Pia Nicole Ann Chavez P.O.V.S
(Captain)*~*
Nasa locker ako ngayon para kumuha ng bagong notebook dahil nawala ko na naman kasi yung isa kung notebook mabuti nalang at nag iiwan ako rito ng extra. Napakalat ng locker ko
"Aray ko po!" Isang malakas na bato ng bola ang tumama sa likuran ko. "Sira......!"
Hinarap ko siya at nakita ko si Kiel na natatawa pa. "Mukha ba akong pader sa palagay mo?" Seryoso kung sabi.
Itinapon ko sa may bandang dibdib niya yung bola na kaagad niya namang sinalo.
"Hindi di hamak na mas maganda kapa sa pader!" Ezekiel.
"Tsee!"
"Hindi ka naman kasi mabiro e!" Dugtong niya.
"Sige sabihin mo nga sakin kiel mukha bang biro yun siyaka ang tigas kaya ng bola!" Sabi ko.
Lumapit siya sakin at pinisil yung pisngi ko.
"Ang cute mo talagang mainis kaya ang sarap mong asarin e!" Ezekiel. "Ang mabuti pa ililibre nalang kita pang bawi ko sayo!" Hinawakan niya yung isa kung kamay at hinila ako.
"Hoy teka!"
Nilakasan niya pa yung takbo niya habang hila hila niya parin ako hanggang sa bigla nalang siyang huminto kaya ayon nauntog yung ulo ko sa likod niya.
"Aray ko!" sabay hawak ko sa ulo ko.
"Yung sintas ng sapatos mo!" Sabi niya.
Lumuhod siya at kinuha yung kabila kung paa kung saan hindi nga nakatali yung sintas ko.
Inayos niya ito at tumayo na.
"Alam mo napaka burara mo talaga Pia!" Pangangaral nitong si Kiel.
"Sorry naman nagmamadali kasi ako kanina dahil maaga pa akong sinirmunan ni mama!" Sabi ko.
"Kahit na dapat tinitingnan mo pa rin to napakadelikado kayang maglakad ng hindi ayos ang sintas ng sapatos mo!" Dugtong niya.
"Noted" sabi ko.
"Halika na nga nagugutom na ako e!" Sabay hila niya sakin papuntang canteen.
Pagdating namin don ay umupo muna ako samantalang siya na ang pumila para saming dalawa.
Sabi ko tubig nalang sakin at lollipop tinatamad kasi ako ngayong kumain kaya lollipop nalang para pang wala ng stress.
Pagkatapos niyang pumila ay mabilis siyang umupo sa harap lang ng inuupuan ko. May dala dala siyang isang cup noodles at limang perasong lollipop at tubig na nakalagay lang sa tray.
Umupo siya sa harap ng inuupuan ko lang din at inabot sakin yung tubig at lollipop.
"Ang hilig mo sa matatamis!" Kiel.
"Ikaw rin nga ang hilig hilig mong kumain ng ganyan!" Sabi ko.
"Syempre nasanay na ako na kapag umuuwi ako sa bahay ganito lang kinakain ko alam mo na kasi si Mama nasa ibang bansa at si Papa hindi naman marunong yun magluto!" Sabi niya habang inilalagay yung sauce at iba pang pangpalasa sa cup noodles niya.
"Kung sa bagay, bat di ka nalang kasi mag aral ng pagluluto iba naman kasi ang kanin at ulam diyan hayaan mo bukas gagawan kita ng sandwich!" Sabi ko habang binubuksan na yung lollipop.
"Talaga lang huh!" Kiel.
"Oo promise!" Sabi ko.
"Malapit na pala Intrams natin gusto ko sa Team kita huh!" Pag aalok niya.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
TienerfictieMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.