Pia Nicole Ann Chavez P.O.V.S
Pagkatapos naming mag lunch ay naglakad lakad na muna kami ni Andy at Mandy sa tabing dagat. "Ang ganda ng panahon no?" Andy.
"Oo nga e" Mandy
"Oy si Kyle oh" Andy.
Napatingin kaming pareho ni Mandy kay kyle na may hawak hawak na beach ball kausap si Cristtoff. Pareho silang nakasando at short at may beach towel sa balikat "Nakita mo yung babae tsk ang sama na naman ng tingin sa dalawa" nagtaas kilay si Mandy.
"Selos ka lang e" natatawang sabi ni andy.
Napatingin si Cristtoff sa gawi namin. "Oy Kyle musta" Andy.
"Putik bat mo tinawag si Kyle" nag tago si Mandy sa likuran ko. "Gosh ang hot talaga nong dalawa" dugtong ni Andy.
Lumapit sila sa kinatatayuan namin. "I know you Andy right" sabi ni Kyle habang nakatingin kay Andy. "Pia?" Tinuro ako ni Kyle. "Hi Mandy" sabi naman nito kay Mandy na kanina pa nakatago sa likuran ko.
"Pasensiya kana ayaw kasing......" hinila ni Andy si Mandy palabas pero nakatago parin si Mandy sa likuran ko.
"Mandy ano ka ba" hinila ulit ni Andy si Mandy.
Natawa lang si Kyle. "Swimming tayo guys" aya nitong si Kyle.
"Sure" siniko ako ni Andy. "Di ba Pia" Andy
Tumango ako. "lumabas kana kasi diyan Mandy" nahila din sa wakas ni Andy itong si Mandy. "He-hello Kyle" namumula pa itong si Mandy.
"Di ba ikaw yung magaling kumanta?" na sabi ni Kyle.
"Hi-hindi naman masyado" pagpapacute ni Mandy.
"Okay tama na yan baka mamaya magka langgam pa dito" sabay hila ni Andy kay Mandy.
Sumunod lang si Kyle samin. Himala at hindi hinahanap ni Andy itong si Justin "ang cute talaga ng kaibigan mo" sabi ni Kyle habang nilalaro sa kamay niya yung maliit na beach ball.
Napatingin ako sa kanya. Ako ba kausap nito? Siguro nga ako nga e ako lang naman dito ang kakarating hehe.
"Oo nga e" sagot ko.
Himala at kilala niya si Mandy sa dami ba namang babaeng nakapalibot sa kanya. At siyaka di ba nila nahahalatang naiilang ako sa suot nilang pareho. "Okay ka lang Chavez?" Cristtoff
"A, e, oo naman" ngumiti ako ng pilit. "Sino bang magiging okay kung pagitnaan niyo akong dalawa" pabulong na sabi ko.
Malapit na kami sa pool at marami ding mga estudyanteng nakatambay rito. Pumunta si Kyle kay Andy at Mandy na nauna ng tumalon sa pool.
Umupo lang ako at isinawsaw yung paa ko sa pool. Tumabi sakin si Cristtoff.
"Tingnan mo si Kyle parang bata" natatawang sabi ni Cristtoff.
"Close din pala kayo ni Kyle?"
"Medyo"
Napatingin siya sa bibig ko "May problema ba?" Tanong ko.
Sana hindi niya mahalatang nag liptint ako, inayusan kasi ako kanina nitong si Andy at mandy hindi pa natatanggal yung iba sa mga nilagay nila sa mukha ko ewan ko ba kung ano yon basta tinanggal ko nalang ng tissue para hindi halata.
"Nag liptint ka ba?"
Sabi na napansin niya e. Nakakagat labi ako. "Hi-hindi no" tanggi ko.
Ngumiti siya. "Bakit halata ba?" Mahinang sabi ko.
Binatukan niya ako. "Wag ka ngang maglalagay ng kung ano ano sa mukha mo" pangangaral niya. "Mas maganda ka kapag natural lang"
Napahawak ako sa pisngi ako. Nagagandahan siya sakin. Pero syempre hindi ko pinahalatang kinikilig ako.
"Hoy halika na" sabay hila ni Kyle kay Cristtoff sa pool kaya nahulog ito at nabasa pati yung beach towel niya.
"Sira ka talaga Kyle" na sambit ni Cristtoff.
Hindi ko mapigil yung tawa ko. Umahon si Cristtoff sa pool at.......
Umiwas ako ng tingin. Ang nipis kasi ng sando ni Cristtoff kaya bakat na bakat yung katawan niya. Si Andy biglang natigil sa tawa nong makita si Cristtoff na umaahon sa pool.
"Oy Andy" binato siya ng beach ball ni Mandy.
"Ulam" na sambit lang ni Andy.
"Isusumbong kita kay Justin" banta ni Mandy.
Napatingin lahat ng mga babae sa pool kahit pa yung mga lalaking kakarating lang. Gosh pinagpapawisan ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko pinahalatang nakatingin ako sa kanya, baka sabihin niyang naiilang ako sa suot niya. Umupo siya ilang distansiya sakin habang kinukusot yung nabasa niyang buhok. Buti nalang may dala pala akong towel kaya kinuha ko ito at inilagay sa buhok niya. Napatingin siya sakin. "O" sabay iwas ko ng tingin.
Hindi niya parin inilalayo sakin yung tingin niya. Kaya hinarap ko siya. Wag kang ngumiti, lumalakas kabog ng dibdib ko. Tumayo siya at inilagay sa buhok niya yung towel na bigay ko. "Magpapalit na muna ako" ngumiti siya.
Sabing wag kang ngumiti e.
Tumalikod na siya habang nakatingin parin sa kanya yung mga babaeng nadadaanan niya. "Hayysss" napaupo ako sa gilid ng pool.
"Pia?" Tawag nila Justin at Kiel na kakarating lang sa pool.
"Hoy pagong anong ginagawa mo diyan?" Sigaw ni Justin nong makita si Andy na naliligo na sa pool.
"Late ka na bat dumating ka pa?" Sigaw ni Andy.
"Kung sipain kaya kita diyan"
"Pia" bigla akong niyakap ni Kiel. Tumabi siya sakin habang ngumunguya ng candy. "San ba kayo nagpunta?" Tanong ko.
"Diyan lang" sagot lang nila pareho. Kumalas na si Kiel sa pagkakayakap sakin.
"Oy Pinsang buo nandito karin pala" binato ni Justin ng beach ball si Kyle na kausap si Mandy. Lumapit siya sa kinauupuan naming tatlo sumunod din sila Mandy at Andy.
"Maligo na kayo ang baho niyo na" Andy
"Anong mabaho, alam mo bang pinapaligo ko yung pabango samin" sabat ni Justin. "Teka bat parang namumula ka?" Tapik ni Justin sa kamay ni Andy.
"Syempre mainit" sagot lang ni Andy.
"Pia nag lip tint ka ba?" Kiel
Pati ba naman si Kiel napansin yung bibig ko. Napailing lang ako. Binura ko na nga pero nandito parin ano ba kasing brand yung nilagay nila sa bibig ko at hindi hindi matanggal tanggal.
"Ikaw talaga" sabay gulo niya sa buhok ko. "Wag mong gayahin yang dalawa na yan walang mabuting naidudulot yan sayo" sabay tawa ni Kiel.
Sa inis nong dalawa ay kaagad nilang hinila si Kiel kaya ayon nahulog siya at nabasa. "Anong sinabi mo haha" mandy.
"Kainis kayong pareho" sigaw ni Kiel.
"Sa susunod na magpaparinig ka dapat yung wala kami dito" tawa ni Andy.
"Hali na nga kayo" bigla nila kaming hinila pareho kaya pati ako nabasa narin.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Novela JuvenilMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.