Chapter 7 ♡

82 31 59
                                    

[Ezekiel Jonas Castro P.O.V.S]

(Doraemoon's Notebook)

Pagkatapos nilang asarin si Pia ako naman ang nakita nong tatlong yun.

Kaasar!

Mabilis ko silang tinalikuran at tumungo muna sa Cr. Nakakainis ano bang lamang nitong si Cristtoff at bakit patay na patay itong si Pia.

Di hamak na mas gwapo pa ako don.

Tuloy lang ako sa paglalakad ng bigla kung madaanan si Cristtoff na kausap si Mrs. Icotanim.

Speaking of gwapo?

Lamang lang siya ng isang paligo sakin. Pero who cares gwapo parin ako tsk bakit ko ba kinukumpara sarili ko sa kanya e sa simula't sapul nabuhay siya sa karangyaan at halos lahat ng gusto niya nakukuha niya.

Tsk! Bakit ko ba kinukumpara buhay ko sa kanya siyaka ba't napunta tayo don. Balik tayo sa usapang gwapo.

Okay naman ako ah! Mas cool pa ngang tignan ang larong basketball kaysa chess na nakaupo kalang tsk!.

Hindi na ako tumuloy pa sa Cr dahil tinatamad ako. Kainis nawalan na ako ng ganang umihi.

Dumiretsyo nalang ako sa room at nakita ko nga na halos mga lima lang ang naroon. Malapit ng mag bell pero wala parin yung apat.

Tinatamad ako kaya pinag tripan ko muna gamit ni Pia na nasa loob lang ng bag niya.

************

Mahilig talaga itong si Pia kay Doraemoon. Pati ballpen at eraser si Doraemoon at pati tissue si Doraemoon. Tsk wag mong sabihing pati notebook.

Binuksan ko yung zipper ng bag niya at tiningnan yung mga notebook niya.

Doraemoon nga.

Natawa ako ng kaunti. Itong si Pia parang bata ang hilig hilig sa Doraemoon.

Kumuha ako ng isang notebook niya na may design na doraemoon at binasa ang laman nito.

Ano to?

Grade 1 ba nagsulat nito?

"_"?

Tuloy lang ako sa pagbabasa ng notebook niya ng bigla ko ng marinig ang hiyawan nong apat na sina Andy, Mandy, Justin at Pia na tuloy tuloy lang sa pagpasok sa room.

Kasunod lang din nila si Cristtoff na may hawak hawak pang mga libro. Inilapag niya ito sa lamesa at kaagad na umupo.

"Oy! Totoo g*g* talaga yun!" Bulalas ni Andy. Habang inaakbayan sa balikat si Pia.

Lumapit yung apat sa kinauupuan ko. "Ano yan?" Bigla nalang hinablot ni Mandy yung Notebook ni Pia mula sa mga kamay ko.

"Huh kay Pia to ah!" Mandy.

Halatang nagulat si Pia.

Pero hindi siya nainis siguro dahil nasanay na siya na pinakikialaman ko mga gamit niya.

Iaabot na sana ni Mandy kay pia yung notebook nito ng bigla niya itong ipasa kay justin.

Napangisi naman itong si Justin na parang may ibang pakay sa notebook ni Pia. "He,he!" Sabi niya pa.

"Subukan mo talaga Justin sasabunutan talaga kita!" Pagbabanta ni Pia.

"Kung yun ay maabot mo buhok ko!" Napahagikhik si Justin at sabay tapon ng notebook ni Pia kay Andy na nakaupo lang sa likuran ni Cristtoff.

Sa sobrang lakas ng pagkakatapon ni Justin lumagpas lang yung notebook ni Pia sa upuan ni Andy at napunta kay Crisstoff na kasalukuyang nag babasa ng libro habang kinakausap ni Liza.

Pia, I Love You Where stories live. Discover now