(Ezekiel Jonas Castro P.O.V.S)
Day 1 of Intrams
Dinaanan ko muna si Pia sa bahay nila tutal pareho lang naman na sa school punta namin.
Papunta pa lang ako sa bahay nila Pia ng biglang mahagip ng mga mata ko si Cristtoff. Hindi pa siya nakasuot ng panlakad at nakapantulog pa. Nasa labas siya ng gate ng bahay nila at may kausap mula sa labas ng bahay nila. Tuloy tuloy lang ako sa pagbabike. Halatang napansin niya ang pagdaan ko kaya napatingin siya sakin. Tiningnan ko lang siyang saglit at tinuon nalang ang atensiyon ko sa doorbell ng bahay nila Pia.
"Iho classmate karin ba ni Pia?" Nasabi ng isang boses babae mula sa nakabukas na gate ng bahay nila Cristtoff.
Napatingin ako sa kanya. "Po?" Nasabi ko. Siguro mama to ni Cristtoff. Mukha siyang pormal at seryoso. Maganda siya at halatang nanggaling din sa mayamang pamilya. Napatingin si Cristoff sakin. "Ma!" Na sabi niya.
"Ah opo classmate po ako ni Pia!" Sagot ko.
Ngumiti yung mama ni Cristtoff. "And classmate din kayo ni Tope?"
"Yah same section po!" Sabi ko.
"Are you Pia's boyfriend?" Seryoso pero pambirong tanong nong mama ni Cristtoff.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. At halatang hinihintay lang nito yung sagot ko. "Am hin..........."
"Ma that's so private !" Biglang sagot ni Cristtoff.
"Ow I'm so sorry Iho don't mind me nalang medyo may pagkamatanong talaga ako!" Sabay ngiti nong mama ni Cristtoff.
Ngumiti lang ako.
"Excuse me." Sabay walk out ni Cristtoff.
Ngumiti lang yung mama niya sa kanya. "Pagpasensiyahan mo na yang si Tope hindi kasi sanay yan na maraming kaibigan e!"
"Okay lang po nasanay narin po kami!" Sagot ko lang.
Bigla siyang napatingin sa relo niya. "By the way Iho it's really nice to meet and also just call me Tita kung medyo hindi ka sanay sakin!" Sabi nito habang mabilis na sinarado yung pinto ng bahay nila.
Nag doorbell ulit ako sa pangalawang pagkakataon at nakita ko si Pia sa second floor ng bahay nila kung saan nakabukas yung bintana ng kwarto niya. Suminyas sinyas ito.
"Oo na!" Mahinang sabi ko habang nakangiti.
Napaisip tuloy ako sa tanong nong mama ni Cristtoff. Ano bang label namin ni Pia at nakararamdam ako ng inis sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Cristtoff. Alam ko na normal lang na mag alala ako sa kanya dahil kaibigan ko siya pero sa tuwing nakikita ko siya bigla nalang..........
"Lumalakas kabog ng dibdib ko!" Nasabi ko.
Biglang suminyas ulit si Pia sa nakabukas na bintana ng kwarto niya.
"Sige hintayin nalang kita dito bibigyan kita ng" Umiwas ako tingin "20 minutes!" Dugtong ko habang tinitingnan yung relo ko.
"Sige promise bibilisan ko!" Sabay sarado niya ng bintana .
Mga ilang saglit pa ay may lumabas sa gate ng bahay nila ang mama nito. Ngumiti siya ng makita niya ako. Kaya nginitian ko rin ito. San kaya pupunta yon? Nakasuot kasi siya ng panlakad at naninibago lang ako sa kanya ilang araw na magmula ng huli akong nakadalaw sa bahay nila Pia. May parang mali na hindi ko alam kung bakit napapansin ko ito sa mga galaw ng mama niya.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Teen FictionMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.