Pia Nicole Ann Chavez
*~*
Pagkatapos ng graduation ay naisipan na muna naming bumalik ni Cristtoff sa lugar na madalas naming puntahan.
Maganda ang panahon nong mga oras na iyon. Sabay naming pinark yung bike sa gilid lang ng puno. Naglakad kami at umupo sa damuhan habang may mga batang naglalaro ng sarangula sa may di kalayuan.
Napatingala si Cristtoff.
"I'm gonna miss this place." Na sabi niya.
Ibinalik niya yung tingin niya sakin. "Lalo ka na." Dugtong niya.
Hinawakan ko ng dahan dahan yung mga kamay niya. "Ayokong umiyak Pikachu." Pabirong sabi ko.
Ngumiti siya. "Palagi mo nalang akong pinapatawa." Sabi niya.
"Hihintayin kita kahit anong mangyari." Seryosong sabi ko.
Hinawakan niya rin yung mga kamay ko at pinisil ito ng kaunti. " I love you Chavez."
Huminga ako ng malalim habang pinipigil na wag maluha sa mga sinabi niya. "I love you too Tope at ikaw lang ang nag-iisang pikachu ng buhay ko." Sabi ko.
"Thank you for trusting me." Cristtoff.
Nangingilid na yung mga luha. Bukas na kasi ang alis nito at kahit ilang beses akong magpanggap na okay lang ako at hindi ako iiyak hindi parin pala kaya ng puso ko.
Hinalikan niya ng dahan dahan yung forehead ko.
Ngumiti ako ng matipid.
Ibinalik niya yung tingin sa malayo habang sabay naming pinapanuod na naglalaro ng mga saranggula yung ibang bata.
Saglit kaming naging tahimik habang hinahantay ang unti unting paglubog na ng araw.
May mga salitang gusto ko pa sanang sabihin kay Cristtoff habang nandito pa siya at kasama ko. Pero hindi ko alam kung pano magsisimula at kung kakayanin ko ba na pigilan yung mga luha ko.
Tiningnan ko siya ulit. May mga ngiting gumuguhit sa mga labi nito. Alam niyang tinitingnan ko siya. Kaya hinawakan niya yung mga kamay ko at iniligay ito sa bulsa ng jacket niya.
"Wait I almost forgot. Give me your phone." Cristtoff.
"Huh? Anong gagawin mo sa phone ko?" Nagtatakang tanong ko.
"Just give me your phone." Sabi niya lang.
Inabot ko na sa kanya yung phone ko.
Ngumiti siya at binuksan na ito.
So ano nga talagang gagawin niya sa phone ko?
Patuloy ko lang siya na tinitingnan.
Binuksan niya yung camera ng phone ko at nag selfie siya ng ilang beses.
Pinigil ko lang yung tawa ko.
"Alam kung mamimis mo ako kaya kapag nalulungkot ka kausapin mo lang yung picture ko." Sabi niya pa.
Tinulak tulak ko lang yung balikat niya.
"Baka palitan mo ako don at makahanap ka pa ng mas maganda, mas sexy at kakalimutan muna ako." Sabi ko.
"Bakit ko naman gagawin yon. Ikaw lang ang nag-iisang Doraemoon ko no." Pinisil niya yung ilong ko.
Isinauli na niya sakin yung phone ko.
"Akin na yung phone mo." Sabi ko rin habang tinitingnan yung phone niya sa isang kamay nito.
Inabot niya rin sakin.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Teen FictionMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.