Ezekiel Jonas Castro P.O.V.S
~•~
After 3 months (Graduation Day)
"Nakakalungkot lang kasi wala dito si Pia." Sabi ni mandy habang nakatambay kami sa gym. Hinahantay naming magsialisan na yung ibang estudyante para makapag picture kaming lahat.
Malungkot din yung mukha ni Andy. Umupo na muna siya sa isang empty seats.
"Oo nga e. Mamimis ko yung sandwich na dinadala niya samin ni Kiel." Malungkot din na sabi Justin.
Napabuntong hininga ako.
"Masyadong mabilis ang mga pangyayari." Dugtong pa ni Mandy.
"Alam niyo ang drama niyo guys." Sabi ng isang boses mula sa likuran namin.
Napatingin kaming pareho."Pia.......I miss you!" Yakap ni Mandy kay Pia.
Napatingin sakin si Cristtoff. Ngumiti ako at lumapit din sa kanila.
"Namasyal lang kami ni Cristtoff." Dugtong ni Pia habang nakahawak pa sa balikat ni Cristtoff.
"Kaya naman pala." Sabay na sabi nilang apat.
Bagay na bagay kay pia ang suot niyang toga.
Lumapit din sila Andy at Justin sa kinatatayuan ni Pia at Cristtoff.
Matapos ng nangyari kay Pia masasabi kung mas lalo pa siyang naging matatag. Maayos narin ang pakikitungo ng mama niya sa kanya. Don ko nalaman kung pano magmahal si Pia ng mga taong nasa paligid niya. Kahit kailan hinding hindi namin ipagpapalit ang nag-iisang PIA NICOLE ANN CHAVEZ na minsang naging bahagi na ng buhay naming apat.
"So ano nga ba talagang nangyari nong gabing yon?" Panimulang tanong ni Justin.
Huli kasi siyang dumating nong isinugod namin nila Cristtoff si Pia sa hospital.
"Well nong nagtexts sakin si Pia ng pangalawang beses alam ko na agad na parang may mali at nong papunta palang ako sa bahay ni Tito (papa ni Pia) nadaanan ko yung taxi na sinakyan ni Pia. Tinanong ko siya kung safe niya bang nadala si Pia. Then yun na nga sinabi niya lahat ng nangyari kaya tinawagan ko agad si tito at nagkita kita kami sa police station para e'report yung nangyari." Kwento ko sa kanila.
Nakikinig lang silang lahat.
"Mabuti nalang at pagaling na yung sugat ko kaya pinayagan na ako ng doktor ko na kumuha ng exam dahil kung hindi baka nauna na kayong umakyat ng stage para kumuha ng diploma." Nakangiting sabi ni Pia.
Napaakbay ako kay Cristtoff. "Alam mo ba kung anong effort ginawa namin ni Tope para magkaroon ka lang ng special examination." Dugtong ko.
Sumang-ayon naman si Cristtoff.
Inakbayan kaming pareho ni Pia. "Salamat ng marami Pikachu at Kiel." Pia.
"Um...wait guys nakita niyo ba si Liza?" Tanong ko sa kanilang lahat.
"Nakita namin ni Pia na kausap si Kyle." Sagot ni Cristtoff.
Tumango naman si Pia. "Hinahanap karin nga e." Dugtong pa ni Pia.
"Oyyyy......bakit mo hinahanap si Liza siguro hmm...." justin.
"Tsk tumigil ka nga diyan. Kukunin ko lang yung jacket ko sa kanya hindi niya pa kasi binabalik. Pinahiram ko lang kahapon dahil sabi niya nilalamig daw siya. " sabi ko.
"Oo na pero balitaan mo nalang kami pag kayo na huh." Natatawang sabi pa ni Justin.
"Kayo din ni kyle tsk kala mo nakalimutan naming hinahatid sundo ka ni Kyle." Sabi pa ni Andy kay Mandy.
"Tumigil nga kayo kinikilig tuloy ako." Namumula pang sabi ni Mandy.
Natawa lang kaming pareho ni Cristtoff.
"Guys picture naman tayo. Minsan lang to na magkakasama tayo. At syempre special ngayon dahil kasama natin ang heartthrob ng school." Sabi ni andy habang nakatingin kay Cristtoff.
"Oy tumigil ka nga diyan. Di mo ba alam kaibigan natin yung girlfriend niya." Panunukso din ni Mandy kay Pia.
Tinulak lang ni Pia yung balikat ni Mandy at Andy.
"Ano pang hinihintay niyo." Nilagay ni Justin yung camera niya sa gitna. "Smile......" sabi niya.
Napatingin kaming lahat sa camera at sabay sabay na ngumiti.
Ang dami pa naming ginawang pose. Yung iba na nga hindi maayos dahil ang likot likot ni Andy at Justin.
Meron din kaming picture ni Liza na magkasama since napadaan din siya kasama si Calvin at Lorraine.
"Oy.....Liza medyo umusog ka ng kaunti ka Kiel. Hindi kasi tayo kasya sa camera." Sabi ni Andy.
Umusog naman ng kaunti si Liza.
"Say cheese...." sabi ni Andy habang tumatawa.
"Cheese ano yon?" Nagtatakang tanong ni Justin kay Andy.
"Ah basta sumakay nalang kayo." Dugtong lang ni Andy.
Napailing lang si Cristtoff.
"Sige game. 1....2....3" counting ko.
"CHEESE" sabay na sabi naming lahat.
*******
This year is so special dahil sa kanilang lahat. Mamimis ko ang mga happy at sad memories dito sa school. Sana sa next journey ng kwento namin wala paring magbabago samin. Although alam kung lahat sila iba iba na ang plano after graduation. Si Kyle babalik sa italy kasama si Liza at Cristtoff. Si Mandy mag momodel daw. Si Pia magte teacher. Si Andy baka same course at school lang kami sa college.
Matapos ang graduation ay nagkanya kanya na kami ng lakad. Si Liza ang kasama ko ngayong namamasyal sa mall.
"Akala ko ba ayaw mo?" Sabi ko sa kanya habang naglilibot kami sa bookstore.
Humarap siya sakin ng nakakunot noo. "Nagbago yung isip ko." Sabi niya.
"Ang sabihin mo lang gusto mo lang din naman." Pagpaparinig ko.
Hinampas niya ako ng librong hawak hawak niya. "Who said that? Ayaw mo naman kasi akong ayain sa date. Ang sabi mo magpapasama ka lang." Masungit na sabi niya.
"Ah yun pala yon. Hindi mo naman kasi sinabi kaagad." Sabi ko lang.
"I hate you tsk." Sabay talikod lang nito.
"Oy san ka pupunta hindi mo bayan bibilhin?" Sigaw ko sa kanya habang hawak hawak yung librong hinampas niya sakin.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa labas ng bookstore. Ako nalang ang bumili ng book para sa kanya at syempre padabog kung ibinigay sa kanya yon.
"Ba't parang napipilitan ka lang yata?" Nakataas kilay na sabi niya habang hindi parin kinukuha yung librong inaabot ko sa kanya.
"Ikaw kasi." Napatingala ako.
"Anong kasalanan ko." Liza.
"Tsk hindi mo talaga alam?" Hindi ko parin siya hinarap.
"So ano nga?" Pasigaw na nitong sabi.
"Ang mahal kaya ng librong yan tapos hindi mo rin pala kukunin." Sabat ko.
May mga ngiting unti unting gumuhit sa mga labi niya.
"Fine. Akin na nga." Sabi niya na nakangiti.
Hinarap ko siya.
"Ngumiti ka na pwede?" Sabi niya.
"Opo." Sagot ko na nakangiti.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Dla nastolatkówMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.