Cristtoff Alexander Paige P.O.V.S
Library (Before the kiss happened)*~*
Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro ng bigla kung mapansin ang pagbukas ng pinto ng libraryo. Hininaan ko ng kaunti yung music sa cp ko.
I was too bored kaya naisipan kung pumunta rito at siyaka ang ingay kasi sa room kapag vacant. Saglit kung tiningnan kung sinong istorbo ang gumugulo sa dapat sanang tahimik na pag babasa ko.
At nakita ko nga si Pia na nag sign in sa logbook. Ano namang ginagawa ng doraemoon nato dito. Tsk akala niya siya lang may tawag sakin pwes meron din ako.
Adik na adik kaya yan kay Doraemoon. Kahit design ng notebook, ballpen at case ng cp niya si Doraemoon.
Mukhang may hinahanap siyang kung ano at saglit siyang tumingin sa taas ng ulo ko kung saan nandun ang hanay ng mga libro tungkol sa philosophy.
"Bukas pa kaya yung assignment namin sa philosphy ?yan kasi ang hirap sayo doraemoon nakikinig na nga mali mali pa!" Sabi ko sa isip ko.
Pilit niyang inaabot yung nasa taas e nataon pa namang ang liit liit niya na nga ang lakas pa ng loob niyang abutin ito gamit lang kamay niya.
Medyo natatawa lang ako.
Bigla niyang kinuha yung upuan na nasa sulok lang at dinala mga ilang hakbang lang sa kinatatayuan ko.
Ano na naman kayang kalampahan gagawin niya rito?
Sinundan ko lang siya ng tingin ng hindi niya na papansin. Umakyat siya sa upuan at hindi manlang inalam kung tama ba ang pagkakalagay niya sa upuan.
Seriously? Naku ayoko talagang tumulong pag nagkagipitan na.
Pilit niya paring inaabot yung libro.
"Nag iisip ba siya? Pwede naman siyang humingi ng tulong sa mas mataas pa sa kanya ah!" Natatawa kung sabi habang tuloy lang ako sa kakabantay ng mga susunod nitong gagawin.
Bigla nalang gumalaw yung upuan dahil sa kakagalaw niya ......... give me a good reason para tulungan kita ngayon?
"Napakalampa talaga nitong si Doraemoon!" Nasabi ko habang mabilis siyang sinalo.
Nagdadalawang isip pa nga ako nong una kung anong mas importante itong libro ko o itong si Doraemoon kaya lang sinumpong yata ako ng konsensiya ko.
Binitawan ko yung librong hawak hawak ko at mabilis na hinawakan yung baywang niya kaya lang sa sobrang bigat niya pareho kaming natumba at nadaganan ko pa siya.
Tuloy tuloy lang din sa pagbagsak ang mga nakahilirang mga libro sa paligid niya dahil sa lakas ng pagkakahawak niya sa haligi nito.
Ackward.
"Doraemoon! Alam mo bang ayokong ayoko ng ganitong posisyon!" Sabi ko sa isip ko.
Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib nito dahil 1 inch nalang ang pagitan ng layo ng mga mukha namin.
Gusto kung tumayo kaya lang nabagsakan paa ko ng ibang libro at natatakot ako na baka lumapit pa ng husto yung labi ko sa labi niya.
Nagtinginan kami na parang binabasa ang mga susunod na mangyayari.
Bigla nalang nanlaki yung mga mata nitong si Doraemoon habang sinusundan ng tingin ang unti unting pagkahulog ng libro pa punta sa ulo ko.
Bogshhhhhhhh.......
At bigla nalang lumapit yung mga labi ko sa mga labi niya.
Ackward.
(⊙_⊙)
She stole my first kiss ng ganun ganun lang ka dali. Para akong maiiyak sa inis at hiya. Itulak ko kaya to?
Mabilis akong tumayo at sinaksak sa tenga ko yung headset ko at nilakasan ko rin yung volume nito para hindi ko marinig ang mga sasabibin niya.
Bigla nalang akong na block out.
Wala akong ibang maisip na sabihin at gawin ng bigla nalang may tumawag sa pangalan ko mula sa labas ng library. Salamat naman at timing lang ang pagpunta niya rito dahil gustong gusto ko ng umalis dito.
"Cristtoff?" Tawag ng isang boses mula sa labas ng pinto.
Saglit kung tiningnan si Doraemoon na halatang namumula at nabigla rin sa mga nangyari.
"nandiyan na!" Mabilis kung sagot sa taong tumatawag sakin mula sa labas ng pinto.
Tinalikuran ko siya at tuloy lang sa paglalakad. Alam kung may sinabi pang iba si Doraemoon pero hindi ko alam kung ano yun dahil nilakasan ko ng husto yung volume ng music ko.
Paglabas ko ng pinto ay kaagad kung napansin si Calvin na kasalukuyang nakatingin sa mukha ko. Kaya inalis ko sa tenga ko yung headset ko at kaagad pinatay yung music.
"Bakit ka ganyan makatingin?" Sabi ko sa kanya.
"Are you okay?" Tanong niya.
"O-o naman!" Sabi ko habang inaayos yung dulo ng uniform ko na kaunting nalukot.
"Ba't parang namumula ka? May sakit ka ba?" Bigla niyang nilapit yung isang kamay niya sa mukha ko.
Kaya napaatras ako.
"Mainit lang kasi sa loob kaya medyo namumula ako!" Sabi ko habang inilalayo yung kamay niya sa mukha ko. " ano nga palang kailangan mo at hinahanap mo ako?" Pag iiba ko sa usapan.
"Siyaka umayos ka nga parang hindi ka lalaki ah?" Sabi ko.
Napangisi siya na parang ewan.
" sabay na tayong pumasok sa loob ng room?" Pag aaya niya.
Yun lang?
"Bakit hindi mo kayang mag isa?" Pagsusungit ko at mabilis ng tinalikuran siya. Akala ko na kung ano ng importanteng bagay ang sasabihin niya yun lang pala.
"Hoy Pre!" Sigaw niya sakin.
Tsk bakla talaga siguro itong si Calvin buntot ng buntot kahit saan ako pumunta.
Tuloy lang ako sa paglakad ng bigla kung madaan yung mga kaibigan ni doraemoon na panay tawa at ng makita ako ni Andy ay kaunting nagpa cute ito sakin.
Inilayo ko nalang yung tingin ko sa kanila at tumuloy nalang sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa room.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Teen FictionMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.