Chapter 3 ♡

92 33 40
                                    


Pia Nicole Ann Chavez P.O.V.S
(Morning)

                         *~*

"Pia?" Tawag ng isang boses ng lalaki mula sa likuran ko.

7:00 am palang ngayon kaya mas minabuti kung maglakad dahil hindi naman ako late ng gising.

Kaagad akong humarap sa kanya.

"Pa?" Nagtataka kung sabi.

"Sumabay kana?" Saad niya habang nagmamaneho ng kotse nito.

Tumangko at pumasok na sa loob.

Kaagad niya naman itong pinaandar.

"Pa napakalapit lang naman ng school ko e!" Nakangiti kung sabi. "Siyaka pag aaksaya lang ng oras mo ang paghatid sakin!" Dugtong ko.

"Pia it's okay alam mo naman na minsan lang sa isang linggo tayo magkita e!" Sabi niya habang nakangiti. " kamusta ka na?"

Halatang nag alala siya habang nakatingin sakin.

"O-okay lang po!" Mahinang sabi ko.

"e ang mama mo?"

"Okay lang din po?"

"Hindi ka ba niya sinasaktan?"

Umiling ako.

"Pag didisiplina lang po ang ginagawa niya!"

"Alam kung nagsisinungaling ka! Pia wag mo ngang pag takpan yang mama mo! Alam ko ang pinag gagawa niya dahil ilang taon din kaming nag sama. Sabihin mo lang sakin kapag may problema dahil hindi ako magdadalawang isip na bawiin kita sa kanya. Dahil kahit may karapatan siya sayo hindi parin tamang pagbuhatan ka niya ng kamay!" Sabi ni papa.

"Opo!" Sabi ko.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa gate ng school. Kaagad akong bumaba ng kotse.

"Mag iingat ka ha!" Sabi ni papa mula sa sasakyan.

Gusto ko sanang humingi sa kanya ng baon kaya lang naka bigay na kasi siya ng allowance ko. At naubos na yun lahat ni Mama sa isang araw lang dahil sa pagsusugal.

Ngumiti lang ako at pagkatapos ay naglakad na papunta sa building namin. Mabuti nalang at may natitira pa akong pera na natanggap ko bilang Tips sa restaurant na pinagtatrabahuhan naman ni Mandy.

Tuloy lang ako sa paglalakad. Maagang umalis na naman si mama malamang mag mamajong yun. Siyaka kahit ilang beses kung ipagtanggol siya kay papa alam na alam naman ni papa na nagsisinungaling ako.

Alam ko na mahal parin ni papa si mama pero may mga ugali kasing hindi gusto si papa sa kanya gaya nalang pagsusugal nito at paglalasing.

Halos magtatatlong taon ng hiwalay si mama at papa. Pero hindi pa sila totally hiwalay sa papel dahil ayaw permahan ni mama ang annulment siguro dahil mahirap mag let go ng isang relasyon lalo na kung umabot na ito ng taon at minahal niyo ng husto ang isat isa.

Tuloy lang ako sa paglalakad habang iniisip si mama at papa. Hindi naman ganyan noon si mama nagbago siya hindi dahil kay papa kundi sa maling impluwensiya ng barkada. Siyaka ang bisyo ay nag uumpisa lang din sa isang subok hanggang sa hanap hanap narin ito ng katawan mo.

Ang lalim ng mga iniisip ko ng mga oras na iyon ng bigla nalang tumunog yung cellphone ko mula sa bag ko kaya kaagad akong huminto at tiningnan ito.

"Ay!" Bulalas ko.

"Sino kayang......!" Hindi ko pa nahahawakan yung cellphone ko ng biglang may dumaan na bike mula sa likuran ko.

Dinaanan lang ako nito ng biglang masagi nito ang bag ko at matumba ako.


Pia, I Love You Where stories live. Discover now