Chapter 21 ♡

13 2 0
                                    


Pia Nicole Ann Chavez P.O.V.S

《Last game》

Mga 1pm na nong matapos yung game at ma announce kung sinong team yung nanalo. Ang team nila Cristtoff ang nanalo at lahat ng team ay may outing sa sunday syempre kasama narin ako sa team. Nag uusap-usap sila kung saang beach kami mag cecelebrate. Napatingin ako sa kinatatayuan ni Cristtoff. Bakit ganun, ba't parang hindi siya masaya. Nakangiti nga siya pero halata mo sa mukha niya na bored siya.

"Ano tuloy ba kayo sa sunday?" Mandy

"Hindi ako sasama" sagot ko.

"Haluh bakit naman minsan lang kayong mamasyal hindi ka pa sasama" Sabi nito.

Lumapit si Calvin sa kinatatayuan ko. "May outing tayo sa sunday huh" nakangiting sabi nito.

"Kayo nalang ang pumunta" sabi ko.

"No sasama ka wag kang KJ Pia minsan lang tong mangyari na magkakasama tayo kaya sumama kana"calvin

"Oo nga Pia may outing din kami sa sunday sumama kana" yugyug ni Mandy "sige ka maiiwan ka ditong mag isa"

"Pero......"

"Wala ng pero pero basta nilista na kita rito magkita kita nalang tayo dito sa school ng 8am sa sunday see you baboshhh" Calvin

Hayyys ano namang gagawin ko don. Kung hindi lang ako pinilit ni Calvin hindi talaga ako sasama sa outing nayon. Pagkatapos ng announcement ng winner ay nagsiayos na ng mga gamit ang bawat team. Ang dami daming inutos sila Liza sakin. Kapag nagrereklamo ako nagpaparinig siya na wala naman daw akong ambag kaya dapat lang na linisan ko yung booth namin tsk ang sama sama talaga ng ugali ng babaeng yan. Buti nalang at tinutulungan ako ni Lorraine na ligpitin yung ibang gamit namin. Sila Cristtoff tinutulungan si maam na magdala ng mga boxes papunta sa faculty room samantalang ako kung hindi alikabok kaharap ko, mukha at baba ni Liza ang nakikita ko. Ang dami niyang reklamo di naman siya tumutulong kesyo allergic daw siya sa buhangin kaya ako nalang daw gumawa. Ang dami niya ring sakit sa katawan, akala mo naman pinagbubuhat dito sa school ng mabibigat na bagay.

Tuloy lang ako sa pagligpit ng mapansin kung may huminto malapit sa kinatatayuan ko. "Cristtoff?" Mahinang sabi ko.

Tinulungan niya akong iligpit lahat ng mga natitirang mga gamit. Tahimik lang siya habang maayos na inilalagay ito sa box. "Cri....Cristtoff" natigil siya sa paglalagay ng mga gamit sa box at napatingin sakin.

"Congrats to the both of us" ngumiti siya ng matipid.

Bakit pakiramdam ko ngayon lang ako nakaramdam ng ilang sa kanya. "I....Im.." tumayo siya.

"I'm?" Pag uulit ko.

"I...I.. I really have to go see you on sunday" kinuha niya yung napuno ng box at mabilis na tinalikuran ako.

"See you" mahinang sabi ko.

"Pia tapos na tayo rito" lorraine

Tumango ako. "Sige sige uuwi narin ako" kinuha ko yung bag ko at inilagay na ito sa balikat ko. "Ako nalang ang bahalang magdala nito sa faculty" nakangiting sabi ni Lorraine.

"Sige thank you talaga" bago umalis ay tumungo na muna ako sa locker ko para makapag palit ng sapatos. Napansin ko din na kakaalis lang din ni Cristtoff. Bakit kaya iniwasan ako non? Pagkatapos kung magpalit ay kinuha ko na yung nakaparada kung bike at pinaandar na ito.

Hindi ko makita si Kiel, mandy, andy at justin siguro busy rin ang mga yon sa pagliligpit. Hindi narin ako nag paalam sa kanila dahil alam ko namang busy ang mga yon. Tinext ko nalang sila para hindi sila mag alala.

Tuloy lang ako sa pagbabike ng saglit kung mapansin yung bike ni Cristtoff na nakasandal sa isang malaking puno. Bumaba ako at saglit na sinilip kung anong mayron. May mga batang naglalaro ng saranggula sa damuhan kasama ang isang gwapong lalaki na tinutulungang paliparin yung saranggula ng isang batang babae.

"Hawakan mo sa gitna para maging balanse ang lipad niya. Ayan, tama yan, ganyan nga, sige kunting taas mo pa" nakangiting sabi pa ni Cristtoff.

Ngayon ko lang nakita si Cristtoff na nakangiti ng ganyan. Natigil lang sila sa usapan nong bumaba yung saranggula sa kinatatayuan ko. Halatang nagulat si Cristtoff nong makita ako kaya ibinalik niya sa batang babae yung saranggula na hawak hawak niya.

"Chavez" lumapit siya sa kinatatayuan ko.

"Kuya kilala mo?" Sabi nong batang babae.

Ngumiti ako at lumuhod para maabot niya. "Kaklase niya ako" sabi ko.

"Pwede ko bang hawakan yung buhok mo ate?" Ang cute cute niya.

Tumango ako. Excited na excited pa siya habang hinahawakan yung buhok ko. Nakikita ko sa kanya ang batang ako. Mahilig din akong pumunta rito noon, mga panahong kahit hindi pareho yung kulay ng sintas ko tuloy lang ako sa paglalaro. "Ang ganda po ng buhok niyo ate" sabi pa nong batang babae.

"Anong ginagawa mo dito?" Cristtoff

"Nakita ko lang kasi na nakasandal sa malaking puno ng kahoy yung bike mo kaya tinitingnan ko kung nandito ka" pag aamin ko.

"I'm sorry kung pakiramdam mo cold ako sayo" sabi ni Cristtoff habang umupo na ito sa damuhan. "Ang hirap palang mag sorry." Dugtong niya pa.

Sinundan ko siya habang nakatingin lang sa kanya. "I'm sorry din sa mga sinabi ko. Hindi ko dapat sinabi yung mga yon."

"Bakit ba ang babaw babaw ng tingin mo sa sarili mo Chavez" napatingin siya sa malayo at ipinikit ng ilang segundo yung mga mata nito.

"Kasi....kasi mahina ang loob ko" napayuko ako.

"Well that's not you. Ang kilala kung chavez hindi mahina ang loob. Medyo lampa lang.." humarap siya sakin at ngumiti.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Cristtoff..." mahinang sabi ko.

Humiga siya sa damuhan. Nakangiti parin siya habang nakapikit. Ano kayang iniisip niya? Tinitingnan ko lang siya. Napakaaliwalas ng mukha niya at natatamaan ng kunting sikat ng araw ang buong mukha niya.

"Palagi akong pumupunta sa game mo kahit pa hindi mo sabihin sakin. Gustong gusto kung nakikita kang mag chess pero alam ko na baka ito na ang huling taong magkakasama tayo" bumuntong hininga ako.

Minulat niya ng dahan dahan yung mga mata niya. At bumangon habang inaayos yung nagulo niyang buhok.

"You're part of my dream" tiningnan niya ako ng seryoso. Matatagalan na naman bago ako makabalik dito" bakas sa boses ni Cristtoff ang lungkot.

"Hi-hindi kita pipigilan sa mga pangarap mo Cristtoff" napahawak ako ng mahigpit sa damit ko habang nakayuko. "Gusto ko lang marinig mula sayo kung ano ba talaga ako sa buhay mo? At kung...."

"I think I Like you Chavez" bigla nitong sabi.

Nahinto ako sa pagsasalita.

Tama ba yung pagkakarinig ko?

"Huh?" Ang tanging na sabi ko lang.

Natawa siya. "Di ba matagal muna yang gustong marinig sakin?" Dugtong niya pa.


Napalunok ako. Oo na inunahan mo naman kasi ako. Kaya wala tuloy akong masabi.


Napahawak siya sa buhok ko sabay gulo rito.

May mga ngiting unti unting gumuhit sa mga labi ko.

Pia, I Love You Where stories live. Discover now