Pia Nicolle Ann Chavez
《Saturday》Nadatnan ko si Mama na may kausap sa telepono. Siguro si papa iyon dahil ngayong araw ako matutulog sa bahay niya.
Napansin ni mama na tinitingnan ko siya kaya kaagad niyang ibinaba yung teleponong hawak hawak niya."Magbihis ka na maaga ka pang susunduin ng papa mo" Mama
Tumango lang ako at mabilis na bumalik sa kwarto ko para maligo at magbihis ng bigla siyang magsalita kaya huminto ako sa paglalakad. "Siya nga pala yung kapitbahay natin na may gwapong anak dumaan dito kanina may inabot sakin!" Inabot niya sakin yung paperbag.
"Si Cristtoff po ba?" Bumaba ako at kinuha sa kamay niya yung paperbag na malaki.
"Oo sabi ko nga tulog ka pa e ngayon kalang kasi bumaba ng kwarto mo!" Dugtong ni mama.
Kinuha ko sa kamay niya yung paperbag na inabot ni mama.
May laman itong box ng chocolate cupcakes. Ngumiti ako habang ibinabalik na ito sa lalagyan."Siya nga pala aalis ako at baka anong oras na akong umuwi sa tuesday ka nalang bumalik rito" Mama
"San po kayo pupunta?" Tanong ko.
"May lakad kami ng kumari ko!" Sagot niya."Malaki taya ko at pag nanalo ako titigil na ako sa sugal!" Dugtong ni mama. Lumabas siya ng bahay dala dala yung isang baso ng mainit na kape. Umakyat na ako sa kwarto ko at kaagad na naligo at nagbibis. Nagdala narin ako ng iba pang mga gamit para sa sunday, may mga gamit din kasi ako sa bahay ni papa kaya maliit lang na shoulder bag yung dala ako.
Pagkatapos kung magbihis ay kaagad na akong bumaba ng kwarto ko. Hawak hawak ko parin yung bigay sakin ni Cristtoff na cupcakes. "Mabuti at tapos kana, kanina pa naghihintay ang papa mo sa labas" sabi ni mama habang nagliligpit ng mga baso.
"Opo" sagot ko. Nagpaalam narin ako kay mama at pagkatapos ay binuksan narin yung gate ng bahay namin. Nadatnan ko si papa na kausap si Cristtoff sa labas ng bahay kaya medyo nagtaka lang ako. Bat parang ang saya saya naman ng pinag uusapan nila?
"Pa" tawag ko.
Napatingin silang pareho sa kinatatayuan ko. San kaya pumunta si Pikachu at ang aga aga niyang lumabas ng bahay. Ngumiti si Cristtoff nong makita niyang hawak hawak ko yung binigay niya na cupcakes.
"Pia ano ready ka na ba?" Ngumiti si Papa.
Sinarado ko na yung gate ng bahay namin at inabot kay papa yung bag ko. "Oo naman no"
Lumapit na muna ako kay Cristtoff para magpasalamat sa binigay niya. Tinanong ko rin siya kung saan siya pumunta sabi niya na lang naglakad lakad daw sila ni liza at kyle sa park. "Bakit di mo ako inaya?" Masungit na sabi ko.
Natawa lang siya. "Baka mapagod ka lang" sagot niya.
"Mapagod daw. Kahit maliit lang legs ko kaya kung lakarin hanggang simbahan" pagyayabang ko.
"Talaga lang, alam mo bang tinetext kita kanina pa?" Nakataas kilay na sabi niya.
"Tinetext?" Napatingin ako sa phone ko. 5 unread messages yung nakalagay. Binasa ko lahat ng to at puro pagpapaalam ni Cristtoff ang nakalagay. Gosh bat ngayon ko lang ba naisipang buksan yung phone ko.
"Bye Pia" pinatalikod niya ako sa kanya at hinarap kay papa na kanina pa naghihintay.
"May iba ka pa bang lakad ngayon?" Sabi ko.
"Oo may dinner kami sa bahay nila liza mamaya bakit?" Kainis pinaparinggan ba niya ako.
Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. Nagpipigil sa tawa pa siya.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Teen FictionMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.