[Sophia's P.O.V.S]
"Mare' ano na nasan na yung taya mo?"
"Mga Kumare uuwi muna ako hehehe!" Halos matumba na ako habang naglalakad palabas ng bahay ng kumare ko. Lagot talaga yung batang yun sakin kapag wala akong nadatnan na pagkain sa bahay.
"Oy e pano yung taya mo!" Sigaw ng isa sa mga kumare ko.
"Asus wala na kasi akong pera bukas ulit!" Sabi ko habang naglalakad na palabas ng gate ng bahay nila.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may humarang na pulang mamahaling kotse sa dinadaanan ko.
"Bwe-set na-to!" Lumapit ako sa nasabing sasakyan at sinipa ko yung pinto nito. "Nakita mo bang may duma------!" Hindi ko na naituloy pa yung mga sumunod kung sa sabihin dahil bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Dahan dahang binuksan nong taong yun yung bintana ng kotse niya.
"Pa-pa?" Na sabi ko habang unti unting pumapatak yung mga luha sa mga mata ko.
Saglit siyang tumingin sa mga mata ko. Na para bang may hinanakit parin ito sakin. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Pero alam ko na may sama ng loob parin siya sakin. Pero pano'pano ko maibabalik sa dati ang lahat? Walang wala na ako. Hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar.
"Let's go!" Sabi niya sa driver niya.
"Pa!" Sigaw ko habang unti unti niyang sinasarado yung bintana ng kotse niya. Natatandaan ko pa ang mga huling katagang sinabi niya sa akin.
(Flashback)
"Congrats Sophia! Grabe ang galing mong tumugtug ng violin kanina!" Sabi ng isa sa mga kaklase ko. Highschool pa lang ako nong maisipan kung sumali sa mga competition sa school ng hindi nalalaman ng mga magulang ko kahit nga ngayong college ako. Ayaw na ayaw kasi nilang nagtutugtog ako ng violin dahil wala daw itong mabuting maidudulot sa kinabukasan ko.
"Sophia!" Tawag ng isang boses lalaki mula sa likuran ko. Halatang galit na galit ang tono nito.
Humarap ako.
"Papa!" Sabi ko habang mabilis na itinago ang violin ko sa likuran ko at ang tropeyong napa nalunan ko sa patimpalak.
Lumapit siya sakin at hinila yung kamay ko. "di ba sabi ko sayo hindi ka magtututog!" Papa.
Umiiyak na ako habang mahigpit na hinawakan yung violin ko. "Nag aaral naman po ako ng mabuti e!" Sabi ko.
Bigla niyang kinuha yung violin sa mga kamay ko. "Ito ba ang pinagmamalaki mo? Bakit sophia uunlad ka ba dito?" Sigaw ni Papa. "Hindi! Dahil sisirain lang nito yung kinabukasan mo. Naiintidihan mo ba ako!" Bigla niyang binagsak ng malakas yung violin ko kaya nasira ito ng husto.
"College kana Sophia hindi kana bata! Ngayon pulutin mo yan at itapon. Mag aral ka hindi puro ito lang inaatupag mo.!" Sabay hila nito sakin papunta sa loob ng kotse nito.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na itigil muna ang pagtututog! From now on mag aaral ka at tuturuan kita kung pano palaguin yung business natin.!"
"Pa' ayoko hindi niyo ba naiintindihan. Di-to ako masaya!"
"Pwes' mamili ka Sopia kami o yang violin mo! Tandaan mo walang maidudulot yang maganda sa buhay mo. At kapag yan ang pinili mo kaysa sa pamilya mo. Mapipilitan akong palayasin ka.!" Papa.
"Pinapapili niyo ako? Anong klase kayong magulang?" Kinalas ko yung kamay niya.
"Oo?" Papa
Biglang kumirot yung puso ko sa mga sinabi niya.
"I'm sorry Pa pero kung hindi niyo kayang supurtahan ang pangarap na gusto ko hindi ko rin kayang tumira sa bahay niyo!" Mabilis akong lumabas ng kotse nito.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Teen FictionMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.