Andy Rabino P.O.V.S
"Oy Andy sige na naman oh pansinin muna kasi ako!" Panunuyo nitong si Lata.
"Ewan ko sayo! Kausapin mo nga sarili mo?" Pagsusungit ko.
Busy pa naman ako sa pagpeprepare ng isusuot ko para sa swimming mamaya.
"Nakakabaliw naman kasi yang payo mo?" Sagot niya habang niyuyug balikat ko.
"Aray ko ano ba? Isa pa sasapakin talaga kita!" Sabay hampas ko sa balikat niya.
"Pre halika na mag stastart na game natin!" Aya ng isa niyang kasamahan.
"Gusto ko lang namang samahan mo ako ngayon e!" Pagdadrama niya.
"Busy ako!" Sabat ko.
"O narinig muna busy nga kasi e wag mo na kasing pilitin!" Sabi nong kasama niya.
"Okay!" Malungkot na sabi ni Justin habang sumunod na sa kasama niya.
Galit parin ako sa kanya at pinaninindigan ko yon hanggang ngayon magdusa siya.
"Hey!" Tawag nong kalaban ko mamaya sa swimming.
Napatingin ako sa kanya habang nasa swimming pool parin yung babaeng yon. "Mag gagraduate na tayo nagtatampuhan parin kayo ng boyfriend mo!" Sabat niya habang nag wawarm-up.
"Boyfriend? Yung latang yun Boyfriend ko tsk ang torpe torpe kaya non!" Sabi ko sa isip ko.
"He's not my boyfriend!" Sabat ko habang isinisuot yung jacket ko.
"Asus nag dedeny pa halata namang may gusto ka sa kanya e!" Panunukso niya. "It's normal to fall inlove girl hindi ka naman siguro manhid!" Sagot niya.
Gosh ano bang alam nito.
"By the way goodluck mamaya!" Umahon na siya sa tubig at binalutan yung katawan niya ng tuwalya.
"Halata ba?" Mahinang sabi ko. "Bahala siya don magdusa siya. Sabay alis ko palabas ng pool area. Pumunta muna ako sa locker para kunin yung pang palit ko ng sapatos ng bigla nalang may humila sa kamay ko.
"Oy Andy halika mag stastart na yung game ni Justin!" Aya nito habang hila hila ako papunta sa field.
"Pia?" Nagtataka kung sabi.
Hindi na ako nakatanggi dahil hatak hatak na niya ako papunta sa field kung saan nag uumpisa na sila Justin sa paglalaro. "Go Justinnnnn!" Sabi nitong si Pia.
"Am sa gym nalang kaya tayo manuod tayo ng cheerdance!" Sabi ko.
"Ano kaba mas maganda dito!" Sagot naman ni Pia. Focus na focus lang si Justin sa paglalaro ng Tennis ng bigla nalang mapansin ako nito. Nagulat siya kaya naka score yung kalaban sa pang unang puntos.
Umiwas siya ng tingin at nag concentrate ulit sa paglalaro nito. "Sabi ko na e' dapat hindi nalang ako sumama e!" Sabi ko kay Pia.
"Ano kaba nalingat lang si Justin kaya hindi siya naka score!" Pia.
"Baka kasi naiilang siya sakin kaya aalis nalang ako!" Sabay talikod ko.
"Oy !" Hinabol nalang ako ni Pia.
Hanggang sa makarating kami papunta na sa gym. "Bakit tayo umalis?" Pia.
"Ayokong manuod!" Sagot ko.
"Bakit naman e supporter tayo ni Justin diba?" Pia.
"Nagtatampo parin ako!" Sagot ko.
"Saan?" Pia. Huminto muna kami saglit. "Sa kanya kasi aalis siya iiwan niya ako!" Bigla akong nalungkot. "Kung sa bagay hindi naman ako kasama sa mga pangarap niya!" Dugtong ko.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
JugendliteraturMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.