay-sabay na wika nila.
Kumaway pa ako at nagsimula nang maglakad palabas ng extension room na iyon. Tumigil ako nang makarating sa pinto at isang beses pa silang nilingon. Abala pa rin ang mga ito sa pagpaplano para sa lakad nila mamaya.
Mapait akong napangiti. Habang namo-mroblema sila kung saan ba sila maaaring gumimik, mayroong katulad ko na tahimik na humihiling na sana ay nagagawa ko rin ang magsaya kasabay nila. Bagay na hindi ko na yata magagawa pang muli.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Abalang kalsada ang sumalubong sa akin pagkalabas ko ng University. Pagod akong napabuntong-hininga. Tiningnan ko ang traffic light habang nakatayo sa gilid ng kalsada at hinintay ang paglipat ng ilaw niyon. Nang umilaw na ang walk signal ay nakipagsabayan ako sa mga estudyante sa pagtawid sa kalsada.
Ilang establisyimento pa ang nadaan ko bago ako nakarating sa isang palapag na coffee shop. Ang Mara's Café. Puti ang pintura niyon sa loob at labas. Mayroon dalawang 2-seater round table sa labas at may umuukupa roon ngayon. Dumaan ako sa gilid kung nasaan ang employee's entrance. Pagkapasok doon ay mismong locker room na iyon. Wala akong naabutan doon. Sinilip ko ang orasan na nasa itaas ng pinto. Hindi pa naman ako late. May kinse minuto pa bago ang shift ko.
Dumiretso ako sa aking locker at inayos doon ang gamit ko. Kinuha ko na rin ang uniporme ko at pumasok sa banyo na nasa gilid. Pagkalabas ko ay naroon na sa katabi ng locker ko si Gerald. Kaibigan at isa ring part timer dito tulad ko.
Lumapit muli ako sa locker para ilagay roon ang school uniform. Nilingon ako ni Gerald nang mapansin ang paglapit ko.
"Sam!" masiglang bati niya. Nakipagfist-bump ito sa akin.
"Akala ko aabsent ka, eh," biro ko.
"Hindi, 'no! Sayang ang araw." Humarap siya sa locker niya pero mabilis ding tumingin muli sa akin. "Oo nga pala..." Mas lumapit siya sa 'kin at patigilid na sumandal sa locker. "Ano'ng balita? Nakapag-exam ka ba?"
Nakangiti akong tumango. "Oo. Buti naka-dilhensya."
"Mabuti naman. Pasensya na talaga, Sam. Kung alam ko lang sana pala hindi na muna ako nakapagbayad at ibinigay na muna sa'yo-"
Wala sa sarili ko siyang nahampas sa braso.
"Loko! Hindi ko tatanggapin kapag gano'n!
Huwag mo nang intindihin 'yon. Tumawag naman ako kay Tita Agnes pagkatapos nating mag-usap kahapon at nagpadala naman agad siya." Sana pala ay kahapon ko pa iyon sinabi sa kanya para hindi na siya nag-alala pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/251259922-288-k382493.jpg)
BINABASA MO ANG
Shattered Hearts (Hearts Series #1)
Fiksi Umum❀ Wattys 2021 Shortlist ❀ Featured in Wattpad RomancePH's Teen Feels reading list Hearts Series #1 Sa loob ng walong taon ay namuhay si Samantha Alison Cruz na puno ng lungkot at sakit dahil sa malaking responsibilidad na nakapatong sa kanyang mga...