Cristtoff Alexander Paige P.O.V.S《THE OUTING》
8:20 am na nong makarating ako sa school kamuntikan na nga akong maiwanan ng bus. "Gosh Tope buti at nakaabot ka pa?" Sabi ni Liza habang papasok na ako sa loob ng bus. Inikot ko yung tingin ko. Nakita ko si Pia na naka jacket sa may likuran katabi niya si Calvin na kausap naman si Lorraine. Ibang bus kasi sila Ezekiel at kanina pa nakaalis yung bus nila. Wala ng available na upuan maliban kay Liza kaya tumungo ako don at inilagay na yung bag ko ng bigla akong hilahin ni Calvin. "Palit nalang tayo" tumayo na ito sa upuan niya. Tulog na tulog parin si Chavez habang nakasandal sa bintana ng bus yung ulo niya. "Tope dito kana umupo ayoko ngang makatabi yan" iritabling sagot ni Liza. Bigla nitong niyakap yung bag ko.
"Ano ba liza panira ka ng love story e" lumapit si Calvin kay Liza sabay hablot nong bag ko.
"Sige na Tope" ngumisi pa si Calvin.
"Sira ka" nasabi ko.
"Grabe effort ko para mapasama yan tapos hindi rin pala kayo magkatabi tsk" tumabi na siya kay Liza. "Umalis ka nga diyan" liza.
"Bakit akala mo gusto kitang katabi pasalamat ka gwapo tong si Cristtoff nawawala negativity dito sa loob" Calvin
"Sige na" sabay tulak sakin ni Calvin sa upuang katabi lang ni Chavez. Umupo na ako don habang nakatingin parin kay Chavez. Halatang antok na antok ito, hindi ba to natulog kagabi? Napansin ko din na nakalugay na yung buhok niya. Maya maya pa ay nagsimula ng umandar yung bus. Sa sobrang ingay ni Calvin e nagising si Chavez. Nanlaki yung mga mata niya nong makita niyang magkatabi kami.
Tumingin nalang ako sa malayo habang nag uumpisa na si ma'am Icotanim na sabihin yung mga rules niya pag nakarating na kami don. Nagsimula ng mag ingay sa loob maliban kay Chavez na kakagising lang. "Hindi ka ba natulog ka gabi?" Tanong ko.
Napatingin siya sakin, bigla nalang siyang namula. Okay lang ba siya? Sinabihan ko lang naman siya kagabi ng goodnight with emoticons na heart bigla nalang siyang naging ganyan.
"Hi-hindi kasi ako nakatulog kagabi" sabi niya habang pilit na tinatakpan yung eye bags niya.
Hindi nga siya nag reply kagabi, baka hindi niya pa nababasa yung texts ko.
"Bakit naman?"
"Wala lang, iniisip ko kasi kung anong e rereply ko sayo" mahinang sabi niya.
Akala niya siguro hindi ko narinig. "Naiilang ka ba sakin?"
"Hi-hindi no"
Natawa lang ako. "Hindi rin kasi ako makatulog kagabi dahil iniisip ko si Mama" na sambit niya.
Tumigil ako sa pagtawa. "Bakit anong meron?"
" nalaman ko kasi na buhay pa pala ang lolo at lola ko. Kaya pala napakagaan ng loob ko kay Mr. Monte. Ilang taon ding itinago sakin ni mama ang lahat at sa haba ng taon na yon pinaniwala niya ako na patay na sila"
"Si Mr. Monte ang lolo mo?" I never expected na si Chavez pala ang pinag uusapan ng papa ko at ni Mr. Monte nong minsan magkausap si papa at si Mr. Monte sa restaurant. Narinig ko na ang kaisa isang apo ni Mr. Monte ang hahawak sa school kapag namatay siya. Alam ba to ni Chavez?
Tumango siya "bakit pakiramdam ko ang dami ko pang hindi alam, may sikreto pa ba si mama na hindi ko pa ba alam?"
"Hindi natin alam ang takbo ng isip ng mama mo pero kilala kita Chavez alam ko kung gaano mo kamahal ang mama mo"
"Hi-hindi ko na siya kilala" napatingin siya sa malayo.
"Pwede kang humiga sa balikat ko" sabi ko habang tinatap yung balikat ko.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Novela JuvenilMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.