[Ezekiel Jonas Castro P.O.V.S]
School
Matapos kung epark yung bike ko ay kaagad akong tumungo sa classroom. "Muntikan na akong malate ah!" Sabi ko habang naglalakad na papasok ng room ko.
Pagbukas ko ng pinto ay kaagad kung napansin na walang tao pa sa loob. Chineck ko ulit yung relo ko.
"Luh 7:25 na bat wala paring tao?" Napansin ko na marami ng bag sa loob maliban sa upuan nina Andy, Mandy at Justin.
"Tsk malamang nagtambay na naman yun sa canteen!" Sabi ko.
Tuloy lang ako sa paglagay ng bag ko ng biglang may nag tap sa balikat ko. "Awuuuuuuuu!" sabi ng isang boses babae.
Kala niya siguro natatakot ako. Kaagad ko siyang hinarap. "Ahhh natatakot ako!" Nagpipigil sa tawang sabi ko.
Si Pia lang pala akala niya siguro matatakot niya ko.
"Tsk!" Sabay hampas niya sa balikat ko. "Hindi ka naman natakot e!" Dugtong niya.
"Ahahahaha hindi ka kasi nakakatakot e!" Sabi ko pa.
Ibinaba niya na yung kamay niya at inayos yung buhok niya na ginulo niya talaga para takutin lang ako.
Don ko napansin na may sugat siya sa mga labi nito na naka band aid pa at ang design e doraemoon.
"Na pano yan?" Worried kung tanong.
"Wala!" Sabay tawa niya.
"Tsk sinaktan ka na naman ng magaling mong nanay no?" Sabi ko.
Nagkibit balikat lang ito.
"Pia, bat ba hinahayaan mong saktan ka ng mama mo?" Seryosong tanong ko.
"Wag ka ng mag alala sakin okay lang ako promise!" Sabi niya na nakangiti. "Siyaka mag focus ka nalang sa laro mo!" Dugtong niya.
"Pia?"
Bigla niyang ginulo buhok ko. "Wag muna kasi akong intindihin!" Sabay tawa niya."Siya nga pala may sandwich din akong bigay sayo wait lang kukunin ko lang sa bag ko!" Sabi niya habang kinukuha na ito. Nakabalut pa ito sa tissue.
"Oy hindi niya talaga nakalimutan!" Sabi ko habang kinukuha na ito at inaamoy.
"Sige na pumunta kana sa Grade 7 di ba ngayon kayo maglilibot para maglista ng mga members niyo sa Team?" Pia.
"Ngayon na ba luh nakalimutan ko na yata!" Nasabi ko.
"Ikaw talaga kiel napaka makakalimutin mo talaga!" Pangangaral niya. Maya maya pa e biglang bumukas ng malakas yung pinto at iniluwa nito yung tatlong pa naming mga kaibigan.
Oo yung hyper hahaha sila yun.
"Oy ezekiel bilisan muna daw kanina ka pa iniintay ni Maam Ignacio!" Bungad agad nitong si Justin.
Panay tawa lang sila andy at mandy habang nag uusap. "Sige Pia!" Sabi ko habang hawak hawak parin yung sandwich na bigay niya.
"Sige na' bilisan muna!" Sabi niya lang.
Naku pangangaralan din yang si Pia kapag nakita nong tatlong yun na may sugat siya sa labi.
Paglabas ko ng pinto e hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari sa loob ng room. Dahil sunod sunod na ang mga kaklase ko na nagsiratingan.
Mabilis akong tumungo sa faculty room. Kung saan kanina pa pala naghihintay si Maam Ignacio sakin.
"Sorry Maam I'm late!" Sabi ko habang naglalakad na papunta sa desk nito.
Nakita ko rin si Cristtoff na kausap lang din ni Sir Ves habang nakatayo ito.
"It's okay Ezekiel!" Sabi ni Maam.
"May dala ka bang ballpen at papel?" Tanong ni Maam."Hala nakalimutan ko yata!" Mahinang sabi ko. " wait lang ma'am kukunin ko lang sa bag ko!" Sabi ko.
"It's okay pahihiramin nalang kita. So pinatawag lang naman kita para sabihin sayo na sabay kayo na mga Captain ng ibang Team na pupunta sa bawat room para maglista. Dapat pagkatapos ng 1hour nasa ibang section na kayo!" Bilin ni Maam.
Inabot ko lang yung bigay niya na ballpen at papel habang kinakain na yung bigay ni Pia na sandwich.
"Sige ma'am noted!" Sabi ko habang naglakad na palabas ng faculty room. Mabuti nalang at ka Team ko tong si maam.
Isinandal ko ang sarili ko sa pinto ng facultyroom kung saan hinihintay ko lang yung dalawa na lumabas. Tuloy lang ako sa pagkain ng sandwich.
Maya maya pa e lumabas na yung dalawa ng sabay. "Hi I'm Kyle Castillo Captain ng St. Therese!" Sabi nong tisoy na lalaki.
"Yah I remeber him pinsan siya ni Justin! Magaling siya sa sport na badmenton hehehe alam ko kasi dahil sinabi sakin ni Mandy. Nagtataka nga ako kay Mandy e bakit ang dami niyang alam kay Kyle?" Sabi ko sa isip ko.
"Ezekiel Pre!" Sabi ko lang.
"Barkada ni Justin right?" Kyle.
"Yah!" Sabi ko.
Napansin ko si Cristtoff na nakatingin sa balot ng sandwich na hawak hawak ko sa kabilang kamay ko.
"Ang sarap talaga ng bigay ni Pia!" Pagpaparinig ko sa kanya habang hawak hawak parin ito.
Tinalikuran lang ako nito. "Tsk baka nagseselos hahaha!"sabi ko sa isip ko.
Naglakad lang kami papunta sa next building (higschool building). Medyo malayo pero nasanay narin kami. Tahimik lang kaming tatlo. Na para bang binabasa kung anong iniisip ng bawat isa.
Pagdating namin sa blue building ay kaagad kaming umakyat ng hagdan patungong thirdfloor kungsaan nandoon yung room ng mga freshmen students.
Kaagad na nagsitakbuhan ang ibang estudyante ng makita na kaming papasok na sa room ng section 1.
"Good Morning!" Sabay na sabi naming tatlo.
Nasa loob na pala ang Teacher nila na si Ms. Patricia teacher sa English.
"Students gaya nga ng sabi ko ngayong araw na pipili ang ating tatlong Captain ng members nila for upcoming intramurals next week. Siya si Kuya Ezekiel Castro Captain ng St. Joseph!" Kumaway lang ako. "Kuya Kyle Castillo Captain ng St. Therese at si Kuya Cristtoff alexander Paige Captain ng St. Gab.
Maraming kinilig sa huling binanggit ni Maam. "Tsk mga batang to!" Mahinang sabi ko.
"So mag stastart na sila sa pagpili huh just behaved ayokong kinukulit niyo yung tatlo niyong kuya!" Bilin ni Maam.
Tumango lang ang mga ito.
"So who's First?" Kyle.
Nasa gitna lang namin siya ni Cristtoff.
"Am kayo na muna last nalang ako!" Sabi nitong si Cristtoff.
"No need ako nalang ang pang last!" Sabi ko.
"So sinong pang second at First?" Naguguluhang sabi ni Kyle.
"Edi ikaw!" Sabay na sabi namin ni Cristtoff.
"Third!" Cristtoff.
"Th-ird!" Sabi ko din.
"Mga Pre ano ba? Hindi tayo matatapos kung third kayong pareho!" Seryosong sabi ni Kyle.
"Okay ganito nalang sinong nag champion last year siyang mauuna?" Dugtong ni Kyle.
"O yan narinig muna Cristtoff?" Sabi ko.
"Ba't ganyan ka makatingin?" Masungit na sabi nito.
"Champion yung Team niyo last year!" Sabi ko.
Nagsungit lang ito at sinimulan niya na ngang pumili ng members niya. Naiinis na siguro to Haha.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Teen FictionMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.