Chapter 1 ♡

163 44 104
                                    


Pia Nicole Ann Chavez P.O.V.S

*~*

"Ano ba tong mga grades mo at score mo sa exam napakababa kailan ka ba magseseryoso sa pag aaral Ms. Chaves!" Sabay hampas sakin ni maam ng test paper.

5 over 50 ang score ko. Bagsak na naman ako sa first sem pano ang hina hina kasi ng utak ko e.

"Nag rereview ka ba o hindi?" Galit na sabi ni Maam.

Tahimik lang ang buong klase ng mga oras na iyon. Naturingan pang last subject namin si Maam Ignacio sa hapon. Kaya halos kalahati sa klase tulog o di kayay ang layo na naman ng lipad ng mga imahenasyon.

Yung iba may dala pang nail cutter at cutticles na kahit nag kaklase si Maam mas inuuna pa ang pagpapaganda ng kuko.

"Ano pa nga bang maasahan ko sayo bakit hindi mo gayahin itong si Cristtoff matalino!"

Pagkukumpara ni Maam kay Cristtoff na kasalukuyang nagbabasa ng libro na para bang wala manlang naririnig na ingay sa loob ng room.

"Ba't niyo ako itutulad diyan e magmula ng magsabog ng katalihunan sa Earth nasalo niya lahat!" Sabi ko sa isip ko.

"Nag rereview naman po ako!" Sagot ko kay Maam.

"Kung nagrereview ka bakit ang baba ng grades mo lalo na sa Entrepreneurship!"

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni maam. Maya maya pa ay tumunog na yung bell, sa wakas at uwian na.

Nga pala, before I forget to introduce myself. . .

Ako nga pala si Pia Nicole Ann Chavez. Pia ang tawag ng mga kaibigan ko sa akin, Doraemoon naman ang tawag nitong si Cristtoff kapag naiinis siya o di kaya hindi niya ako magantihan, last name ko naman kapag good mood siya. Freak, lampa, witch at kung ano ano pa ang tawag naman ng iba sakin. May iba namang magbabait na tinatawag ako sa second name ko pero hanggang don lang 'yon dahil sila yung mga taong kinakausap lang ako pag may kailangan. Friends with benefits kung baga. Grade 12 student na ako at makakagraduate lang ako kapag naipasa ko ang mga failed subjects ko pero pano' pano ko uumpisahan kung hindi naman ako biniyayaan ng katalinuhang kagaya nitong si Cristtoff.

"Class dismissed!" Sabi ni Maam.

Lumabas na kaming lahat kasama si Mandy. (Kaibigan ko)

"Okay kalang ba?" Tanong niya sakin.

Bahagya kung inilayo ang mukha ko para hindi niya mapansin na umiiyak ako.

"Oo naman!" Pagsisinungaling ko.

"Wag mo nalang pansinin si maam parate naman niyang sinasabi yan sayo e!" Pag cocomfort niya.

Pinunasan ko yung mga luha ko.

"Ang sakit lang kasi isipin na kahit mag aral man ako di ko parin maintindihan e!"

"Okay lang yan may kasama ka naman sa kabubuhan e!" Sagot naman ni Andy na kasunod lang namin. (Kaibigan ko)

"Halika tutulungan kita!" Bigla nalang akong hinila ni Justin kay Cristtoff na kasalukuyang kasama si Liza.

"Tope tulungan mo naman itong si Pia sa entre alam mo na kahit makitid utak nito may madadagdag ka pa!"

Hindi ko alam kung nang aasar ba to o tinutulungan ako.

"Tsk ano ba tingin mo kay Cristtoff tutor!" Pagtataray ni Liza kay Justin.

"Hoy! Tumahimik ka nga kinakausap ba kita!" Sabi ni justin kay Liza.

Nagtaray lang si Liza.

"Sige na Tope promise si Pia na ang bahala na komopya sa notebook mo kapag may pinapa copy si Maam sa book o sa blackboard!" Justin

Pia, I Love You Where stories live. Discover now