Chapter 9 ♡

74 31 50
                                    

[ Pia Nicole Ann Chavez P.O.V.S]

Home

"Pia!" Sigaw ni Mama mula sa labas ng pinto ng bahay. Malamang lasing na naman yun. "Po!" Sagot ko habang mabilis na binuksan yung pinto.

Lasing na naman siya at halatang manghihiram na naman siya ng pera. "May Pera ka?" Bungad agad niya.

"Wa-wala po e!" Sagot ko.

"Panong wala kang pera!" Sigaw niya. "Binibigyan ka ng papa mo ng pera alam ko yun dahil nagkikita kayo tama?" Mahigpit niyang hinawakan yung braso ko.

"A-aray ko po nasasaktan po ako!" Sabi ko habang mas hinigpitan niya pa lalo yung paghawak sa braso ko.

"Bakit ba ang damot damot mong bata ka manghihiram lang e!" Dugtong niya.

"e wala nga po kasi akong pera siyaka kung mayroon man di ba sa inyo naman na pupunta yun!" Sagot ko.

"Aba sumasagot ka na huh!" Bigla niya akong hinila papunta sa taas kung nasaan ang kwarto ko. "Ayaw mo talagang ilabas huh pwes ituturo mo sakin tingnan lang natin kung magdadamot ka pang bata ka!" Itinulak niya ako ng malakas papunta sa cabinet ko.

"Ilalabas mo o hindi wag mo akong subukan Pia!" Sigaw niya.

"Pero wala.........!" Sinalubong niya agad ako ng isang malakas na sampal.

"Isa pang tanggi Pia!"

Ramdam kung nagdurugo na yung mga labi ko. Habang tuloy lang sa pagpatak yung mga luha ko. Namumula narin yung isa kung braso kaya kaagad ko itong hinawakan at tinakpan.

"Baon ko nalang po yun bukas Ma!" Sabi ko.

"Pwes wala akong pake kung may baon ka o wala basta bibigyan mo ako ngayon na mismo. Dapat nga hindi kana nag aaral e kasi bobo ka at ang mga kagaya mo dapat nasa bahay lang!" Sigaw niya.

Dahan dahan kung binuksan yung cabinet ko kung saan nakalagay yung box na nilalagyan ko ng pera. Hindi ko pa ito naaabot sa kanya ng bigla niya itong hablutin. "Magkano to?" Sabi niya habang binibilang ang mga laman nito.

"5k!" Umiiyak ko ng sabi.

"Parang ito lang pinagdadamot mo pa!" Matapos niyang kunin yung pera ay kaagad niyang itinapon yung lalagyan nito sa sahig. "O diyan ka na muna aalis na muna ako maglalaro pa kami ng mga kumari ko. Kumain kana pagkatapos!" Sabay talikod niya.

Tuloy lang sa pag agos yung mga luha ko. Kaagad kung kinuha yung box ko at ibinalik ito sa cabinet ko. Sa taas ng cabinet ko ay may malaking akong salamin. Napatingin ako sa sarili ko habang tinitingnan ang dumudugo kung mga labi. "Re-rela-x Pia masanay ka na sa kanya!" Nabubulol kung sabi habang pinupunasan na ng tissue yung sugat ko sa mga labi ko.

Binuksan ko ulit yung cabinet ko at naghanap ng band aid sa sugat ko pero wala akong mahanap. "Kainis naman!" Napa sipa ako ng malakas sa wall ng kwarto ko. "Wala pa naman akong pera ngayon!" Sabi ko habang nagbabakasaling may natira pang pera sa box ko. Pero wala talaga kaya nagpasiyahan ko nalang na lumabas muna ng bahay para maging kalmado ako.

Pero ewan ko ba ayaw paring tumigil ng mga luha ko. Nasa labas na ako ng gate ng bahay namin ng bigla kung mapansin si Cristtoff na nasa labas din ng bahay nila. Napatingin siya sakin kaya kaagad akong umiwas ng tingin.

"Pia?" Tawag niya.

"Wag ka ng lumapit please!" Sabi ko sa isip ko. Kaagad kung pinunasan yung mga luha ko at hinarap siya ng may pilit ngiti. "Oh Hi Cristtoff! Bakit ka pa nasa labas ng bahay ng ganitong oras ng gabi?" Sabi ko habang tinatakpan ng isa kung kamay yung namumula kung braso.

Lumapit siya sakin. "Nag aaway kasi sila Mama at Papa kaya lumabas muna ako sa bahay para magpahangin" Napatingin siya sa kamay ko. At hinawakan niya yung isa kung kamay kung saan tinatakpan ko yung namumula kung braso. "A-anong ginagawa mo?" Sabi ko habang inaalis niya yung kamay ko sa braso ko. "Na pano yan?" Seryosong sabi niya. "At siyaka bakit may sugat ka sa labi?" Tanong niya ulit.

"Wa-wala lang to aksidente ko kasing nakagat yung labi ko!" Pagsisinungaling ko.

Bumuntong hininga siya. "Nagsisinungaling ka na naman Chavez ang sabihin mo sinaktan ka na naman ng mama mo!" Sabi niya. Hinila niya yung isa kung kamay. "Sumama ka sakin?" Aya niya.

"San naman tayo pupunta?" Tanong ko.

"Hindi pa ako pwedeng pumasok sa bahay dahil halatang nag aaway pa hanggang ngayon sila mama at papa. Gagamutin nalang natin yung sugat mo malapit lang naman dito yung store e at!" Napatingin siya sa relo niya. "At bukas pa sila ngayon maabutan pa natin sila!" Sabi niya habang hinahawakan parin yung isa kung kamay.

After 5 minutes.........................

[Store]

Tuloy lang ako sa paglalakad habang kumukuha ng cotton, alcohol, gunting at band aid si Cristtoff.

Matapos niyang magbayad sa cashier ay kaagad siyang lumapit sakin. Tamang tama din at maraming mga available seats nong mga oras na iyon sa loob ng store. Umupo kami don at mabilis niyang binuksan yung isang pack ng cotton at alcohol. "Wag kang makulit!" Bilin niya habang nilalagyan ng alcohol yung cotton. "Medyo masakit to!" Dugtong niya.

Inilapit niya yung cotton ng dahan dahan sa mga labi ko. Focus lang siya sa ginagawa niya samantalang ako e kanina pa tinitingnan ang kabuuan ng mukha niya. Ngayon ko lang napansin na kulay brown pala yung mga mata Cristtoff at ang pilikmata nito parang pilikmata ng manika. Matangos ang ilong at ang mga labi nito na parang nag liliptint sa pula.

Ngayon ko lang naranasan na may nag aalaga sakin. Biglang tumulo yung mga luha ko. Natamaan nito yung kamay ni Cristtoff kaya huminto siya sa paglilinis ng sugat ko. Alam niyo yung tapang ng alcohol sa balat at yung sakit ng loob ko ngayon ang siyang dahilan kung bakit hindi ko na naman na pigilang hindi umiyak. Ibinaba niya yung cotton at nilapag muna sa lalagyan nito. "Okay ka lang ba?" Bakas sa mukha niya ang pag aalala.

Tumango tango lang ako. "Ang sakit pala nong alcohol no?" Pagdadahilan ko.

Matapos malinisan yung sugat ko ay ginupit niya yung band aid at inilagay ito sa sugat ko.

"Salamat talaga Cristtoff!" Sabi ko na naka ngiti. Umupo siya at ginulo yung buhok ko. "Bakit nakukuha mo paring ngumiti sa sitwasyon mong yan!" Seryosong sabi niya.

"Best remedy ko kasi to e!" Sabi ko. Pinunasan ko yung mga luha ko.

"Bakit hindi ka nalang sa papa mo tumira. Mas matutukan ka niya at maaalagaan!" Dugtong niya. "Kaysa sa mama mo!"

"Hindi ko kayang iwan si mama!" Yumuko ako. "Alam ko kasi na kailangang kailangan niya ako" sabi ko.

Bumuntong hininga siya. "Umiwi na tayo!" Pag aaya ko.

Napatingin siya sakin. "Okay!" Sabi niya habang nauna na sa paglalakad.

Nasa labas na kami ng store at mga ilang minuto e nasa bahay na kami. "Cristtoff naglalagay ka ba talaga ng pera sa pangbahay mong damit?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Bakit mo naman na tanong?" Sabi niya.

"Kasi pano mo na bili to!" Sabi ko habang tinuturo yung hawak hawak kung isang alcohol, at isang pack ng cotton, gunting at band aid na nasa loob lang ng plastic.

Huminto siya sa paglalakad. "Nagdadala talaga ako ng pera kahit nasa loob lang ako ng bahay o kahit gabi na. For emergency purposes!" Seryosong sabi niya.

"Talaga!" Mahinang sabi ko.

"Bakit hindi ka nalang sa papa mo tumira?" Tanong niya.

"Ayokong iwan si Mama lalo na sa sitwasyon niya ngayon!" Napabuntong hininga ako.

"Sinasaktan ka niya Pia di mo ba nakikita?" Cristtoff.

Napayuko ako. "Naniniwala kasi ako na one day magbabago siya at babalik ulit sa dati yung ugali niya" sabi ko.

Napahinto siya sa paglalakad. Bigla niyang ginulo ulit yung buhok ko. "Kapag kailangan mo lang ng kausap guluhin mo lang ako habang nag aaral!" Sabay talikod niya.

Natawa lang ako sa sinabi niya.

Pia, I Love You Where stories live. Discover now