[Cristtoff Alexander Paige]Faculty room
Matapos akong guluhin at abalahin nitong si Liza ay kaagad na akong kumuha ng mga books sa desk ni Maam Katakutan.
Buhat buhat ko na yung mga libro ng bigla kung mapansin ang litrato naming mga estudyante niya sa table lang nito nakadikit at naka laminate pa.
Napansin ko si Pia na First time ko lang non makita na nakalugay yung mga buhok nito. Maganda siya at bagay na bagay ang mahaba niyang buhok sa kanya.
Natigil lang ako sa pagtingin rito ng bigla akong tawagin ni Liza. "Cristtoff di ba sabi ko hintayin mo ako bat mo ako iniwan huh!"Liza.
Napatingin ako sa kanya.
"Pano ang tagal tagal mo kasi !" Seryoso kung sabi.
"Tulungan na ngalang kita!" sabay kuha niya ng iba pang mga libro sa kamay ko.
Pagkatapos non ay sabay na kaming lumabas ng faculty room. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ng bigla kaming harangin ng dalawang estudyante na halatang mga grade 7 pa.
"Ku-kuya Cristtoff pwede po bang isama mo kami sa Team mo bukas kapag nagpipili na kayo ng mga members!" Namumula pang sabi nito. "Magaling po kaming mag chess!" Dugtong niya.
"Dah!" Pagtataray ni Liza.
Ngumiti ako. "Sure! Ano ba kayong Section?" Tanong ko.
Ngumiti silang pareho. "Section C po!" Sabi nong isa sa kanila. "Tatandaan ko kayo Promise!" Sabi ko na nakangiti.
"Really thanks Kuya!" Ngumiti silang pareho.
"Welcome!" Sagot ko.
"Sabi ko sayo e!" Sabi nong isa. "By the way Kuya aalis na po kami Bye po!" Dugtong niya.
Nginitian ko lang sila.
Sabay takbo nila pa punta sa room nila na nasa second building lang.
"Are you sure Cristtoff?" Liza.
"Oo naman!" Sabi ko at nauna na sa paglakad.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa room namin. Kaagad kung nilagay yung mga books sa table ni Maam. Para mga kaklase ko nalang ang kumuha mamaya. Napansin ko si Ezekiel na nag iisa lang. Himala naman yata.
May hawak hawak itong asul na notebook. Nakangiti ito habang binabasa ang laman ng nasabing notebook.
Kaagad akong umupo at ni review na muna ang last topic namin kanina. Samantalang si liza e tuloy lang sa panggugulo sakin.
"Tapos alam mo ba.......!" Niyugyug niya balikat ko kaya nahinto ako sa pagbabasa. "Nakikinig ka ba Cristtoff?" Pagsusungit niya.
"Ah oo naman!" Pagsisinungaling ko.
"So anyway basta bukas piliin mo ko huh!" Liza.
Tumango tango lang ako. "San na nga ba ako sa pagbabasa ko?" Sabi ko sa isip ko.
Samantalang sila Pia at ang mga kaibigan nito sa likuran e ang ingay ingay daig pa nagbibenta ng isda sa palengke.
Bumalik na ako sa pagbabasa ng bigla kung maramdaman na may nahulog na isang notebook mula sa likuran ko. Doraemoon ang design nito at nakapatong pa ito sa dalawa kung legs.
Ng biglang hablutin ito ng isang kamay mula sa likuran ko at matamaan nito yung P*******....
Bigla akong namula........
"Sinong?" Gulat kung sabi habang tinitingnan si ....
"Pia?" Na sabi ko.
Nagulat din siya sa ginawa niya kaya kaagad siyang napatalikod. "Wala akong nahawakan!" Dugtong niya pa.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Novela JuvenilMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.