[Cristtoff Alexander Paige P.O.V. S]
"Anong nangyari Cristtoff? Bakit kailangang mapagdaanan to lahat ni Pia?!" humarap si Ezekiel ng may seryosong mukha.
"It's all my fault." Sabi ko habang nakatingin sa malayo.
"I'm not blaming you. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa mata ng mga babaeng nakapalibot sayo masamang babae si Pia kahit wala naman siyang maling ginagawa! Alam kung prinoprotekhan mo din si Pia pero hanggang kailan?? tingin mo ba tatantanan ka ng mga babaeng y'on? hindi ko lang tanggap kasi mahalaga sakin si Pia. At iniingatan ko din siya gaya ng ginagawa mo." Prangka sabi niya.
Nasa field kami ngayong pareho at dahil binabantayan namin ang team namin halos ilang distansiya lang ang pagitan namin.
"Iniiwasan ko siya at kahit ilang beses ko siyang ipagtabuyan hindi ko magawa." napakuyom ako.
" ganyan talaga si Pia. Minsan pagbigla bigla ng desisyon pero never ko siyang nakitang nagalit o nanakit ng iba. Marami na siyang pinagdaanan." Parehong nakatuon ang tingin namin sa magkaibang team namin na naglalaro na ng relay.
Second day (Intrams)
( Chess game)Nakakalahati na kami sa game at ito na yung pang last game ko. Tahimik lang ang lahat at hindi na nanuod yung iba sa cultural dance na sa gym ginanap. Sinarado ng teacher lahat ng pinto dahil abala lang daw samin ang inggay sa labas. I don't see Chavez siguro ay nanunuod ito sa gym.
Matapos ang game ay kaagad akong lumabas. Kanina pa pala nasa labas ng room si Calvin.
Inikot ko yung tingin ko. "May hinahanap ka?" Sabi ni Calvin papunta sa kinatatayuan ko. "Hindi na ako mag cocongrats marami nadin namang nagbati haha" dugtong niya.
Tiningnan ko lang siya. "Si Pia no? Parang magkasama sila ni Kiel kanina." Dugtong ni Calvin
"I see." sagot ko.
Natawa siya. "Pre halata ka" Calvin.
Sumunod na siya sakin sa paglalakad pababang first floor.
"Na ano?"
"Na nagseselos" tuloy parin siya sa pagtawa. "Bakit ba ang hirap niyong mga matatalinong kausapin haha" Calvin
Tumuloy kami sa field para e' check ang ibang mga team ko. Nakasalubong ko rin si Kyle na halatang stress sa ibang mga kausap niya.
Mainggay sa field at halos pasigaw nalang si Calvin kung magsalita.
"Pre si Pia oh!" Siniko ni Calvin yung balikat ko. Kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. Si Pia kausap si Ezekiel. Napansin ni Calvin yung iritable kung mukha kaya napatawa siya ng malakas. "May nakakatawa ba?" isa pa tong si Calvin ang lakas ng trip haysstt.
"Oo yung mukha mo" sagot niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Pagkatapos ng intrams back to normal na naman ang lahat tapos hindi muna mamamalayan na graduate na pala tayo" Calvin
"Ikaw ano bang course kukunin mo sa college?" Tanong niya.
"I'm planning to study abroad." Sagot ko.
"Totoo? Ano bang kukunin mo don business?" Calvin.
Nagkibit balikat ako.
"So aalis ka talaga pano na kami. Pano na si Pia." Pagdadrama niya pa.
"Just shut up ang inggay mo." Sabi ko habang nakatingin sa malayo.
"Alam mo kahit hindi mo pa aminin sakin alam ko na gusto mo si Pia, kaya bakit hindi mo parin inaamin sa kanya yung feelings mo" dugtong niya.
"Aalis ako pagkatapos ng graduation at matatagalan na naman bago ako makabalik sa pilipinas "
"Natatakot ka na baka hindi ka hintayin ni Pia ? Nasa tao na yan kung willing siyang maghintay o hindi why don't you try to ask her sige ka maunahan ka pa"
Napatingin ako kay Chavez kausap si Kiel. "Malabo" mahinang sabi ko.
I know na may gusto din si Kiel kay Chavez at makakalimutan din ako ni Chavez pagdaan ng maraming taon. Nakakapagod mag hintay, sabihin man nating willing siya. Pero napakatagal ng taon at alam kung maiinip lang din siya.
Iniwas ko nalang yung tingin ko sa kanila. Tumungo nalang ako papunta ng gym mabuti at hindi na nakasunod itong si Calvin dahil hinila siya ni Lorraine papunta sa canteen. Tuloy lang ako sa paglalakad ng biglang masagi ng balikat ko si Chavez na napatingin din sakin.
Nanlaki pa mga mata nito. Bakit mukha ba akong multo?
"Totoo bang naaawa ka lang sakin?" Ramdam ko sa tono ng pananalita niya ang lungkot.
Ano bang pinagsasabi niya? Is she hit her head or something? Napaka prangka niya naman yatang magsalita ngayon.
Napahinto ako sa paglakad at hinarap siya na naka crossed arms.
"O-okay lang talaga kung yon yung nararamdaman mo sakin" dugtong niya.
Kaya ba hindi ko siya nakita kanina sa laro ko dahil iniisip niya na kaya ako mabait sa kanya ay dahil naaawa ako? sino namang nagsabi sa kanya?
Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan. "Hindi ka pumunta sa game ko?"
"Huh?"
"Kung sa tingin mo, yun yung nararamdaman mo kapag magkausap tayo wala akong magagawa." sabay una ko na sa paglalakad.
Im not sure kung selos o inis ba tong nararamdaman ko ngayon. Pero isa lang ang sigurado ako na ayokong magkasama si Pia at Kiel.
Pia Nicole Ann Chavez P.O.V.S
Hindi niya alam na pumunta ako sa game niya. At ngayon na kaharap ko na siya, walang mga salitang lumalabas sa bibig ko.
"Kung sa tingin mo, yun yung nararamdaman mo kapag magkausap tayo wala akong magagawa" sabay una na nito sa paglalakad.
Cristtoff...
May mali ba sa tanong ko? pakiramdam ko tuloy nasaktan ko siya sa mga sinabi kung yon. Sinundan ko ng tingin si Cristtoff papalayo sa kinatatayuan ko.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Fiksi RemajaMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.