Pia Nicole Ann Chaves P.O.V.S
Papunta ako ngayon sa para puntahan si Kiel. Ngayon kasing araw ang game nila. Marami mga estudyanteng nakatambay sa locker kahit pa sa gym.
Tuloy lang ako sa paglalakad habang nakatuon lang ang pansin ko sa gym ng biglang masagi ng balikat ko ang isang matandang lalaki na halatang kakagaling lang sa faculty room. Teka si Mr. Monte to ah! Ano kayang ginagawa niya dito? Siguro manunuod siya ng game.
"Good Morning Mr. Monte" magalang na bati ko.
Napatingin siya sakin at ngumiti. "Ms. Chavez right?"
"Yes po" sagot ko. Napatingin ako sa hawak hawak nitong white folder. "San po kayo pupunta?" Tanong ko.
Sumabay siya sa paglalakad. "Well gusto ko sanang magpahangin na muna dahil nakakabagot din sa opisina" Mr. Monte.
Kung sa bagay nakakabagot nga naman kapag puro nalang papeles nakikita mo sa lamesa mo. "Kung gusto niyo po Mr. Monte manuod po tayo ng basketball may game po kasi ngayon si Kiel" pag aalok ko.
"Who's Kiel"
"Kaibigan ko po Mr. Monte"
Ngumiti siya. Alam niyo para siyang si Mama kung ngumiti at magaan ang loob ko sa kanya. Pakiramdam ko nawawala yung kaba ko kapag kasama ko siya.
Malapit na kami sa gym at maya maya lang din ay mag stastart na yung game ni Kiel. Maraming mga matang nakatingin samin siguro kahit sila nagtataka kung bakit magkasama kami ni Mr. Monte dahil bibihira lang itong lumabas.
"Mr. Monte may anak din po ba kayo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga players.
"Mayroon at may isa akong apo sa kanya" humarap siya.
"Talaga po ang swerte naman nila" sabi ko.
"Bakit naman" nakangiting sagot niya.
"Kasi mabait kayo at ma--yaman"
Natawa siya. "Palabiro ka talagang bata ka"
"Ay hindi po yon biro totoo po yon Mr. Monte" sagot ko.
Lalo pa siyang natawa. Bakit may nakakatawa ba don? Totoo naman ah Tsk.
Napansin niyang naging tahimik ako kaya huminto siya sa pagtawa. "You remind me of someone."
Napatingin ako sa kanya. "Kaya lang ilang taon ko na siyang hindi nakikita dahil may tampo parin siya sakin. I can't blame her dahil malaki naman talaga ang pagkukulang ko sa kanya" bumuntong hininga siya."pilit kung inaayos yung gusot sa pamilya namin pero huli na ang lahat, umalis siya at kailan man ay hindi na bumalik pa."
"Maaayos niyo rin po kung ano mang problema ang pinagdaadaanan ng pamilya niyo ngayon siguro naghahanap lang din yung anak niyo ng tamang pagkakataon. Alam kung hindi niya rin kayo matiis dahil kahit nasaktan man siya, may pagmamahal paring natitira sa puso niya."
Ngumiti siya.
Mga isang minuto kaming naging tahimik ni Mr. Monte habang tuloy lang sa hiyawan ang ibang estudyante sa mga player na kakarating lang sa gym. Nasan na kaya si Kiel. Nilibot ko yung tingin ko hanggang sa mapansin ko si Mr. Monte na saglit na napatingin sa relo nito. "I already forgot may meeting pa pala ako. Itong mga nakaraang araw masyado na akong makakalimutin dala narin siguro ng pagod at katandaan ko. Pano Ms. Chavez aalis na muna ako. I'm really happy na nakasama at nakausap kita."
"Ako din po salamat po sa kunting oras."
Tumalikod na siya at umalis na.
Sinundan ko lang siya ng tingin. Hindi mo mapapansin kay Mr. Monte na may pinagdadaanan ang pamilya niya napaka pribado kasi ng buhay nito. Sana magkaayos na sila ng anak niya. Matanda na si Mr. Monte at kung ako ang nasa sitwasyon ng anak niya handa akong magsimula ulit.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Novela JuvenilMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.